Start of a new school life.

10 0 0
                                    



Mag damag akong hindi makatulog kasi kinabukasan ay pasukan ko na. Ayaw na ayaw ko nung introduce yourself pero mukhang mangyayari to bukas, ako lang naman kasi ang bago sa papasukan kong school.

Pumasok akong hindi pa naka uniform, okay lang naman daw yon sabi ni tita kasi bago palang ako. Hinatid na ko ni alie at ni tita sa room ko, naabutan kong nag didiscuss yung teacher ko kaya mas pinili ko munang tumayo sa gilid hanggang mapansin ako kesa mag mukhang attention seeker don.

"Oh andito na pala ang transferee, andito na yung bago niyong magiging kaklase. Ms. Fuentabella right?" tanong niya habang inaakay ako papasok ng room.

Omg! I hate attention! Pag pasok ko palang ay nakakinig na ko ng bulungan sa kanila, meron ding kumpulan na lalaki na nag sisigawan at nag aasaran, merong mga walang pake at merong umagaw ng attention ko yung lalaking nasa unahan na ang sama ng tingin sakin, inaano kita boy?!

"Okay ms. Fuentabella mind introducing yourself?"

Ngumiti ako ng tipid at nagsimula nang mag salita "Wag niyong pagtatawanan yung name ko ha? But I'm Trasian E. Fuentabella. You can call me trasian. I hope this school year will be filled with fun and adventures and also a new knowledge for each one of us." After kong ngumiti ay bumalik na naman ang bored-look-face ko.

"Okay tama si Trasian sana mag enjoy at may matutunan kayong bago ngayong school year hindi yung puro bulakbol at kung anong kaharutan ang inaatupag niyo. At wag niyo siyang io-out of place kasi alam niyo namang ilang school year na kayong mag kakakilala at siya bago palang, okay trasian hanap ka nalang ng uupuan mo."

Well actually wala naman akong nakikitang jejemon or nerd dito katulad ng ineexpect ko, lahat pala nang pangjujudge ko sa kanila mali, hays napakasama ko na talaga aa magagalit na sakin si Lord, baka karmahin pa ko no way! Dun ako umupo sa dulo kung nasan naandon yung mga lalaking nag sisigawan kanina mas lalo tuloy silang umingay tapos mas lalo tuloy lumakas yung bulungan dun sa kabila. Akala siguro nila eh nilalandi ko yung mga kaklase nilang lalaki, na sanay lang ako na lalaki yung kabarkada kaya imbis na dun ako pumwesto sa isang bakante na katabi nung mga babae ay dun ako umupo sa likod.

"Shh! Quiet! Mamaya na yan, masyado kayong naeexcite sa bago niyong kaklase makinig muna kayo." Natatawang utos nung teacher namin.

Ihing Ihi na ko kaya tinaas ko yung kamay ko para mag tanong "Uhm ms. Can I go to the comfort room?" Nag aalanganin kong tanong.

"Of course you may, ang bait talaga ng batang to nag papaalam pa, samantalang yang iba mo jang kaklase nakauwi na sa bahay nila hindi man lang namin alam." Natatawang sabi ni ms.

Nung dumaan ako sa unahan may nakinig akong nag papintig talaga ng tenga ko.
"Uhm ms. Can I go to the comfort room?" Bulong nung babae which is hindi naman talaga bulong, pilit niyang ginagaya yung boses ko which is hindi niya magaya kasi high class ang boses ko, Hindi tulad niyang pang palengkera, how poor.

Nag dirediretso na kong lumabas at hindi na pinansin yung mga tawa nilang boses pokpok kasi wala akong mapapala sa kanila. Natagalan talaga ako sa pag hahanap ng cr at sa first floor pa ko nakahanap.

Pag kapasok ko ng room may mga nag aabang na dalawang babae dun sa pinto.
"Ui bes diba bawal mag cutting dito? Ikaw kasi wag kang maniniwala sa sinasabi ni ma'am na marami tayong kaklase nakakauwi ng di nagsasabi. Bagong bago palang cutting agad ang gusto." Sabi nung babaeng nasa kanan habang nilalaro yung buhok niya.

"Huh? Di naman ako bago ah tsaka bes di ako nag cucutting." Sagot naman sa kanya nung kaibigan niya. Ano ba yan mag paparinig nalang di pa ayusin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ATLAST.Where stories live. Discover now