"Ehh what if gusto niya yung demure? Yung ala-Maria Clara?" Napailing naman ako sa naisip ko, I'm neither of the two!

"Kung magugustuhan ka niya, edi mas mabuti nang magustuhan ka niya sa kung sino ka talaga, hindi yung kailangan mo pang magpanggap na demure ka."

"Oy grabe ka naman! Medyo demure naman ako kahit papaano! Hindi naman ako totally magpapanggap na demure eh."

"Ah basta Lilly, malay mo eto na yung tamang panahon para i-pursue mo iyang 2 year old one-sided love mo diba? At least kung hindi siya papayag, edi hindi madadagdagan yung what ifs mo because you tried."

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang malalim na napaisip sa sinabi ni Sofia. Wala naman sigurong masama kung ako ang mag-aaya diba? After all, last shot ko na rin naman 'to.

Mabilis natapos ang buong maghapon ko sa school, hindi ako masyadong nakapagconcentrate dahil doon.

Pagkatapos maghapunan ay kaagad akong umakyat para tapusin yung homework namin sa Literature at Trigo. Napalingon naman ako sa phone ko nung magbeep ito. Kaagad na naging abnormal iyong tibok ng puso ko. Is this really happening?

Jordi Gomez de Liaño added you as a friend

"What the freaking hell? Are you kidding me?!"

Hindi ko muna inaccept yung friend request niya kasi baka akalain nun na atat akong makipagfriends sa kanya ano! Pero bakit di na lang niya inaccept yung friend request ko at talagang kailangan na siya yung mag-add sa akin?

Kaagad kong chinat si Sofia sabay send ng screenshot na inadd talaga ako ni Jordi. Halos hindi naman ako makapaniwala, biruin mo after 2 years na kinalawang yung friend request ko sa kanya noon eh siya pa pala yung mag-a-add sakin ngayon?!

Omfg please tell me I'm not dreaming!

I was literally screaming inside nung napagpasyahan kong i-accept yung friend request niya. Baka sabihin pa nito na pabebe ako!

I opened my messenger at nakita ko roon na may nakalagay na na pangalan ni Jordi! Finally!

Tap to wave to Jordi Gomez de Liaño 👋

Siyempre hindi ko tinap yun ano! Nako. Maagap akong pumunta sa profile niya at maingat din akong nagscroll nung umabot na ako sa jeje days ni Jordi. You know, mga posts na 4 years ago pa! Medyo delikado na to eh.

Biglang nagpop-up yung messenger chathead at nagchat pala si Sofia.

Sofia Angela Avelia: Omg gurl eto na talaga to!

Lilliana Therese Sebastiano: Nako tigilan mo ako ha huhu masyado akong kinikilig ngayon!

Sofia Angela Avelia: Sino bang hindi? Gurl after how many years, siya pa yung nag-add sayo!

I was typing my oh so kinikilig na reply nung biglang nag-stuck up yung phone ko! What the hell? Please lang sana wala akong may napindot! Oh my gosh! After 5 minutes eh fully functional na ulit yung phone ko. Bumalik na ako sa newsfeed ko nang biglang may sinend na screenshot si Sofia, sabi doon:

Lilliana Therese Sebastian liked a post from 4 years ago.

And it was a posterized pic ni Jordi with matching shades pa! Wtf! Yung jeje days niya na-expose dahil sakin!

Mabilis naman akong pumunta ulit sa profile ni Jordi at hinanap iyon. Sobrang ingat ko na habang mabilis na nags-scroll.

Kelangan kong maunlike iyon bago makita ng iba! Jusko! Malamang nakita na ni Jordi yon!

Sa wakas ay nakita ko na yung post na yon at kaagad na inunlike.

Bahala na si batman!

I was taken aback nung may nagnotify din sa akin.

Plot Twist (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon