"Tang-ina naman pare! Ang sakit ah!"

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?!" Hindi naman kasi talaga sila pumupunta dito ng ganitong oras, kadalasan gabi na sila bumibisita.

"Eh pare, may race mamaya! Tang-ina pare laki ng kikitain!"

Biglang kuminang yung mata ko. "Kayo naman! Ba't ngayon niyo lang sinabi! Anong oras? At magkano dedekwatin?"

Bumulong sa akin si Rey. "Five hundred thousand!"

"Wooohhhh!" Sigaw ko. "Tang-ina! Laki non!"

"Pwede ba kuya! Ang ingay ingay mo naman! Nanonood yung tao eh!" Sigaw sa akin ng kapatid ko.

Hindi ko na lang pinansin yang bubwit na yun. "Oh ano pare, deal?" Tanong sakin.

"Tinatanong pa ba yan? Nong oras nga pala yung race?"

"Alas 11:00 pare."

"Ge. Magsilayas na kayo."

"Tang-ina naman pare. Teka? Ano yung naaamoy ko? Parang adobo ha!"

Sabay takbo nilang dalawa sa kusina. Mga tarantado talaga yung mga yun.

Yung dalawang yun, sina Rey at Kevin. Mga kabarkada ko.

May race nanaman mamaya, tyak pag sumama ako mananalo na ako dun. Di naman sa pagmamayabang, everytime na may race kasi akong sinasalihan, nananalo ako.

Kaya, tyak na mabibingwit ko na yang kalahating milyon na yan.

"Kyahhhh! Ang ganda talaga niya! I love you na talaga Jaydee!" Sigaw nanaman nitong kapatid ko habang nanonood ng TV. Sino ba yang Jaydee na yan? Laging binabanggit ng kapatid ko yan. Artista siguro?

Matanong nga.

"Hoy bubwit! Sino yang Jaydee na sinasabi mo? Ba't lagi mo na lang sinisigaw yan?"

Bigla namang nanlaki ang mata niya sa tanong ko.

"Whuuuuuuut?! Hindi mo kilala si Jaydee kuya?! Oh my God lang kuya! Oh my God lang talaga! Hind-"

Tang -ina naman! Arte nitong babaeng to "Oo nga! Sabihin mo nga kung sino! Ang dami pang sinasabi! Oh my God Oh my God ka pa jan!"

"Kuya, siya lang naman ang ultimate idol ko! Hollywood superstar siya kuya! Sikat siya all over the world! She is no other than, Jaydee Steinfeld! Taga California siya! Pero, half Filipino half American siya! Ayan kuya oh! Tignan mo siya ganda niya no!" Sabay turo niya dun sa pinapanood niya.

"Pangit." Yun lang nasabi ko. Inaasar ko lang naman yang kapatid ko. Pero, Oo. Maganda nga siya.

"Anong pangit?! Sapakin kaya kita jan!" Oh diba? Idol talaga niya.

"Hoy! Kayong dalawa jan! Halina kayo at kakain na. Baka maubusan kayo ng ulam."

"Opo ma! Tapusin ko lang tong pinapanood ko!"

"Hmmp. Bahala ka dyan bubwit ka. Mauubusan ka ng ulam, andyan yung dalawang patay gutom."

Saka na ako tumakbo sa kusina.

Wel, I'm Zayn Nicolo Aquino, 17 years old from Philippines!

Gwapo,Habulin ng chikas,matangkad,maputi,matalino at gwapo ulit.


Jaydee Steinfeld

"Okay cut! Good job Jayd. Pack up!" Sigaw ni Direk. Hayy sa wakas! Tapos na rin ang shooting.

"Jaydee, you have a interview tomorrow on BangBang Show" Sabi ng manager ko. Argghh. Interview nanaman. . -_-

Tumango na lang ako. At sumakay na sa van.

"Katrina, what's next?" Tanong ko sa PA ko.

"Photoshoot at 5:00 pm. You still have 20 minutes to rest ma'am Jaydee."

I just nodded. Ang init! I'am craving for an ice cream. "Ahmm Kat, can you buy me an ice cream?"

Eksakto naman at may nadaanan kaming convenience store.

"Okay."

"Thanks."

Tapos huminto kami sa isang convenience store. "Ahmm, I want a hazelnut flavor."

Tumango na siya at bumaba.

Makapag twitter nga muna.

Baha nanaman ang notifications ko.

Pati messages.

Makapag-tweet nga.

@RealJaydeeS.

Craving for ice cream. Yumyum :D

*KRING KRING*

Kristoff Calling...

"Hell--"* toottoot*

Sheems! Walang signal. Binuksan ko yung bintana ng Van at itinaas ko yung phone ko para makasagap ng Signal.

"Oh my God! Jaydee Steinfeld?!"
"Look! Its Jaydee!"
"Waaaah! Jaydee I love you!

Oppsss.

Author's Note:

Sorry sa Typos and wrong grammars! :*

Vote and Comment kayo please? :) Para naman po ganahan akong mag-update. Yun lang po kasi yung inspirasyon ko para ituloy tong story na to. :)

Thanks. ;)

xx

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now