After how many minutes ay sumunod ang dalawa sa kanya. Hindi na siya nagtanong kung anu-ano ang napag-usapan ng mga ito. She believes that both of them are mature enough to know what is right and what is wrong.

“Help us na, friend. We will have civil wedding the soonest.”

“Really! OMG! So, can you tell me more about your plans?” hindi pa rin niya napigilang magtanong, kahit pa sabi niya na hindi niya papakialaman ang dalawa.

“Civil wedding ang mangyayari, then saka na siguro ang church wedding, kasi nga di ba, need ni Elvin na magkaasawa.”

“So, talagang may church wedding pa?”

“Para namang papayag ang Papa at Mama na wala. So basically, isusunod yun. Mamanhikan sila next week, tapos, sa mga papers, si Elvin na ang bahala.”

“Nice! Great! Fantastic!” Candice said. “I’m happy for both of you. Elvin ha, huwag na huwag mong paiiyakin ito, kundi, malalagot ka sa akin.”

“Duh! As if for real!” He rolled his eyes.

“Elvin.” Pagbabanta ni Kathryn sa kanya. Biglang tumahimik ang binata. Napangiti si Candice, mukhang napapasunod ni Kathryn ang kaibigan ah. That’s a good start.

“So, saan naman kayo titirang dalawa?”

“Pag-uusapan pa namin. Hindi ko alam kung papayag ang Mama at Papa na lumayo kami.”

“Kailan mo naman balak kausapin sina Tito at Tita about Elvin. Baka mabigla ang mga iyon na bigla na lamang pumunta sina Elvin para mamanhikan.”

“I actually told Papa na may nobyo ako, even before, and he was just in Canada.” Biglang nasamid si Elvin sa sinabi ni Kathryn.

“What! Meaning nagpretend ka na may jowa ka na kahit wala!” Histerikal na sabi ni Elvin.

“Yes.”

“Nakakalurkey ka. At sino yun?”

“Ikaw.”

“OMG! Wattteeeerrr!”

“Gaga! Water na nga yang hawak mo.” Natatawag sabi ni Candice.

“Lucrecia Kasilag (baliw) ka ba ha!”

“Ha? Hindi ba sinabi ko na alisin na ang gay language.” Paalala ni Kathryn.

“Lucrecia Kasilag, baliw, luka-luka, insane, crazy! At di ba, sinabi ko naman sa iyo na hayaan mo ako if gusto kong pa girl minsan lalo at tayo ang magkakasama. Nakakaimbiyerna ka!”

“O, may LQ agad kayong dalawa?” Natatawang sabi ni Candice.

“Paano, itong friend mo, gusto agad-agad na gawin akong lalake. Helow! It’s not that easy….but I’ll try, I’ll really, really try, Kathryn.” Biglang pakumbaba nito. Alam naman kasi niyang iyon lang ang maisusukli niya sa dalaga na pumayag sa kalokohan ng lola niya.

“Thanks, Elvin.”

“Dapat may endearment kayong dalawa, kasi kapag ikakasal, dapat sweet sa isa’t-isa. Napag-isipan nyo na ba? Tulad sa amin ng Hubby ko, Irog niya ako.”

“Yuck! As if ang ganda ng tawagan ninyong dalawa. You’re so makaluma, so corny.”

“Corny ka jan, cute nga, nasasanay na ako.” Pagtatanggol niya sa asawa.

“Sige na, anong tawagan ninyong dalawa?”

“Honey?” Si Kath.

“Ana bet.”

“Ha?”

“Hindi ko gusto. Hindi ko feel.”

“Love.”

“Ana bet again.”

“Ikaw na nga mag-isip.”

“Kat-kat.”

“Kat-kat means?”

“Sosyal na tawag sa katulong.” Pagkatapos ay humalakhak ito. Natulala si Kathryn, ngayon niya lang narinig tumawa si Elvin ng ganito kalutong. Very manly, walang inhibisyon. Ang guwapo tignan. “O kaya ay Lukring! Luka-luka.” Then he laughed again.

“I love you.” Biglang nasabi ni Kathryn.

Natahimik bigla si Elvin. “Huwat?”

“I said I love you. Kapag tumatawa kang ganyan, mas lalo akong na iin-love sa iyo. I’ll call you Sinta. Sinisinta kita.”

Biglang nagkikikisay si Elvin. “Yuck! Yuck! Yuck! Don’t declare your love to me! Pleeeeaaaaseeeee lang! Hihimatayin ako. Aatakihin ako sa puso.” Tawa ng tawa si Candice sa dalawa. Mukhang they will have a lot of fun together! Knowing how Elvin reacts and how persistent and frank Kathryn is, siguradong sabog ang dalawa.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora