Pero hindi niya muna ipapaalam dito ang totoo. Kailangan nitong marealize ang mga bagay bagay at baka sakaling maging matapang ito para sa kanila ni Maui. Liban nalang kung mabasa nito ang laman ng invitation.

Nagpapaalam na siya dito ng may dumating na staff nito na may dalang bulaklak. Magaganda ang mga iyon.

Maging ito ay nagulat ng sabihing para sa kanya ang mga bulaklak. Nagpasalamat ito sa staff na agad namang umalis.

" What a beautiful flowers. Kanino galing?" siya na ang echusera. Binasa naman nito ang card.

Nagsalubong ang kilay nito. " Kay Jarred..," bakas ang pagtataka sa mukha nito.

" Jarred? As in Atty. Jarred Villamar? " kaibigan ito ng kapatid niya. Nanliligaw ba ito kay Chloe?

" Oo, nakapagtatakang pinandalhan niya ako ng bulaklak." mukhang nasorpresa din ito.

Nagpaalam na siyang muli kay Chloe at agad na dumiretso sa opisina ng kapatid.

" Wala ka talaga Kuya!" sinamaan siya nito ng tingin." Ang bagal mo kasi, magigising ka nalang isang umaga, naunahan kana ng kaibigan mo kay Chloe." totorpe torpe pa kasi ito.

" What exactly do you mean by that, Olivia?" umiling siya dito.

" For your information dear brother, pinadalhan ni Atty. Jarred Villamar ng magagandang bulaklak ang ina ng anak mo." pinagsiklupan niya ito ng braso.

" What?!"

" You heard me right, Kuya. Sige lang magpeteks ka pa. Para muli na namang makuha sayo ng iba ang mag ina mo."  now, he looks worried.

" Damn that Villamar! Sinasabi ko na nga ba. Iba ang tingin niya kay Chloe." pinagtawan niya ang kapatid. Buti nga sa kanya, babagal bagal kasi. Inis naman siyang tinignan nito.

" Get out! Leave now!" nagmartsa siya palabas ng opisina nito. Walang utang na loob, siya na nga itong gustong tumulong. Padabog niyang sinara ang pintuan nito na ikinagulat ng Sekretarya nitong si Aileen.

" Sorry Aileen." ngumiti naman ito sa kanya.

Tutulungan niya ang kapatid at si Chloe na maging masaya. Para narin sa pamangkin niya, kay Maui. She knew how it feels like growing up without a complete family. Kung hindi niya hinayaang mangyari iyon kay Kylie ganoon din kay Maui.

Chloe Alexandria

Pumasok siya sa loob ng opisina. Hawak niya ang invitation na bigay ni Olivia. Itinago niya ito sa loob ng drawer, wala siyang balak buksan iyon.

She will lie to herself if sasabihin niyang hindi siya nasasaktan because she's badly hurting. Knowing na ikakasal ang taong gusto niyang makasama habang buhay.

Siya dapat yon, she dream of walking down the aisle on her wedding day and Zaide will be waiting near the altar, it will be one of the most incredible experiences in her life, marrying the only man she had ever loved. Marrying her daughter's father.

Pero ikakasal na ito at hindi sa kanya pero anong karapatan niyang magreklamo at masaktan, siya naman ang umalis. Pinunasan niya ang sariling luha. Kailangan niyang magpakatatag para sa anak.

Ito ang ayaw niyang mangyari kay Maui, ang umasa na pwede pa silang mabuo bilang isang pamilya. Zaide is giving her false hope at natatakot siya para sa anak.

Napatingin siya sa mga bulaklak na galing kay Jarred. May kutob siya kung para saan ang mga iyon pero wala na siyang balak  magmahal pang muli, si Maui ay sapat na para sa kanya.

" Hinahanap ka ng anak natin." nabigla siya na naroon si Zaide sa loob ng opisina at masama ang tingin sa bulaklak na nasa ibabaw ng table niya.

" Lalabas na ako." tumayo siya at inayos ang sarili. Mabuti nalang hindi siya nito inabutang umiiyak.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now