Chapter 1: First Day in A-Academy

Start from the beginning
                                    

Nakita ko naman dun si Mr. Reyes, siya yung may-ari ng school.

"Oh! Ms. Kim andito ka na pala! Tara dun muna tayo sa Archery Range, ipapakilala kita sa mga tiga Archery Club."

Sabay kaming naglakad ni Mr. Reyes papunta sa Archery Field ng school.

Konti lang pala mga archer dito sa school kaya siguro sila naghanap ng scholar na archer.

Pumasok na kami. Maganda naman yung field, malinis, malawak yun nga lang konti lang gumagamit. 5 lang sila, two girls three boys. Ako yung pang six.

"Everyone please gather around." pagtatawag ni Mr. Reyes sa mga tao dun.

"Siya si JC Kim, simula ngayon kasali narin siya sa archery club."

"Mr. Reyes siya po ba yung scholar na sinasabi niyo?" tanong nung isang babae na parang iritado sa akin, obvious naman eh.

"Oo siya na nga. Bakit may problema ba?"

"Sir masyado naman po kasing unfair, kami nagbabayad dito sa school tapos siya libre lang? At isa pa parang hindi naman po siya ganun kagaling sa sport na ito." sagot nung babaeng ayaw sakin.

"Don't judge a book by it's cover Ms. Cruz, she may not look like it but Ms. Kim already won in a professional Archery competition. To prove that Ms. Kim deserves to be here, why don't we have a game between the two of you. Is that alright?"

"Yes Sir." nakangiting sagot nito kay Mr. Reyes, isang ngiting punung-puno ng confidence yung kala mo nanalo na siya. Hahaha siya ata pinaka magaling sa kanila eh, ayus two weeks narin akong walang practice sa field, laging sa kalye or sa bahay ang practice field ko.

Inayos na namin yung mga gamit, buti na lang lagi kong dala itong bow at mga arrow ko. Sinuot ko na yung quiver ko (yung lalagyan ng mga arrow) at sinimulan ko nang linisin ang recurve bow ko.

Jam's POV

 Hello! Ako po pala si Jamiel Chrysler Kim (Jam-yel Cry-sler po ang basa dyan), you can call me Jam, ang pinaka gwapo sa school na ito (A/N: Wow! Ang hangin dre!). Eto namang si miss author, I'm just stating a fact (A/N: Oo na sige na, ituloy mo na sasabihin mo ng matapos na ang POV mo. Hahaha) Si Author naman pinapalayas agad ako.

Kidding aside, kung si Ate scholar dito dahil sa archery, ako naman ay naging scholar dito dahil ako ay matalino. 2 mistakes lang kaya mali ko sa entrance exam, yun nga lang mahina ako sa sports. Baliktad kami ni Ate, siya mahina sa academics tapos ako naman sa sports. Mas nauna lang ako dito sa school dahil may mga kabarkada akong tumulong sakin para maka-take ng exam. Ako ang first scholar sa school na 'to pero di naman nila ako binully or inaway kasi bukod sa gwapo ako, kasama rin ako sa group na A-Prince, we are composed of 5 most handsome guys here in the school.

Kanina nung nakita ko si Ate JC parang nalunok ko ang dila ko, nakakatakot kaya magparusa yun. Ako kaya ginagawa niyang target pag nagpa-practice siya ng archery. Lagi nga akong kinakabahan eh, minsan nagloloko pa siya na papatamaan niya daw yung *toot* ko, pero alam ko namang joke lang yun. Mahal na mahal kaya ako ni Ate.

"Uy mga girls tara sa Archery Field! Meron daw maglalaban ngayon!" sigaw nung babaeng dumaan.

"Talaga?! Sino daw yung maglalaban?" tanong nung isa pang girl.

Nako masama pakiramdam ko. Feeling ko si Ate yung lalaban.

"Yung scholar daw tapos si Miss Yana."

Sabi ko na nga ba eh! Si Ate talaga lapitin ng disgrasya! Pero ok lang alam ko namang kaya niya yun.

"Ha? Diba si Miss Yana yung pinakamagaling dito sa school?"

"Oo siya nga. Tara na manuod na tayo." sabi nung girl sabay lakad papuntang Archery Field.

Ang Syota kong Manhid! *HIATUS*Where stories live. Discover now