Jordi Gomez de Liaño liked your post from 3 years ago

"What the fudge? Anong gustong iparating nitong si Jordi?" Hindi man maitago yung kilig eh halos nanginig naman ako nang ma-open ko iyon.

It was a PiZap photo of mine. Lowkey photo editor kasi ako noon eh. My gosh! Edi naexpose rin ako! Revenge ba niya to dahil naexpose yung jeje days niya dahil sakin?

Bahala na talaga si Batman sakin bukas. Naway hindi muna mag-krus yung landas naming dalawa sa school.

Hindi ko na pinansin yung mga chat ni Sofia sa akin, mukhang ipapaalala lang nun yung mga kahihiyan ko ngayong gabi. In-off ko na lang yung phone ko at tsaka natulog.

---

Kinaumagahan, mabuti na lang at hindi ako na-late. Kitang kita ko naman si Sofia na ngiting-ngiti habang nakatingin sa phone niya.

"Oh good morning Lilly, mukhang eventful yung gabi mo ah."

"Shhh, halos hindi na nga ako nakatulog dahil dun!"

"Halata naman sa eyebags mo ngayon eh."

Kinuha ko na lang yung phone ko sa bag. Good thing may data naman ako ngayon at medyo maaga pa naman at wala pa kaming teacher.

Nagulat ako dahil medyo sabog ata yung notifs ko kagabi. Pati na rin yung messenger ko dahil kay Sofia. Hindi ko na lang pinansin yung notifs dahil alam kong pagsisihan ko lang rin yung kahihiyan ko dun.

Napahalumbaba na lang ako sa desk ko habang nakatingin sa pintuan at hinintay yung teacher namin.

"Uy girl, sinong dadalhin mong prom date?"

"Shhh ka lang ha, I am planning to invite Jordi kasi hehe."

Hindi nakalampas sa pandinig ko yung pabebeng tawa ng kaklase kong iyon. Nakita ko namang napatingin din si Sofia sa kaklase naming iyon. Kaagad naman niya akong tinapik sa balikat.

"Kaibigan, mukhang kelangan mo nang gumalaw-galaw."

Hindi man klaro, mukhang alan ko na kung ano ang nais niyang iparating.

Am I ready to invite him?

Natapos ang anim na klase namin nung araw na iyon habang nag-iisip ako ng mga paraan kung paano ko aayain si Jordi as my prom date. Should I ask him casually? Personally ba or icha-chat ko na lang siya?

Seriously Lilly, icha-chat?

I chose not to mind it. I have a month left pa naman.

"Oh Lilly, nakaisip ka na ba kung paano mo aayain si Jordi?" Tanong ni Sofia habang sabay kaming naglalakad sa may gym area ng school.

"Actually, wala pa eh. At tsaka matagal pa naman yun."

Nandito kami ngayon sa gym kasi gusto raw ni Sofia na manood ng friendly game ng school namin against sa school ng kapatid niya. I grabbed the chance na rin naman since naglalaro rin si Jordi ngayon, libre tumititig.

Lamang na yung school ng kapatid ni Sofia ngayon kaya todo cheer naman ako sa school namin.

"Get that ball! Get that ball!" Sabay namin sigaw nung hawak ng kabilang team yung bola.

Sa isang iglap ay naagaw naman ito ni Jordi mula sa kalaban. Kaagad siyang tumakbo at naglay-up at naishoot niya ito! Napa-high five naman kami ni Trish sa isa't isa nung lamang na by 1 point yung team namin! Napasunod naman ako ng tingin kay Jordi at kita ko kung paano ngumiti siya ngumiti with labas ngipin + braces.

Ang cute naman!

In the end nanalo nga sina Jordi! Kahit pa sabihin na friendly game yun, hindi maipagkakaila na sobrang proud ako sa kanya. Ihaharap ko talaga to sa altar, 10 years from now!

Plot Twist (One Shot)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang