" Don't worry Mondejo, walang lason yan." nabasa ba nito ang iniisip niya? Tinanggap na niya ito.

" Aaminin kong hindi ako natutuwa sa nangyari sa apo ko. Pero alam ko namang hindi mo ginusto ang nangyari sa anak mo. Nagalit ako kay Ethan ng malaman ko na buntis si Chloe, buong akala ko ay pinakialaman niya ang anak ko." takang napatingin siya dito.

" Makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko, Zaide, pumayag akong ipakasal si Chloe kay Ethan, hindi dahil mas gusto ko siya kaysa sayo, kundi dahil nakiusap sa akin ang ama ni Ethan, ang bestfriend ko si Nathaniel. May Cancer si Ethan at simula noong naging kayo ni Chloe, ayaw na niyang magpagamot, para saan pa daw?" Cancer ang sakit ni Ethan?

" Alam mo naman sigurong mahal ni Ethan si Chloe, mga bata palang sila minahal na niya ito. Ama din ako Zaide at walang amang kakayaning panoorin nalang mamatay ang anak, kaya pumayag ako sa gusto ni Nathaniel na ipagkasundo sila. Isa pa, parang anak ko narin si Ethan, maliliit palang sila ni Chloe ay madalas na siya sa amin, halos nasubaybayang ko na ang paglaki niya. Pumayag akong ipakasal sila para magkaroon siya ng dahilan para lumaban at mabuhay ngunit may kasunduan kami, hindi niya pwedeng pakialaman ang anak ko." napainom siya ng kape sa mga naririnig niya.

" Minura ko siya noong malaman kong buntis si Chloe pero inamin niya sakin na hindi siya ang ama ng Bata. Umiyak siya habang nakikiusap na hayaan namin siyang maging ama sa bata sa sandaling panahon, nararamdaman na daw niya na hindi siya magtatagal. When Maui was born, bumuti ng konti ang kalagayan niya, your daughter gave him strength para lumaban pa. Noong huling beses ko siyang nakausap, a week before he died, ang sabi niya ay ihingi ko siya ng tawad sayo at sabihing ibinabalik na niya ang mag ina mo. Alam ni Ethan na ikaw ang mahal ni Chloe sa simula palang, patawarin mo kami kung kinailangan mong malayo sa kanila, ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama ng mga panahong iyon. Ama kanarin ngayon at siguro naman gagawin mo rin ang ginawa ko kahit labag ito sa loob ko." napaisip siya sa mga sinabi nito.

" Marami ka pang panahon para makasama ang anak mo, sana huwag mong hayaang lamunin ka ng nakaraan." tinapik siya nito sa balikat saka nglakad pabalik sa loob ng Hospital.

Naiwan siyang tulala sa mga nalaman.  Ethan has Cancer, hindi niya alam na iyon ang sakit na tinutukoy ni Chloe noong nag usap sila. All this time pinaniwala niya ang sarili na niloko siya ni Chloe at si Ethan naman talaga ang mahal nito.

Pero sa mga nalaman niya ay gusto niyang mahiya sa sarili. Chloe has to sacrifice para madugtungan ang buhay ng bestfriend nito. Maging si Tito Xander ay tiniis na magalit sa kanya si Chloe noong ipilit niya itong ipakasal kay Ethan. Sa kanilang lahat siya itong ang sarili lang ang inisip, ang tanging inintindi niya nasaktan siya, ni hindi nga niya inalam ang totoo. Mas pinangunahan siya ng galit.

Natagpuan niya ang sariling naglalakad papunta sa kwarto ng anak. Nasabihan siya ni Olivia bago ito umuwi na nailipat na ito ng kwarto.

Natutulog ito ganon din si Chloe sa tabi nito. Hindi niya namalayan ang oras, pasado alas onse na ng gabi. Nakauwi narin marahil ang mga magulang ni Chloe.

Hinaplos niya ang kamay ng anak na may swero, kasalanan niya kung bakit narito ang anak niya sa Hospital.

Saka naman nagmulat ng mata si Maui.  Iniangat nito ang oxygen mask na nakakabit sa mukha.

" Daddy.." tinignan siya nito.

" Hi baby, ibalik natin anak yang oxygen mo, itatanong muna natin kung pwede na yan tanggalin." umiling ito sa kanya.

"My Mommy.." hindi nito nakita ang ina dahil nakaharap ito sa gawi niya.

Nagising naman si Chloe. " Maui, anak..," agad itong lumapit sa bata at hinalikan ito sa noo. Siya narin ang nagbalik ng mask niyo. " You need to sleep more para mabawi ang lakas mo at para gumaling ka agad. " yumakap naman ito sa ina at ipinikit ang mga mata.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now