FREAKY : 2

40 5 0
                                    


  Ellie's pov
Gising na dyosa,gising na
Gising na dyosa,gising na...


Alarm ko yan walang kokontra..

Tamad na tamad akong bumangon at nakatulala lang sa kawalan at kasalukuyang hinahanap ang mood ko.
Ganito talaga ako pag umaga...
Bog bog bog!

Nagulat ako sa malakas na katok ni mama.

Yung kaluluwa kong naglalakbay ay parang bumalik sa katawan ko.

"Bumangon ka na dyan Ellie malalate ka na,"sigaw ni mama.

Naligo muna ako at nagbihis.
Nag ayos muna ako bago bababa..

"Ang Dyosa mo talaga Elliana Morisson,walang kupas."

Konting powder lang at siyempre hindi mawawala ang mahiwaga kong salamin.Ayokong maglipstick dahil nag c-crack ang lips ko.
Kinuha ko muna ang gamit ko at bumaba na..

"Ano ba naman yan Ellie,college ka na dapat hindi ka na nagpapagising.Baka iniisip mo pa ring highschool ka..Ipapaalala ko lang sayo na ang highschool at college ay magkaiba..kung pa petiks petiks ka sa highschool,sa college hindi mo na magagawa yun.Matinding pagsusunog ng kilay ang gagawin mo para makapasa ka."sabi ni mama sakin habang naghahanda ng pagkain.

Nakapanlumbaba lang akong nakikinig sa kanya.
Nagulat ako ng bigla siyang tumigil sa paghahanda at hinarap ako ng nakapamewang.

"Naiintindihan mo ba ako Elliana?"tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Yes ma"mahina kong sagot

"Do I make myself clear?"malakas na tanong niya.

Napaayos ako ng upo at nilakasang sumagot.
"Yes ma!"

"Good,dali-"hindi na natapos ang sasabihin ni mama ng biglang may dumating.

"Hello Philippines and Hello world!Nandito ako ngayon sa loob ng bahay ni kuya este ni ate pala sa kadahilanang makikikain muna ako!"Panggagaya ni beks kay tony gonzaga

"O ikaw pala Almario,"natutuwang sabi ni mama.

"Ang aga aga tita,Almario talaga!"nakangiwing sabi ni beks at umupo sa tabi ko .

Natatawa talaga ako sa reaction niya pag tinatawag sa totoong pangalan niya.

"Ano namang problema sa pangalan mo,Almario"tanong ni mama

"Inulit pa talaga ni mader"rinig kong bulong ni beks.

Tinawanan ko lang siya.Muntik na nga akong mabilaukan dahil katatawa ko.

"Wala naman pong problema tita,hindi lang talaga bagay sakin."sagot niya kay mama at sumubo ng tinapay.

Ang kapal din ng mukha nito ni hindi nga ito inalok kumukuha na lang bigla.pero sanay naman kami sa kanya!

"Ang ganda kaya ng pangalan mo,Juan Almario Roque Jr.Yan nga sana ang ipapangalan ko kay sa kapatid nito"sabi ni mama nang nakaturo sakin

Napatigil ako sa pagkain at tiningnan si mama.

"Talaga ma?"manghang tanong ko kay mama.

"Bakit hindi yan yung pinangalan mo kay Quin?"tanong ko ulit.

"Ayaw ng tatay mo e,kesyo daw hindi pa ako naka move on dyan sa tatay ni almario,"

"Tita naman, Almie,almie itawag mo sakin"pagpoprotesta ni beks pero hindi siya pinansin ni mama.

"Yun na nga,naiinsulto raw siya.Napaghahalataang bitter."nakangiwing sagot ni mama 

My FREAKY LoveStory:Mamatay na MainggitWhere stories live. Discover now