Mabuti nalang at tinawag ng anak nila si Chloe. Nakuha ni Maui ang atensiyon nito. Mukhang mali ang desisyon niya na kunin si Jarred bilang abogado.

" Kamusta ang naging usapan ninyo?" nakapamulsang tanong niya dito pagkaalis ng mag ina niya.

" She signed the papers, mahaba na ang isang buwan, your daughter can used your surename very soon." magandang balita iyon sa kanya.

" May gusto ka pa bang sabihin sa'kin Jarred?" hindi niya nakakalimutang minsan itong nagkagusto kay Chloe.

" Wala naman na Pare. I'll go ahead, pakisabi nalang kay Chloe. Naalala ko, may client pa pala akong pupuntahan."  tinapik niya ito sa balikat.

" Sige, Ingat ka." pinuntahan niya na ang mag ina niya sa restaurant.

" Zaide, nasan na si Jarred?" napasimangot siya sa tanong nito. Talagang hinahanap niya pa ito.

" He left. May client call." hindi niya naitago ang inis." Kumain na tayo. " sumandok na siya ng kanin.

" Maui anak, anong gagawin bago kumain? " agad namang nagdasal ang anak niya. Napahiya tuloy siya mabuti nalang at hindi halata.

Si Chloe na mismo ang nagasikaso sa anak kahit naroon naman ang Yaya nito. She's a hands on Mom kahit nagtatrabaho ito.

" Zaide lalamig ang pagkain." puna nito sa kanya.

He's two busy watching them. And he could do that the whole day ng walang reklamo.

" Mommy we are going out today. Family Day." ideya niya iyon at pumayag naman ang anak.

" Kayo nalang ng Daddy mo, anak. May work pa si Mommy." napanguso ang anak niya.

" I said Family, me, you and Daddy. Please Mommy..," alam niyang hindi nito kayang hindian ang anak nila.

" Okay, okay! Finished your food." sagot nito.

" Yes! Yehey!!!" halos sabay silang napa yes ng anak, hindi nga lang niya naisatinig ang kanya.

Naplano narin nila ng anak ang gagawin. Tuwang tuwa ito sa mga naisip nilang gawin. Nagpaiwan na ang Yaya ni Maui, kaya silang tatlo lang talaga ang magkakasama.

" Sa tabi nalang ako ni Maui, uupo." pinagbuksan niya kasi ito ng fronseat.

" No, ayokong maging driver, Rosales." sinimangutan niya ito.

" Tsk! Arte Mondejo!" kinilig siya sa sagot nito.

" Yehey! I'm with my Mommy and Daddy!" tili ng anak nila.

He noticed na natigilan si Chloe sa narinig sa anak.

" What's wrong?" nagtataka siya sa pananahimik nito.

" Naalala ko lang ang kabataan ko. I was like her, gusto ko magkakasama kaming tatlong nila Mommy paglumalabas." her voice cracked.

" Gagawin na natin to palagi, para kay Maui, para sa anak natin." pinisil niya ang kamay nito.

" Salamat, pero eyes on the road Mondejo. Huwag kung saan saan ka tumitingin." basag trip talaga ito.

" Eyes on the road, Daddy." sigunda ng anak niya, na ikinatawa ng ina nito.

He's right pagtutulungan siya ng dalawa. Una nilang pinuntahan ang Wildlife. Hawak sila ni Maui sa magkabilang kamay. Maya't maya naman ang kuha ni Chloe ng picture nilang mag ama gamit ang cellphone.

May ibinulong ito sa anak ng tumapat sila sa kulungan ng mga unggoy.

" Baby, sinong kamukha niyan?" tanong nito sa anak sabay turo sa unggoy.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now