Prologue

1 0 0
                                    

Inikot niya ang kanyang paningin sa sariling kulungan niya. She pouted. Hindi naman kasi kailangan na dito pa sa kulungan na to siya ikulong. For Pete's sake! She's just 16 years old na napagbintangan na pinatay ang sariling mommy niya. Kaya para naman maging worth it ang pagstestay niya dito ay pinatay nila ng kakambal niya ang rason kung bakit namatay ang mommy nila.

She was like in a cage, literally, ang pagkakaiba nga lang ay it's not a metal it's made of glass. Well, not a simple very thick glass. Advance ang pagkakagawa nito na tanging finger print lang ang tanging makakapagbukas.

Napatingin siya sa pintong bumukas, there she saw her father standing. She can't help but to smirk. Tatakbo nanaman siguro sa kongreso ang magaling niyang ama kaya nagpapakitang tao nanaman ito at dinalaw siya.

"What a pleasant surprise father. Hindi mo ba isinama ang mga kampon mo?"Mapanuya niyang tanong. Umupo siya sa upuan na nasa loob ng made of glass cage niya. She's pertaining to her other older brothers na makikitid ang utak dahil pinaniwalaan nila ang daddy nilang siraulo.

"Oh! You want to have a quality time with your only daughter. Now, I get it"Pagpapatuloy niya habang tumatango tango. She can't help but smirk. Nagtataka siya. Ano nanaman kaya ang gusto ng ama niya? Pinuntahan pa siya nito.

"Tatakbo akong congressman. I want you to give me 30% of your inheritance"Paninimula nito at tinignan siya ng seryoso. Napangisi siya ng mapanuya ng marinig ang sinabi nito. Ano siya hibang? Saka hindi ba nito binasa ng last will? Nakasaad doon na hindi niya pwedeng bigyan ng pera ang daddy niya. Saka wala siyang balak na bigyan ito, ever.

"I'm sorry father but I can't. According to the last will I can never give any money to you. Kahit piso pa yan"Sabi niya na kunyari ay nalulungkot pa hanggang sa napangiti na naging tawa na naging halakhak.

"Hindi ka lang pala sinungaling at mapagbintang Mr Smith, tanga ka rin. Haha!"Natatawang sabi niya. Napabuntong-hininga ito at malungkot siyang tinignan. Napangisi siya, kung hindi niya lang kilala ang nasa harap niya ngayon ay maniniwala siya. Magaling umakting ang daddy nila at napatunayan nito iyon ng sinabi nitong siya daw ang pumatay sa mommy nila.

Maraming witness noon, dahil sa public market lang nangyari ang pagpatay sa mommy niya. Nakatakbo kasi ito palayo sa daddy niya at sa kabit nito. Nandon siya ng mangyari ang lahat ng iyon. Kitang kita ng lahat ng nakakita kung paano siya prinotektahan ng mommy niya mula sa baril na pinaputok ng daddy niya.

Kaya siya ang nakakulong ngayon ay dahil pinagbantaan ng daddy niya ang mga ito na papatayin sila kung magsusumbong man. Napangiti siya ng mapait ng maalala ang mga nangyari noon. Kung paano at kung bakit ganito at ano siya ngayon. Muntik niya ng makalimutan na nandito pa pala ang daddy niya kung hindi lang ito nagsalita.

"Your twin, Axel. He's missing. Mas mapapadali ang paghahanap ko sakanya kung may kapangyarihan ako sa taas. Kaya makipagcooperate ka naman anak"Muntik siyang masuka sa sinabi nito. Napataas ang kilay niya dahil ang lakas ng loob nitong idamay pa ang kapatid niya na kakambal niya rin, tinawag rin siya nitong anak na ikinaiinis niya. Ang kapal nito! Matapos siya nitong iframe-up na pumatay sa mommy tapos ang lakas ng loob nitong tawagin pa siyang anak?

"First of all, hindi mo talaga siya mahahanap kahit may kapangyarihan ka pa sa taas dahil nasa forbidden island siya. Second, wag mo akong tawaging anak because I'm not your daughter. Kapapatay mo pa lang sakanya, remember? And lastly wala kang makukuha sakin. Matalino ka diba? Bakit hindi mo ibenta ang mga illegal properties mo?"Mapanuya niyang sabi tapos ay pinindot ang remote na hawak niya. Siguradong wala na siyang maririnig niyan. Mi-nute niya kasi ang sa labas niya.

She closed her eyes at pinakiramdaman ang paligid. She heard a familiar voice at narinig na lang niya ang pagbukas ng made of glass cage niya. She slowly opened her eyes and it reveals her smiling biological father or also known as Uncle Acer nila. Wala kasing may alam na anak sila sa labas eh.

"Let's go Kriel. Surprise Princess! Laya kana"Sabi nito at tinulungan siya sa pagtayo. Ito lang rin pala ang tumatawag sakanya ng Kriel na second name niya.

"Thank you Pogi kong papa!"She said sweetly tapos ay yumakap pa sa papa niya.

"Mamimiss ko kayo mga pogi kong inspectors!"She said bago tuluyang makaalis sa impyerno kung tignan ng iba.

For her, this is her second home. She live here for 5 years. And that was like her happiest moments of her life dahil wala siyang demonyong nakakasama.

Now, her life will change. This is where everything starts.

---
All right reserved.

No to plagiarism.

Any resemblance to a person living or dead is purely coincidental. Names, places, events are purely made up by me and my crazy brain.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 08, 2018 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Suncrest High: School For Delinquents Onde histórias criam vida. Descubra agora