" Tingin mo ba papayag siyang ligawan ko? " muli siya nitong tinitigan at naiilang siya.

" Single ka naman at kung single din naman siya, bakit hindi siya papayag, diba? You just need to show her your pure intentions and your love for her. Any woman wouldn't say no to Atty. Jarred Villamar?" ikinangiti nito ang sinabi niya.

" Gusto mo bang maglibot muna dito sa Resort?" yaya niya dito. " Pwede mo siyang dalhin dito sa resort for a date, hindi sa pagmamayabang pero may ipagmamalaking ganda ang Isabelle Royal. I could reserve a special date for you guys." humalakhak ito at umiling. Tumayo na ito at ganon din ang ginawa niya.

Nakailang hakbang palang siya ng hindi sinasadyang ma out of balance, maagap naman siyang inalalayan ni Jarred.

" Thank you, Jarred." pasalamat niya dito. Baka humalik na siya sa sahig kung hindi ito maagap.

" Be careful." anito habang titig na titig sa kanya.

" Let's go.." humakbang na siya ulit para makawala sa pagkakahawak nito sa braso niya.

" Mommy! Mommy!" dinig niyang tili ng anak. Dumating na ito mula sa eskwelahan. Ang ama nito ang sumundo sa kanya.

Kasunod naman nito ang Yaya May niya at si Zaide na masama ang tingin sa kanila? Problema niya?

Sinalubong niya ang anak at niyakap. " How's your day baby?" malambing na tanong niya dito saka pinangigilan ang pisngi nito.

" Good Mommy, I got a star. " pinakita nito ang maliit na mga kamay. May tigtatlong star ang likod ng palad nito.

" You mean stars baby, ang galing naman ng anak ko." muli niya itong hinalikan sa may leeg na ikinahagikgik nito.

" Hi Maui.." bati ni Jarred sa anak niya. Tumingin naman sa kanya ang anak at nagpabuhat. Alam niyang nahihiya ito.

" Si Tito Jarred baby, kaibigan namin siya ng Daddy mo." sinilip naman ito ni Maui na nagtago sa leeg niya. " Say hello, sige na." pero umiling ito.

" What brought you here, Jarred?" seryosong tanong ni Zaide sa kaibigan.

" Hindi makaalis ng Resort itong si Chloe kaya ako nalang ang pumunta dito, it's about the surname of your daughter, remember?" nakangiting sagot nito.

Pero hindi maipinta ang mukha ni Zaide. At bigla siyang nakaramdam ng tensyon sa dalawa.

" Zaide, samahan mo na kaya si Maui sa kwarto para makapagpalit at ng makakain na." basag niya sa pananahimik ng mga ito.

" Ikaw nalang ang sumama sa kanya, Chloe. May pag uusapan lang kami ni Jarred." nagtataka man ay ganoon nga ang nangyari.

" Sumunod nalang kayo sa dinning para kumain pagkatapos n'yo, magpapahanda ako ng lunch natin." bago sila tuluyang nakalayo sa dalawa.

Nagtataka siya inasal ni Zaide, parang hindi nito gusto na naroon si Jarred, samantalang ito naman ang nagsabing magkita sila.

Zaide Travis

Sinundo niya ang mga bata sa eskwelahan. Dinaan muna nila si Kylie sa bahay nila pagkatapos ay hinatid niya naman si Maui sa resort kung saan naroon ang ina.

Excited na ang anak niya na ipakita sa ina nito ang nakuhang stars sa eskwela. Siya naman ay excited na makita si Chloe.

Nagtanong sila sa reception kung nasaan ito at itinuro sila sa restaurant na malapit sa pool. May kausap daw ito.

Hindi niya nagustuhan ang nakita habang papalapit sila dito. Naroon si Jarred na titig na titig at halos nakayap na kay Chloe at nakangiti naman ang isa.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now