Nang hindi ito makatagal sa crime scene ay lumabas na ito na naduduwal na. Tumakbo ito palayo. Hindi man lang siya sinundan ni Agatha.
Nilapitan ako nang huli at pataray na nagsabing… “Kasalanan mo ito, hindi mo kasi ginalingan ang paghahananap sa kanya. 'Yan tuloy namatay siya ng dahil sa kagagahan mo. Damn You!”
Napapailing ako, hindi ko kasalanan iyon pero bakit napipipi ako? Dapat kong depensahan iyon pero nawalan na ako ng boses at lakas para magsalita?
“Fuck You! Go to hell, pinabayaan mo siya dahil malandi kang babae ka, alam mo sa sarili mong ikaw ang kailangan ng buong klase, lumandi ka lang!”
Tama na Agatha...
Parang gusto kong sabihin sa kanya. Nasasaktan ako sa mga salita niyang pang-below-the-belt na. Tuloy ang iyak ko na hindi naman talaga dapat.
“Nakita kita kahapon na umaangkas ka sa sasakyan ni Luigi, nang gabi? How come kung saan ka ginarahe ng lalaking 'yan?” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nang-uuyam, nang-iinis. “Wala kang pinagka-iba kay Cathy, Kung kani-kanino umaangkas!”
Wala siyang nakuhang salita sa’kin kundi isang malakas na sampal lang ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako mal-edukada para patulan siya. Umalis ako, nang mag-isa.
Pinunasan ko ang aking luha nang sa gayon ay maisalba ko lang kahit papaano ang pride na tinapak-tapakan niya. I’ve felt down, she’s getting so mean to me. Nang hindi pa ako nakakalayo ay napansin ko ang sapatos ko.
May itim na marka.
At naalala ko ang itim na marka sa sapatos ni Dino, kung papansining maigi, basa at mukhang sariwa pa ang kulay ng aspalto sa sapatos ko. Pero ang nakita ko kay Dino, Natuyo na siya, hindi madaling matuyo ang basang aspalto. Halos aabutin iyon ng isang araw bago matuyo.
Mukhang kahapon ay nagawi siya sa lugar na iyon na ayon din sa mga imbestigador at detective na sa ganoong araw din namatay ang biktima. Hindi kaya may kinalaman si Dino?
Precious POV
Pagkatapos kong makita ang sinapit ni Cathy ay parang ayoko na siyang tignang muli. Hindi yata tao ang may gawa sa kanya, kampon na yata ng demonyo. Dumiretso agad ako sa may lababo at sumuka nga ako, lahat ng kinain ko kaninang almusal ay naisuka ko na. Latang-lata ako pagkatapos. Hindi ko masikmurang titigan siya o kahit man lang sulyapan ng ilang segundo.
May narinig akong kaluskos hindi kalayuan sa’kin. At dahil sa kulob ang banyo kaya nakakatakot ang tunog. Nagsimula na akong mangatog dahil sa takot na aking nararamdaman.
Ngunit nagpatuloy pa rin ang kaluskos na iyon. Nang hindi ko na kayang pakinggan ay nagtangka na akong lumabas pero may pumasok na babae. Unipormado siya. Nakamaskara siya ng nakakatakot. Ang maskara niya ay mistulang payaso sa mga horror movie. May dala siyang baseball bat at nakadireksyon siya patungo sa’kin.
“Sino ka? Pakiusap... huwag mo akong takutin.” Matapang-tapang ko pang sabi. “Umayos ka, hindi ka nakakatawa!”
Wala siyang imik. Ayaw niyang magsalita.
“Sino ka ba?” lumapit ako at akmang tatanggalin ang maskara niya pero hinambalos niya ang braso ko.
Nangaligkig ako sa sakit pero tiniis ko. Kailangan kong makatakas sa kanya, pero papaano. Kaya niya akong harangan sa pamamagitan lang ng katawan niya at ang kanyang baseball bat.
Ang hindi niya pagsasalita ang lalong nakadagdag sa aking takot at curiousity, siya kaya siya? Siya rin kaya ang taong pumatay sa kaibigan ko?
Wala na akong choice, sinalubong ko siya at nakipag agawan ako ng baseball bat sa kanya. Ayokong mamatay ng hindi lumalaban. Pero muntikan na akong matawa dahil napakahina ng kapit niya sa baseball bat niya, kaya naagaw ko sa kanya iyon.
CZYTASZ
'Death Note'
Losowe"Death Note" By: PunkyDoodleDoo Nagimbal ang buong klase nang mamatay ang isa sa kanilang kaklase na si Emily. Nagpakabigti ito sa loob pa mismo ng kanilang classroom at nag-iwan pa ng nakakakilabot na mensahe. At magmula noon ay sunud-sunod na...
C19. Finding Answers To My Questions
Zacznij od początku
