"Fi, hihintayin mo ba si Kurt?"
"Ah oo, sabay na rin kami uuwi eh."
Naupo lang kaming dalawa sa bench na malapit sa entrance ng gym. Bigla naman kaming napalingon nang marinig namin ang maingay na kantyawan ng mga varsity players. Kahit na gaano pa sila karami, kaagad na napunta iyong paningin ko sa isa sa mga pinakamatangkad sa kanila. Nasa hulihan siya, habang kausap yung isang teammate niya. Uminit naman ang pisngi ko nung nakita niya akong nakatingin sa kaniya.
"Tara na Lilly, palabas na raw sina Kurt."
Tumayo na kaming dalawa halos ilang segundo lang nung lumagpas yung varsity team.
Nagulat naman ako nang biglang humigpit yung hawak Sofia sa kamay ko. Parang nagslow motion naman sa pandinig ko nung sumigaw si Sofia ng "Jordi Gomez de Liaño". Napalingon naman siya pati na rin yung ibang teammates niya. Mabuti na lang at halos kami na lang din yung naiwan doon.
Nakita ko kung paano kumunot yung noo ni Jordi. Parang estatwa naman akong nakatayo doon nang hindi malaman kung ano ang gagawin. Nanlalamig at namamawis na rin yung kamay ko nung biglang magsalita si Sofia.
"Jordi, may sasabihin daw si Lilly."
Bumaling naman si Sofia sa akin sabay bulong ng "it's now or never" at kahit na halos hindi na maproseso ng utak ko yung nangyayari, napilitan pa rin akong humakbang papalapit kay Jordi dahil na rin sa mahinang pagtulak sa akin ni Sofia.
"Uhm, hi." Halos hindi ako makatingin kay Jordi nang diretso. Hindi ko na rin alintana yung tingin ng teammates niya sakin.
Pwedeng magteleport?
"Uh--uhm, will you be my prom date?"
What the fudge. Ni wala sa imagination ko na eto yung gagawin ko eh.
Nakita ko naman na nawala na yung kunot sa noo niya. He smiled softly at me.
Oh my gosh, is this really happening?
Yung kabang naramdaman ko ay nadagdagan na ng excitement. Halos hindi na ako makahinga habang hinihintay yung sagot niya.
"I'm sorry pero--"
Halos hindi na naprocess yung utak ko yung sinabi niya.
I'm sorry? Of course I know what it means! So Lilly, what did you expect ba? Na he'll say yes kahit na he barely knows you?
Tumango tango na lang ako sa kanya kahit na hindi ko naintindihan yung sinabi niya. I turned my back at him at tsaka nagpaalam na rin kay Sofia. Kaagad akong tumakbo papunta sa sasakyan namin na kanina pa pala naghihintay.
I can't take this. All along I thought I was okay kahit na ano ang magiging sagot niya. It turns out na kahit anong sabi ko pa sa sarili ko na hindi ako aasa, deep inside umasa pa rin ako na sana he'll say yes. Yan kasi Lilly, umasa ka pa kahit na wala namang dapat asahan eh! Why did you even expect wherein the first place eh he barely knows you diba?
Akala ko happy crush lang to na tumagal for more than 2 years pero bakit ako umiiyak ngayon? Is this because of disappointment? Dahil ba sa kahihiyan?
Damn it, Lilly! You shouldn't have kept your hopes up para hindi ka umasa nang ganito eh. Kasalanan mo rin yan!
I immediately went to my room at kaagad na humiga sa kama. Gosh Lilly, hindi ka dapat umasa na he will be able to reciprocate how you feel towards him, at the very least na maging prom date mo siya. Baka nakapangako na yon sa ibang babae. Alam mo naman na marami kayong may gusto sa kanya diba? Tama na yan. You can still go to the prom without a date. Prom lang yan.
Plot Twist
Start from the beginning
