PROLOGUE

4.9K 117 0
                                    

Romeo and Juliet

Rose's PointofView

"AREN'T you listening Ms. Olarte?"

Hindi ko pinansin yung tanong ng adviser ko. Alam 'kong ako ang tinutukoy nya pero wala akong gana na tignan sya. Nakakabored ang subject nya at wala ding buhay ang pagdi-discuss nya.

Nakatunganga ako sa harap ng bintana at nakatanaw sa labas ng room. Hapon na at alam ko na malapit ng matapos ang klase.

Naramdaman 'kong may sumiko sa kabilang braso ko kaya nakasimangot na nilingon ko sya.

"What?" Tanong ko kay Gia na seatmate ko.

Hindi sya sumagot, instead inginuso nya lang yung adviser namin sa english na si Ma'am Castro na nasa harap. Hindi na maipinta ang mukha nya, pero wala akong pake. Di nya naman kinaganda yang ganyang titig. And besides tattoo lang naman yung kilay nya.

"You're a failure in my class, still you're not listening. what do you wan't to do in your life Ms. Olarte?"

Pinigilan ko ang mapafacepalm. "Sorry." Labas sa ilong na sagot ko. Naiirita talaga ako sa pagmumukha nya kahit wala naman syang ginagawa.

Inirapan nya lang ako at nakasimangot na nagpatuloy sa pagtuturo.

English ang subject namin ngayon, ewan ko ba naman bakit ginawang hapon ang English. Lalo na tungkol pa sa Love story na sinulat ni William Shakespear. Sa pagkakaalam ko kwento 'yon nung dalawang malanding teenager na nag-ibigan. Nafall si boy tapos si girl naman na bata pa eh nainlove din, tapos nagpakasal sila. Kaso kontra yung mga parents nila kaya nagpakatsugi nalang silang dalawa.

I rolled my eyeballs at nakapangalumbaba na tumitig sakanya.

Ano bang mapapala namin sa pakikinig sa ganyang klase ng kwento? It's all about young love, forbidden. Alam na nga nilang bawal nagpakasal pa sila. Tsaka hindi naman namin magagamit 'yan sa pang araw-araw naming buhay. Anong kinalaman namin sa kwento nila? Ano bang pake ko sa mga 'yon?

Napasulyap ako sa wallclock at napangiti nang makitang five minutes nalang at class dissmissal na.

Pero tinamaan ka nga naman ng kagang dahil nagpaquiz pa si Ma'am Castro, although five items lang naman pero nakakainis parin. Sinusulit nya talaga yung oras nya sa klase. Muli akong sumulyap sa orasan at time na kaya dinampot ko na agad yung bag ko at bitbit ang one fourt sheet na paper ay inabot ko ito sa adviser namin na kasalukuyang kinocollect ang papers namin.

Hindi na ako nagsalita pagkaabot ko pero pigil ang inis na napahinto nanaman ako.

"You scored low in my subject, so I wan't you to catch up."

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang sya. May inabot syang isang makapal na libro sakin kaya nagtataka ko syang tinignan.

"It's a story about Romeo and Juliet. Read that story for one week and I will give you fivehundred items after."

Napamulagat ako.

"Don't look at me like that Rosaline, or else ibabagsak kita."

"Seriously ma'am? Ang kapal ng libro na 'to tapos may exam pang fivehundred items? You have no heart ma'am." Madramang sabi ko.

"Not because you are my younger sister doesn't mean na itotolerate ko 'yang laziness  mo. Kaya pasaway din mga pamangkin mo eh, sayo nagmana." Napanguso ako at padabog na tumalikod na, pero hindi pa sya tapos kaya napahinto nanaman ako ng tawagin nya. "Remember Rosaline, ibabagsak kita once na hindi mo pinag-aralan 'yan." Banta nya.

"Fine." Bagsak ang balikat at salubong ang kilay na nagtuloy nako sa paglalakad palabas ng room.

Nakakainis sya. Bakit kasi nagkaroon pako ng kapatid na gaya nya.
Nine years ang tanda nya sakin, may asawa at may kambal na anak. Close kami ng mga bata pero hindi ng nanay. Lagi nalang kasi nya akong pinapagalitan. Ever since bata pa kami lagi nalang syang nasusunod. Ayos naman yung iba 'kong subjects, pero when it comes to English talagang hirap ako.

Huling taon ko na ngayon sa grade 12 at mukhang babagsak pa yata ako. Ayokong magsummer class. Baka isumbong nya din ako kina mama at papa dahil mababa ang grades ko sa'kanya. Sino ba naman kasing mawawalan ng gana pag ganon kapangit ang nagtuturo?


• • •


Story Genre : Time Travel | Romance | Comedy | Adventure


Disclaimer.

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

• • •


This story is un-edited so expect the wrong grammars and typo errors.

Comments and Shares are highly appreciated. :))

Thankyouuuu!❥︎

Enjoy Reading!

—quengynah

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Romeo x Juliet x RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon