Pinahid ko na yung luha ko at tsaka kinuha yung phone ko na walang humpay sa pag-ring. Si Sofia pala.

"Hello?"

"Hello Lilly! Sorry talaga! Hala sorry talaga sana hindi ko na lang ginawa yon."

"Naku, wala yun Sofia. At tsaka at least hindi na madadagdagan yung what ifs ko diba? At hindi na rin ako aasa na siya yung plot twist ko."

"Hindi eh, kasalanan ko talaga. Sana hindi na lang kita tinulak papunta sa kanya. Edi sana di ka umiiyak ngayon."

"Wala to, naiyak lang siguro ako dahil sobrang hiya. Okay lang naman, medyo umasa nga lang."

"Sigurado kang okay ka lang? I can go there sa house niyo if you want."

"Okay lang. May class pa kaya tayo bukas, baka pagalitan ka pa."

"Sige, basta pag kelangan mo ng kausap just call me ah?"

"Okay po. Good night!"

Napabuntong hininga na lang ako. Eto talaga yung downside pag medyo umasa ka eh. Pero it's okay na rin naman siguro kung ganon yung nangyari, at least I tried, it's just that I failed.

I opened may Facebook account, marami pa ring notifications pero hindi ko na pinansin iyon. I opened my messenger dahil may ilang unread messaged doon. Bumilis ulit yung tibok ng puso ko nung makita ko ang isang pamilyar na pangalan. After all, it's been part of my daydream na kahit minsan lang eh may message akong matanggap mula sa kanya.

Jordi Gomez de Liaño: Hi. I'm sorry for today.

Lilliana Therese Sebastiano: It's okay. It's not your fault anyway. Sorry talaga sa abala. And don't feel guilty about it okay?

Jordi Gomez de Liaño: No, I just feel bad, it's just that...

Hindi ko alam kung bakit hindi niya tinuloy yung sasabihin niya sa message na iyon.

Lilliana Therese Sebastiano: You really shouldn't worry about it. Okay lang yun. Sige, I gotta go! :)

Jordi Gomez de Liaño: Wait, would you mind if I treat you something? Kasi I can't take you to the prom? Just a friendly offer, perhaps?

Kahit na I was rejected, kilig na kilig pa rin ako sa offer niya. Naku, Lilly wala ka ng pag-asa! Kahit sa friendly offer kilig na kilig ka talaga!

Lilliana Therese Sebastiano: Uhm, seryoso okay lang talaga kahit na wala ng peace offering. It's not your fault naman and I understand.

Jordi Gomez de Liaño: I insist. Let's meet tomorrow, Artseeker Café in front of our school. 4 PM. You can bring your friend if you want :)

My gosh, seryoso ba siya? At talagang kino-consider ko to ah! Teka lang teh, kinikilig ako, I swear! Malala na nga talaga ako!

Nakatulog rin ako kaagad nung gabing yun dahil siguro sa pagod at sa daming nangyari nung araw na yon.

---

Mabuti na lang at Friday na ngayon! Nagising ako na fully refreshed. I made up my mind about it. Mas mabuti nga na he rejected my offer nicely. At talagang ininvite pa ako para sa isang friendly date?

Wow Lilly, date? Wala naman sigurong masama kung pupunta ako diba? I mean parang closure na rin to for me. And pwede ko rin namang isama si Sofia sabi niya.

On time naman akong nakarating sa school, nakabantay pa nga si Sofia sa akin sa may pintuan. Kaagad siyang lumapit at yumakap saking nung namataan niya ako.

"Sorry talaga Lilly, di ko dapat ginawa yun eh!"

"It's okay. Mas mabuti na nga rin to at matapos na yung one-sided love na more than two years ko rin inalagaan."

Plot Twist (One Shot)Where stories live. Discover now