"Fa-five hundred?! "

Tumango siya.

Nakagat ko ang aking labi. "Five hundred na agad 'yon? Ang mahal naman ata. " Bulong ko.

"Inorder mo yung pinaka-special nila kaya wag ka ng magtaka na mahal 'yon. Atsaka nabusog ka naman, di'ba? "

Napatango ako sa sinabi niya. Sabagay, nabusog naman ako, eh.

"Alam ba ni Nikki na nandito ka? "

"Hindi. She doesn't need to know. "

Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya pero di kalaunan ay napasinghap ako nang mapagtanto ang ginawa ko. Hinimas ko ang braso niya at nag-sorry sa ginawa ko. Nasanay kasi ako kay Zach na ganoon.. Nakakahiya!

"It's okay. It's been a long time simula nang hampasin ako ng babae. " Natatawang sabi niya.

"Eh? "

Nabigla ako nang hawakan niya wrist ko.

"Alam mo nagugustuhan ko ang mga baabeng katulad mo.. "

"H-ha?! " Anong pinagsasabi ni Dominic? SInapian ba siya bigla ng engkanto? Engkanto sa Las vegas? 

"May alam akong magandang place dito. Do you want to come with me? " Tanong niya sa akin. Sasagot pa lamang ako nang hilahin na niya ako. 

         Napalunok ako nang makarating kami sa pinakataas ng-- Ano bang tawag dito? Sa tingin ko ay isa itong building na hindi na gaanong nagagamit. Pero paano niya ito nalaman? Nilingon ko si Dominic na nasa tabi ko. Nanlaki ang mata ko sa mangha nang makita ang isang maliit na telescope sa harap niya. Yumuko siya at may tinignan doon. Agad akong lumapit sa kanya..

"How did you know this place? " Tanong ko.

"Alam ko lang. " 

"Mukha kasing alam na alam mo na ang lugar na 'to. Kumpara sa akin na walang kaalam-alam. " Napangiti ako. "Ang ganda dito, grabe! Parang kanina lang nandoon tayo, ah! Tapos ngayon nandito na tayo sa taas. " Tinuro ko yung pinuntahan namin kanina na kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko.

'Yong mga tao parang mga langgam sa mata ko. Nakakatuwa!

"Come here. " Hinila niya ako at tinapat niya ako sa harap ng telescope. Tinulak niya ang balikat ko para mapayuko ako. "Itapat mo yung mata mo sa butas. " Sinunod ko ang sinabi niya. "Can you see it? "

"Ha? Anong nakita- Te-teka?! Ano ba itong pinapakita mo sa akin?! Scandal ba 'to?! " Sigaw ko sa kanya nang makita ang isang bintana kung saan kitang kita ko ang isang babae at lalaki na may ginagawa. Syempre dahil nakatelescope ako ay nakikita ko ito na parang live na live. Tumayo ako mula sa pagkakayuko at hahampasin ko na sana siya ulit nang makita ko siyang tumatawa.

"You're so funny! " 

Napatanga ako. Napatunayan ko lang na hindi siya si Poker face. He also laugh and smile. Ano ka ba, Fern? Syempre tao 'yan eh. Malamang tatawa at ngingiti din 'yan. 

Namula ang pisngi ko nang mapagtanto ang nangyari kanina. "Anong nakakatuwa doon? Muntik na akong mahulog sa kaba nang ipakita mo 'yon sa akin! " 

Tumigil siya sa pagtawa. "You know what? Kung ipagpapatuloy mo 'yang kilos na 'yan, magkakagusto ako sa'yo. " Seryosong sabi niya. Napatitig ako sa mukha niya. Why is he suddenly saying things like this? Ang awkward tuloy. "You are so innocent. At gusto ko ang mga inosenteng katulad mo. My sister is really telling the truth. "

"S-Si Nikki? A-anong sinasabi niya? "

"That you- "

Natigilan siya nang mag-ring ang cellphone ko. Dali dali ko itong kinuha mula sa purse ko. It was Zach. Lumayo ako mula kay Dominic at sinagot ang tawag ni Zach.

"Nasaan ka? Bakit wala ka pa dito? " Sunod sunod na tanong niya.

Umirap ako kahit hindi niya naman ako nakikita. "Wala kana doon. Diyan kana sa kama mo! " Akmang papatayin ko na ang tawag niya nang magsalita ulit siya.

"Im starting to worry about you. Umuwi kana. Atsaka bakit nararamdaman kong may kasama kang iba? "

Nagtaasan ang balahibo ko. Sinulyapan ko si Dominic na busy na ulit sa telescope. Tumikhim ako.

"Bakit naman ako magkakaroom ng kasama? Wala naman akong kilala dito, Zach kaya wag kang OA. " Nakagat ko ang aking labi. "Im hanging up. Babalik din ako kaagad. "

"I'll wait. Bilisan mo dahil nararamdaman ko talaga na may kasa- "

"Wala nga! " Tss. Ang kulit talaga. Tinago ko na ulit yung cellphone ko sa aking purse at muling hinarap si Dominic. Humarap siya sa akin pero hindi nagsalita. "Uhh. I have to go. Mauuna na ako sa'yo. " Hindi ulit siya nagsalita. "Thanks sa pagdala sa akin dito. I won't forget this place. " Ngumiti ako sa kanya at nang sa tingin ko ay wala talaga siyang balak na magsalita ay tumalikod na ako at umalis. 

Pagdating ko sa harap ng hotel room namin ay nasa labas na si Zach, naghihintay sa akin at talagang feel na feel niya 'yong boxer niya habang nakatayo doon. Masama ang pagkakatitig niya sa akin. Pagkalapit ko pa lamang sa kanya ay tinitigan na niya ang buong katawan ko na parang may nawawala sa akin.

"What? " Naiinis na tanong ko sa kanya. 

"May kasama ka bang iba kanina- "

"Wala nga! Wala Zach, Okay? "

"Tss. Defensive. " Nilahad niya yung kamay niya. "Wallet? "

Inirapan ko lang siya. Kinapa ko yung loob ng purse ko para kuhanin yung wallet niya nang mapansin na wala sa loob nito yung wallet ni Zach. Nagtatakang sinilip ko yung purse ko at nang mapagtanto ko na wala talaga ito sa loob ay naluluhang tumingin ako kay Zach na nagtataka. 

"Zach.. " Naiiyak na bumagsak ang balikat ko. "Wala yung wallet mo sa bag ko.. "

"Ano?! "

Almost.Where stories live. Discover now