"Ang sabihin mo, nasayang lang yun dahil na ate-zoned ka! Hahaha!"
Hindi ko na pinansin yung sinabi ni Sofia at agad na akong naglakad pabalik sa locker area kung saan namin iniwan yung bags namin.
"Bye Ate Lilly!" Panunukso pa ni Sofia habang papunta sa sasakyan nila.
"Wag ako Sofia, mas matanda ka kaya kesa sakin. Hmp!" Sigaw ko pabalik sa kanya at kaagad na rin akong sumakay sa sasakyan namin.
Nahagip naman ng paningin ko si Jordi na nakaupo sa waiting area nung nadaanan namin ito. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o talagang nakatingin din siya sa sasakyan namin. Matapang akong tumititig pabalik sa kanya dahil tinted naman yung sasakyan namin.
Psh. Ate pala ha.
Nakatambay naman ako sa Facebook newsfeed ko nung gabing iyon. Walang naman kaming homework ngayong gabi kaya okay na rin. Pumunta ako sa profile ni Jordi at nakita kong may ishinare siya na something about basketball, it was shared 5 minutes ago!
May naisip akong bright idea. Kinancel ko yung friend request ko sa kanya na sadly, sinend ko two years ago pa. Pagkatapos nun ay in-add ko siya ulit. After 5 minutes ay wala pa ring response.
Luh, grabe naman to! Parang makikipagfriends lang eh!
Bigo akong nag-transfer sa Twitter account ko dahil malamang hindi naman maaccept yung friend request ko. Asa pa.
After 10 minutes, nagkaroon ng notification sa Facebook! Masyadong mabilis yung tibok ng puso ko nung pinindot yung notif na iyon.
Joe Gomez de Liaño accepted your friend request
"What?"
Inaccept nung kapatid niya yung friend request ko na sinend ko a month ago pa.
Anong ganap? Well, kuya niya to so okay rin!
Paulit-ulit kong inirefresh yung notifications ko pero wala talagang dumating na "Jordi Gomez de Liaño accepted your friend request"
Itulog mo na lang yan, Lilly.
---
Kinabukasan, late na naman akong dumating sa school. Pagkaupong pagkaupo ko eh kita ko na naman yung malawak na ngisi ni Sofia.
"Good morning, Fi! Oh ba't ngiting ngiti ka riyan?"
"Nako Lilly! Sigurado akong magugustuhan mo 'tong sasabihin ko!"
"Ano yon? Bilis wag nang pasuspense."
"May Prom tayo this year, and guess what? You can choose your own date!"
"Talaga ba? Legit ba yan? Sinong may sabi?" Excited kong tanong sa kanya
"Kasi palagi kang late eh, inannounce kanina ni Ms. Reyes bago mag-start yung class."
"Oh my gosh Sofia! Is this my time to shine na ba? Finally, magiging totoo na ba yung pantasya ko na maging prom partner si Jordi Gomez de Liaño?!" Pinigilan ko na ang sarili kong tumili naman ako sa sudden realization na iyon, baka mapalabas ako ng room nang wala sa oras eh!
Pero oh my golly gosh, eto ba ang prologue sa plot twist ko?
Hindi ko na namalayan na lunch break na pala namin dahil sa kaiisip kung paano ko aayain si Jordi na maging prom date.
"Seryoso Fi, tama ba na ayain ko siya? I mean dapat medyo pa-demure sana ako diba?"
"Nako nako Lilly, ngayon ka pa ba magdadalawang isip? Come on girl, nasa 21st century na tayo."
Plot Twist
Comenzar desde el principio
