Chapter 19 Till we meet again

Start from the beginning
                                    

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at binuhat ito. Nong hindi ito nagising ay inakyat ko ito sa taas sa kwarto nito. Nilapag ko siya sa kama at kinumutan.

Umupo ako sa tabi nito at pinapanood ko siya habang natutulog.

Paano mo nakaya ang lahat ng mag-isa Tamara. Hinawakan ko ang mukha nito. You still look beautiful mahal ko. Ang tagal kung hinintay na makita kang muli. Ang tagal kung nag tiis na hindi ka puntahan para lang mailigtas kita. Kayo ng anak natin. Ngayung natapos na ang lahat. Gusto ko sanang magsimula tayong muli.

Hinalikan ko siya sa noo at pisngi bago ko siya iniwang nakatulog sa kama nito. Nilingon ko pa siya bago ako Lumabas.

Tamara's POV

       Minulat ko kaagad ang mata ko ng marinig kung lumabas na si Kenzie sa loob ng kwarto ko. Nagising ako ng ibaba niya ako sa kama. Hindi na ako makapalag dahil naibaba na niya ako. Pero bigla siyang Umupo sa kama at hinawakan ako sa pisngi. At first biglang nanlamig ang buong katawan ko sa ginawa nito.

Alam ko na masinasabi ito. Dahil nakikita ko sa mga mata nito na kahit na hindi siya nagsasalita may sinasabi ito. Nakikita ko sa mata nito ang lungkot. Pinipigilan ko ang sarili kung wag maluha. Dahil alam ko na masasaktan lang din ako kung ipagpapatuloy ko.

Paggising ko kinabukasan agad kung tinungo ang kwarto ni Kenjie. Pero pagpasok ko palang wala na ito sa loob ng kwarto niya. Lumabas ako at nagpunta sa baba. Pero sabi ng maid hindi rin niya nakita.

Bigla akong nag aalala. Tatakbo na sana ako sa taas para magbihis ng makita kung may pumasok sa front door. Nakita kung pumasok si Kenzie kasama ang mga bata.

"Kenjie!" tinakbo ko ito at niyakap. ”Pinag alala mo si Mommy, saan ba kayo ang punta?" tanong ko sa bata. Pero si Kenzie ang sumagot.

"Sinama ko lang sila sa opisina. Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi ka na namin ginising. At nakalimutan ko rin mag paalam sa mga maid."

Hinaplos ko ang mukha ni kenjie. Pero nakatingin lang siya sa akin. Tinignan ko si Kenzie pero nakangiti ito sa akin.

"Ma'am, Sir nakahanda na po ang lunch ninyo." yun ang bumasag sa katahimikan namin. Biglang nag si takbuhan ang tatlong bata. Nakita kung hinila ni Patrick si Kenjie.

Naiwan kaming dalawa ni Kenzie doon.  Tumingin ako sa kanya.

"Hintayin nyo ako..." tumakbo ito na parang bata.

Sinundan ko sila at umupo ako sa tabi ni Patrick.

"Ma..Wala pang kanin ni Kenjie oh." sabi ni Patrick sa akin.

"Oh.." kinuha ko at binigyan si Kenjie ng kanin.

"Ano pa ang gusto mo anak." Bigla siyng tumingin sa akin. Pero tinuro niya ang gusto niya. Napatingin pa ako sa tatlong nakita ko ang mga reaction nila.

Pagkatapos naming kumain umakyat sa taas ang mga bata at naiwan kaming dalawa ni kenzie. Aakyat na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"I think kailangan na nating magusap." natahimik ako dahil bigla akong kinabahan sa seryosong mukha nito.

Tumango naman ako. Tsaka siya lumabas at sinundan ko ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na sumama sa kanya. Pero sumama na rin ako sa kanya. Hindi nalang ako umimik.

Kalahating oras kaming nag biyahe pero hindi pa rin kami humihinto. Kaya medyo nag alala na ako.

"Ken mukhang napapalayo na tayo sa maynila. Saan mo ba ako dadalhin?"

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETEWhere stories live. Discover now