"At hahalikan mo siya sa loob ng..."

"Woah, my baby is a very jealous girl... Well, puwede ko siyang halikan, pero promise, hindi sa loob ng toilet. 'Cause that's our thing, Deejay, only for you and me."

Inis na pinutol n'ya ang linya. Pinatay niya nang tuluyan ang cellphone.

"Kainis ang bakulaw na 'yon! 'Di man lang mag-pretend na matino s'ya!"

Pabiling-baliktad siya sa kama. Maya-maya pa ay may kumakabog na sa glass window n'ya sa bandang likuran. Napabangon siya bigla at binuksan ang bintana. Nandoon si Gelo sa bubong. Ginamit nito ang metal ladder na dalawang dekada na yatang nakasandal doon.

"Gabi na, nangangapitbahay ka pa?"

"Bilisan mo, dali! Si Karlo, nasa tapat namin. Tinanggal ko nga lang sa saksakan 'yong buzzer. Baka kalampagin niya ang gate, magigising tiyak si Madonna!"

Iyon ang tawag nila sa Tita nito, dahil kahit na kulubot na ang mukha nito ay ultra-mega pa rin ang porma nito. Ano'ng panama ni Lady Gaga dito?

Nataranta siya sa sinabi ni Gelo. Humakbang siya palabas ng bintana. Paglipas ng ilang segundo ay nasa kabilang bahay na sila, gamit ang back gate at back door. Humihingal pa siya nang binuksan niya ang front door. Dumiretso siya sa gate."Kanina ka pa?"

"Ahm... Medyo. Hindi ko nga alam kung sira ang door bell n'yo or ayaw mo lang talaga akong labasin."

Oo nga pala!

Nagtatampo nga pala siya sa lalaking ito, kamuntik na niyang makalimutan. "Bakit nandito ka?"

Lumabas siya ng gate at lumakad papunta sa nakaparadang kotse nito.

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Hindi."

"Akala ko ba'y nakaalis na ang mga kuya mo?"

"Nandito pa si Kuya Gelo. Bakit ka nga nandito?"

"Babe, I... I think you forgot your robe."

Napasunod ang tingin niya sa pinupuntirya ng mga mata ng lalaki. Wala sa sariling naipag-krus niya ang mga braso sa dibdib. "Do not stare!"

"Pasok ka muna. Maghihintay ako dito."

Pero imbes na bumalik siya sa loob ng bahay, binuksan niya ang pinto ng kotse nito at pumasok siya sa backseat. Nasa kabilang bahay pa ang robe niya, aakyat na naman ba siya sa bubong?

"Honey, hindi diyan. I mean... Magpalit ka muna ng damit."

"Tinataboy mo 'ko?"

"No!" Nagkamot ito ng batok. "Usog ka nga." Umupo ito sa tabi niya. "Ikaw lang ang inaalala ko. Baka manginig ka na naman sa lamig dahil sa nipis ng pajama tops mo."

Tumikhim ito at pasimpleng umusog pa padikit sa kanya. "But then, I can always keep you warm, right?" Umakbay ang braso nito sa balikat niya.

Inalis niya ang braso nito. "Sa susunod, 'wag kang susugod dito nang walang pasabi, ha?"

Hinarap siya nito. "May itinatago ka ba sa akin?"

"Baka ikaw? May itinatago ka ba sa akin?" Balik-tanong niya dito.

Natapik nito ang sariling noo. "Don't tell me na dalawang linggo ang period mo? Kawawa naman ako."

"Huwag mong ibahin ang usapan. Siguro may kasama kang ibang babae sa Galera, ano?"

"Our client. She is a certified woman. Hindi naman s'ya tatanggapin sa pageant kung---"

Sinuntok niya ang tiyan nito. Napadaing ito sa sakit. "Akala mo nakakatuwa ka?"

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum