47. Wallet..

29.2K 687 113
                                    

"Hello, Tita Savanna? Opo, nandito na po kami. Sige po sasabihin ko kay Zach. I love you too, Tita. " Pagkababa ko ng phone ay napatingin ako sa katabi ko ngayon. Napanguso ako nang mapansin na mahimbing na natutulog si Zach sa tabi ko. 

Halos ilang oras rin kasi ang tinagal ng byahe namin mula sa manila hanggang dito sa Las Vegas. Mukhang tinamaan pa ng Jet lag itong si Zach kaya hindi kami makakapag-ikot sa buong lugar agad. Napabuntong hininga ako. Tawagan ko kaya si Nikki? Tsk. Mukhang busy na naman 'yon kay Harrison. Kahit hindi pa sila mag-girlfriend at boyfriend, alam kong may something na sila kahit hindi nila sabihin. Patay talaga sa akin ang dalawang 'yon kapag hindi nila sinabi sa akin! 

"Zach? " Pinindot ko yung pisngi niya. Sinusubukan ko na gisingin siya para kumain kami dahil nagugutom na talaga ako. 

"Umm? "

"Gutom na ako. "

Inabot niya sa akin ang wallet niya. "Kumain kana. Im going to sleep. " Sabi niya at muling natulog.

Padabog na kinuha ko yung wallet niya at lumabas sa kwarto namin. Tss. Bahala siya sa buhay niya! Hahanap ako ng ibang date! 

Dumiretso ako sa isang restaurant na nasa baba din ng hotel at kumain. Iba pa rin talaga ang pagkaing pinoy, ano? Nakakapanibago ang mga panlasa ng pagkain dito. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa parang timezone sa baba din ng hotel. Ewan ko kung anong tawag dito pero maraming couple ang nandodoon at naglalaro sa bawat station.

Napanguso ako at akmang aalis na sana para bumalik sa hotel room namin nang may humarang sa daan ko. Akala ko kung sinong foreigner na. Pero nabigla ako nang makita ko si Dominic na kakambal ni Nikki. Isang beses ko pa lamang siyang nakikilala. One week lang kasi ang tinagal niya sa pilipinas tapos ay umalis na din siya pabalik sa california kasama si Ate Aubrey pagkatapos ng nangyari.

"Dominic? " Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya. Hindi siya ngumiti, pero hindi rin naman siya nagsungit sa akin. Ganoon na ata talaga ang ekspresyon ng mukha niya. Infairness, bagay sa kanya yung kanta ni Lady gaga na 'Poker face'.

"Why are you here? " Tanong niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. 

"Bakasyon lang. Ikaw? "

"Sinusundan ka. " Nagulat ako sa sinabi niya. "Kidding. " Pero seryoso pa rin ang mukha niya. Saan ba ito nagmana? Mukhang hindi naman kay Nikki o kay Ate Aubrey. Sadya ba talaga siyang seryoso sa lahat ng bagay? Kahit sa pagjojoke? 

Napangiwi na lamang ako. "Ah. Saan ka pupunta? " 

"Nakita kita kanina kaya sinundan kita. " Napansin ko ang pagsasalita niya na hindi pa siya ganoon kadiretso magsalita ng tagalog.

Tumango na lamang ako. "Maglalakad lakad ako. Gusto mong sumama? "

He shrugged. "I'll follow you. " 

Wala na akong nagawa kaya nauna akong maglakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. First time ko dito kaya bahala na kung saan man' ako mapadpad. Si Zach kasi! Nakakainis talaga siya! Hindi ba niya alam kung gaano ako ka-excited na makarating dito tapos pagdating namin ay tutulugan niya lang ako? Grabe talaga. Hindi man' lang niya na-appreciate ang effort ko sa damit ko at ayos ko ngayon. Nagpaganda pa naman din ako at tinulungan pa ako ni Tita Savanna na mag-ayos ng buhok.

"You're thinking too much. " Napatingin ako kay Dominic na katabi ko ngayon. Hindi ko na napansin na nasa tabi ko na pala siya, kanina kasi ay nasa likod ko pa siya, eh.

"Ako? Hindi ah! Iniisip ko lang kung magkano yung nagastos ko kanina. " I lied.

"Really? Siguro nasa 500 'yon.. "

Almost.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt