Plot Twist

702 22 8
                                        

"Lilliana Therese Sebastiano! Hintayin mo naman ako!"

Hindi ko pinansin ang pagsigaw ni Sofia sa pangalan ko. Mabuti nga iyon para marinig ni---at baka makilala niya pa ako!

"Lilly naman! Bakit ka ba tumatakbo?" Hingal na hingal na tanong sa akin ni Sofia nang maabutan niya ako.

"Kita mo 'yon? Dadalhin ko pa kasi sa simbahan iyan!" Turo ko sa mga varsity players na tumatakbo ng ilang laps sa field. Titingnan niya pa sana kung sino ang itinuro ko pero kaagad kong iniliko yung hintuturo ko papunta sa mukha niya, muntikan ko pa siyang matusok!

"Ano ba naman 'yan Lilly? May plano ka bang bulagin ako?" Tumawa na lang ako sa litanya niya at patuloy pa ring pinagmamasdan ang MVP ng high school division namin.

"Hay nako. Ang gwapo talaga niya!" Nakita ko namang napairap na lang si Sofia dahil sa sinabi ko.

Sinundan ko siya ng tingin habang siya ay nakikipagtawanan sa mga kasama niyang varsity players. Sa kanilang lahat, mapapansin mo talaga na siya ang pinakamatangkad! 6'5 ba naman ang height niya. Suot ang kanilang maroon na jersey, kitang kita talaga na---ang payat niya. Pero okay lang 'yon, ano! Ako ang mag-pupush sa kanya na kumain nang marami, diyan ata ako magaling, sa foodtrip!

Naramdaman ko naman na siniku-siko ako ni Sofia nang napadaan sila sa banda namin. Kaagad ko namang fininger-comb yung hair ko. Malay mo, mapatingin siya sakin kahit ilang seconds lang!

"Sige Jords! We'll go ahead." Pagpapaalam ng mga teammates niya

Mabilis ang tibok ng puso ko nang dumiretso talaga siya papunta samin.

Oh my, what is the meaning of this?

"Sis mukhang papunta ata rito si Jordi oh! Oh my gosh eto na ba ang pinakahinihintay mong plot twist this year?!"

Hindi na ako nakasagot sa mga sinabi ni Sofia. Hindi ko na halos maintindihan yung iba pa niyang sinabi. Basta naka-focus lang ako sa pawisang si Jordi habang naglalakad siya papunta sa kinatatayuan ko, kahit yung sunset sa likuran niya ay tila naging blurry dahil sa kanya lang naka-focus iyong paningin ko.

Yucks ganyan ka na ba talaga ka cheesy, Lilly?!

"Uhm, excuse me Ate."

Ate, Ate, Ate, what the fudge?! Seryoso ba siya? Sino ba ang nakaimbento ng salitang Ate, ha? Ituro niyo nga sa akin at nang maipatumba ko na!

Nalaglag yung panga ko nung ma-realize ko na hindi pala ako iyong pinunta niya doon kundi ang bag niya tsaka yung water jug! Ang hindi ko naman matanggap ay yung tinawag niya akong Ate!

Okay. Gets ko na I'm academically one year ahead of his batch pero pareho naman kami ng birth year ah! Nako! Panira talaga tong red strap ng ID, napagkamalan pa akong Ate mygahd!

Kaagad naman siyang umalis bitbit yung backpack niya at saka yung water jug niya. At kitang kita ko naman ang pagtaas-baba ng balikat ni Sofia dahil sa sobrang pagpigil ng tawa niya.

"Oh tumawa ka na, baka mamatay ka pag di mo nailabas yan, kargo de konsensya ko pa"

Badtrip akong umupo sa bench kung saan nakalagay yung bag kanina ni Jordi. Nakabusangot naman ako habang nakatingin sa sobrang pulang pagmumukha ni Sofia dahil sa labis na pagtawa.

"Hahahaha--sorry na kasi Lilly, di ko inexpect yung ganon eh!" At nag-resume ulit sa pagtawa.

"I didn't expect that either. Biruin mo, tinawag akong ate? Mukha ba talaga akong matanda?!"

"Eh siguro naman binase niya lang yon sa suot kong ID strap. It clearly states na we're a year ahead of them."

"Psh. Badtrip tong ID na to ha! Tara na nga lang! Sayang pa yung patakbo-takbo ko rito sa field kahit na sobrang init!"

Plot Twist (One Shot)Where stories live. Discover now