I : Meet Spade

352 10 1
                                    

hi.

***

Spade's POV

Hinalikan ko siya pababa sa kaniyang leeg at bigla siyang umungol ng kagatin ko ito.

"Captain par---" Napahinto si Sean at napasara ng pinto. "Opps, sorry wala akong nakita." Sigaw niya sa amin.

"Captain pare, bago niyo ituloy yan pinapapunta ka ni coach sa gym!" Napa-irap si Kaye ba 'to? O Kate? Sus 'di ko alam. 

"Tss, mamaya na lang ulit." Bulong ko sa kanya at lumabas na ng kwarto ko sa dorm.

"Tangina captain pare, umagang umaga..."

"Umagang umaga ang ingay mo." Napatahimik naman siya ng magsalita na ako. "Sorry na captain pare."

"May captain na ulit ang volleyball team sa girls." Napatingin ako sa kanya at nagtaka.

May bago nanaman. 

"Captain pare ah alam ko yang iniisip mo." May pagkasiraulo talaga 'tong si Sean.

"Tara na nga." Lumabas na kami ng dorm at nagtungo sa gym.

Kapag maganda 'to, puta, walang relax. Tira agad. 

Joke. 

"Coach, yan na si capt." Sigaw ni Gio ng makita ako.

"Spade Mond," naguguluhang tumingin ako kay Coach. "May captain na ulit ang volleyball girls."

"Coach, ba't niyo sa akin pinapaalam? Hays." Ngumiti naman siya ng sarkastiko at tinapik ang balikat ko.

"Bawal mo siyang i-girlfriend." Napatawa naman ang team at naiwan akong tulala. "Yan sabi ni Coach VSG, sorry Spade wala akong palag don." Dagdag pa niya sabay tawa. 

Damn, ganon na ba kalala pagiging chickboy ko? Wala eh, pogi.

"Captain pare, sa sobrang lala mo pinagbabawalan ka yan kasi eh hahahaha" bulong sa akin ni Sean.

"Tigil-tigilan mo ako ah!" Napatakbo naman ang loko sa likod ni Basti.

"Si captain pare kawawa!" Sigaw naman ni Basti at nagtawanan nanaman ang buong team.

"Green Jaguars." Coach VSG, coach ng vball team. Ang babaeng kinakatakutan ng Coach namin.

"Hi Coach VSG!" Bati ng team sa kanya.

"Alam na ba ng captain ball niyo yung parusa niya?" Diniinan niya pa ang pagkakasabi ng captain ball at tumingin sa akin.

"Yes, I know na po." Pero boi walang makakapigil sa akin, Spade Mond 'to.

"Good." Good lang? 

"Coach." Napatingin kaming lahat sa babaeng tumawag kay Coach VSG.

Oh shit, parang babaliwalain ko nanaman yung utos sa akin ni Coach ah.

"Shit, ganda." Rinig kong bulong ng team. 

"Kung bubulong kayo pwede pakihinaan? Rinig na rinig din niya eh. Hays." Sabi ko sa team sabay turo sa babaeng tumawag kay Coach. "Hi, Spade pala." Inabot ko sa kanya ang kamay ko at nagsigawan naman sila Sean.

"Hindi ako interesado." Inirapan niya ako at kinausap niya na si Coach VSG. 

Palaban. 

"Wooooooooooooooah! Denied!!!!!!!!!!" Sigaw naman ni Gio at Sean. Mga tarantado, napahiya na nga ako't lahat lahat nagtatawanan pa.

"Coach, pangalan niya lang oh."

"Spade, kakasabi ko la---" Tsk, wala talaga silang tiwala sa akin.

"Kakaibiganin ko lang naman po. Hays." Nagpout pa ako para maawa siya sa akin. 

"Akala mo naman maaawa ako sa'yo?" Nag-puppy eyes pa ako para tumalab.

"Jeremiah." Ayon, siya na nagsalita. Nacute-an ata sa akin. 

"Sinabi ko na name ko kaya please 'wag ka na mag pout pout and puppy eyes kasi nakakasuka." Kinakausap niya ako pero 'di siya tumitingin sa akin.

Nice, palaban talaga.

"Woah, Captain pare payag ka non? Nakakasuka ka raw?" Pang-aasar nanaman sa akin ng team.

"Opps, wag ka muna magsuka dahil sure akong susuka ka kapag naging tayo na. Hays." Sabi ko sa kanya sabay kindat. 

"Spade!" Sigaw ni Coach VSG at Coach Thomas. 

"Napakabastos." Tumingin ako sa kaniya at nagkatitigan kami. 

Yung mga mata niya. Jeremiah, nahulog na ata ako sa'yo agad.

Ang bilis. 

"Uy green minded kayo, masusuka siya kasi bubusugin ko siya araw-araw. Hays." Tsk.

"Bubusugin ng ano?" Sigaw ni Sean at tumawa silang lahat except sa amin ni Jeremiah.

"Stop na." Sabi ni Coach VSG. 

"Oh tama na, tama na." May takot na sabi naman ng coach namin. Napakaduwag talaga, hays.

"Tara na, Jeremiah. At kayo boys magtraining na kayo nako." Nagpaalam na sila at nagsimula na kaming magtraining. 

Hay, Jeremiah. 

Bakit ang bilis ko ata mahulog ngayon?  1 second, hulog agad. 

Spade, gising! 

Hays. 

TresWhere stories live. Discover now