C19. Finding Answers To My Questions

Comenzar desde el principio
                                        

“Kung papatay ka rin lang hayup ka, tigas-tigasan mo naman ang kapit mo sa sandata mo! Gago.”

Nagulat ako sa ginawa niya, may kinuha siya mula sa likuran niya. Balisong iyon at bigla niyang hinagis sa’kin.

Sa pagkabigla ko ay hindi ko na nagawang makailag at ang sumunod na nangyari ay tumarak na iyon sa aking tiyan. Nagsimula nang humapdi ang aking sugat. At sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay bigla akong sumuka ng dugo. Kasunod niyon ay nawalan na ako ng malay-tao.

Bago ko maipikit ang aking mata ay tinignan ko siya, tatanggalin niya ang maskara niya. Sana ay umabot ako, iyon ang hiling ko sa aking sarili. Para matigil na ang kalokohan na ito, pati ang pesteng laro niya gamit ang mga death note.

Pero sa kasawiang-palad ay hindi na ako nakaabot.

Almira’s POV

Kasama ko si Luigi at hindi pa rin ako maka-get-over sa nasaksihan ko. Para bang ang laki ng galit ng taong iyon kay Cathy. At ang mas nakakapagtaka pa roon ay si Emily raw ang pumatay sa mga taong iyon. Imposible. Sigurado akong may mali sa ideyang si Emily nga ang pumapatay. Maaaring may ibang tao na sinasangkalan ang pangalan niya para pumatay. O 'di kaya ay...

Napatigil ako...

Hindi kaya may koneksyon ang taong ito kay Emily?

Napalinga ako, mukhang posible nga iyon at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay si Wilma ang nakita ko sa malayo. Nasa field siya. Mula sa building ay bitbit niya ang baseball bat at ibinigay niya iyon sa lalaking nasa field. Kilala ko ang lalaki, nakakausap niya ito pero hindi ko ka-close. Kailan pa nagbe-baseball si Wilma?

“Salamat!” narinig ko pang sabi niya. “Sa susunod na lang ulit.” Pagkatapos ay sa akin siya nagawi.

Hindi ako nakagalaw. Ano kaya ang dapat kong sabihin.

“Kumusta ka na Almira? Ang tagal na rin nating hindi nagkakausap. Pwede ba tayong mag-usap? Na tayong dalawa lang?”

Hindi ako makasagot at tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya. At niyaya niya akong mag-usap kami sa partikular na lugar.

At nang nasa abandonadong classroom kami ay naiwan si Luigi, ilang lakad lang mula rito. Siya ang naunang nagsalita.

“Almira!” niyakap niya ako ng mahigpit. Maikling salita pero dama ko pa rin ang pagkakaibigan namin na inalagaan na rin ng ilang taon.

“Wilma?” mahina kong turan sa kanya.

“Sorry na, Almira. Pasensya na kung inilihim ko ang relasyon ko kay Darrell. Alam kong tututol ka at mahal ko siya. Ayoko kasing mawala ang pagkakaibigan natin at ayokong dumating ang araw na mamimili ako sa pagitan niya at ikaw.”

Naramdaman kong namasa na ang blusa ko. Hinimas ko ang likod niya. Hindi ako nagsalita bagkus ay hinayaan ko lang siya.

“Magtatapat na ako sa'yo pero lagi akong namamatayan ng lakas ng loob para sabihin sa'yo ito. Inunahan pa ako ni Mandy nang araw na iyon. Marami akong dapat ihingi sa'yo ng patawad at kay mama pero…” umiyak na siya ng tuluyan.

“Matagal ko nang kinalimutan iyon. Sino ba naman ako para pigilan ka sa gusto mo. Pero sana isipin mo na lang ang mama mo. Sa lahat ng desisyong bibitawan mo, palagi mong iisipin ang mga taong nakapaligid sa'yo at ang magiging epekto ng mga pangyayari. Kalimutan na natin iyon.”

Maikling pag-uusap pero naliwanagan na kaming pareho. Hindi pa man siya lumalapit sa’kin ay matagal ko nang kinalimutan iyon. Niyakap ko na siya ng mahigpit at tinapik-tapik bilang pagtahan sa kanya.

Natigil na lang iyon ng biglang magpakita si Luigi. “Si Precious! Nasa banyo, dali!”

Nagkatinginan kaming dalawa at bigla akong napatakbo. Pagdating ko sa kalapit na CR ay tumambad sa’kin ang duguang si Precious. Dinaluhan ko siya. “Precious! Gising.” Nakailan din ako bago siya naalimpungatan. “Sino’ng may gawa nito?”

“Babaeng maskarado... May baseball bat. Binato... yung balisong...” nawalan na naman siya ng malay-tao. Dali-dali ay binuhat siya ni Luigi at dinala agad sa School clinic. Pero sa kasamaang-palad ay sa ospital na siya dineretso.

Dahil sa nangyari ay napagdesisyunan na ng pamahalaan ng eskwelahang iyon na isuspinde na ang klase sa lahat ng antas. Magsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa dalawang krimen na nangyari.

Pag-uwi ko sa bahay ay dumiretso ako sa aking kwarto. Tinimbang –timbang ko ang nangyari. Ang itim na marka na natuyo na sa sapatos ni Dino, Ang bangkay ni Cathy sa Construction site ng eskwelahan, Ang tangkang pagpatay kay Precious at ang… Palatandaan ng kriminal.

Babae, Maskarado, May baseball bat at balisong?

Nang makita ko si Precious ay sariwa pa ang saksak niya sa tiyan at sa tantiya ko ay ilang minuto lang nakalipas iyon. Pumasok sa isip ko si Wilma. Galing siya sa building na iyon at may dalang baseball bat na hiniram pa niya sa isa sa baseball player.

Hinagilap ko kaagad ang aking cellphone at binalak ko na tawagan si Wilma upang kumpirmahin ang haka-haka ko pero napatigil din ako. Baka sa gagawin ko ay mag-away lang kaming muli. Itinigil ko na ang ideyang iyon pero ang isang bagay ang pumasok sa isip ko.

Dapat ko pa bang pagkatiwalaang muli si Wilma?

Emily’s POV

Bumisita ako sa himpilan ng pulisya. Humarap ako sa kanila bilang nagmamagandang-loob na estudyante. May kailangan akong kunin roon. Mabilis talagang kumalat ang balita dahil alam ko nang nasaksak si Precious at hindi ako ang may gawa.

Hindi ako ang gumawa, mamatay man ako.

Pero napangiti pa rin ako, halos pumapanig na ang sitwasyon sa mga kamay ko at ang tangi ko na lang gagawin ay huwag na hayaang mawala sa’kin ang isang pambihirang pagkakataon.

Humarap ako bilang testigo at siyempre tinahi ko ang pangyayari. Pero nakita ko sa may hindi kalayuan ang dalawang pulis at inabot nung isa ang supot na may laman balisong.

“Heto ang ebidensya sa tangkang pagpatay sa isang babaeng senior year.”

Napailing ako, malalaman nila kung sino ang pumatay. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay kinuha ko iyon ng hindi nalalaman ng iba. At nang magtagumpay ako ay tumalilis na ako palayo.

'Death Note'Donde viven las historias. Descúbrelo ahora