Seventh

15 1 3
                                    

"Don't let anyone in Deathre." L

Pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto ay sya namang balik ni Deathre sa taas. Obviously, inutusan sya ni L but honestly, it did not sounded that way.

Posible kayang nagseselos si Dyan sa pagiging natural leader ni L? Is that why she doesn't want to talk about it? Because it sounds shit? Well, girls are girls. Selosa nga naman ang mga babae ng higit kesa sa mga lalaki.

"At this moment i don't know what you are thinking dahil di ko alam ang pinagusapan nyo ni Dyan pero pwede bang kalimutan mo muna yan? I have more important business with you. Okay?"

Tumango naman ako sa sinabi ni L. First time nyang hindi nalaman ang iniisip ko kaya medyo napangiti ako.

"Idetalye mo sakin ang plano kagabi."

"What?!" singhal ko. "Eh pero hindi ko alam ang eksaktong plano nyo."

"Wag ka magsayang ng oras. Marami pa kong kailangan gawin." sagot nya.

Tsk. May magagawa pa ba ko?

Sinimulan kong alalahanin ang lahat ng nangyari kahapon. Isa-isa yung pumasok sa kukote ko at isa-isa ko na ring binanggit lahat ng pagkakaintindi ko.

"If i'm not mistaken, sinadya nyong hindi sabihin sakin lahat ng plano."

"Para?"

"Para magmukhang makatotohanan sakaling marinig na kaming dalawa ni Deathre ni Jason sa kabilang linya."

Tumatango-tango si L habang nagsasalita ako. Paikot-ikot din sya sa buong room imbes na manatili sa harap ko. Hindi ako sigurado kung tama ang lahat ng pinagsasasabi ko pero mukha namang kuntento sya sa mga naririnig nya.

"Lahat ng sinabi ni Deathre ay hindi totoo at kabaliktaran ng tunay nyong plano. Ikaw bilang Chris na nasa sala lang buong magdamag. Si Dyan bilang Allison na hindi naman talaga. Si Hell lang yata ang talagang nasa TechGeek office." pagpapatuloy ko.

I wonder how Hell became part of the TechGeek gaya ng sabi ni Deathre. Ganun ba sya katalino to the point na natanggap sya sa isang executive department?

"He cutted the connection of Earl, Chris, and Allison saming dalawa ni Deathre. Right?" i continued.

Patuloy lang na tumatango si L kaya nagpatuloy nalang din ako sa pagsasalita.

"The thing is posibleng hindi maniwala si Earl sa mga pinagsasasabi ni Jason at first. Pero sa sobrang taranta, you deduced na posibleng maniwala na rin talaga sya. 50:50 ang mission kay Earl pero nakaready na rin si Deathre with that bow and arrow na binili nyo kanina kung sakali. I don't know what happened next to them."

"Hmm."

"What?" tanong ko.

"Wala. Nevermind. Tuloy na." he said.

"Next thing is Jason. Hindi kayo nagdalawang isip na magpapakatanga si Jason dahil tanga naman na talaga sya. Oops." i made a sign peace at tumingin sa taas "i'm sorry Jason but that's the truth-"

"You should've looked down."

Natawa ako ng konti sa sense of humor ni L pero nung tiningnan ko sya walang bahid ng tawa o kahit ngiti sa mukha nya. Eh? Seryoso sya dun?

"Continue." sabi nya.

Huminga ako ng malalim at tsaka muling nagsalita.

"According to Jason, he placed a bug on Deathre's room. So expected nya na habang nag-uusap kami ni Deathre ay nandun kami sa room kung saan nya nilagay yung bug."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Psyche And SoulWhere stories live. Discover now