KABANATA IV: Guilt

Start from the beginning
                                    

Ang dami ko ngayong problema. Pinoproblema ko yung nararamdaman ko. Pinoproblema ko si Seven at ang panggugulo nya sa'kin. Pati si Third ginugulo ang utak ko. Naging napaka-cold kasi ng pakikitungo ko sa kanya kagabi. Nakalimutan ko pa syang bigyan ng good night kiss after nya akong ihatid. Sigurado akong napansin nya yon pero hindi na sya nagsalita, siguro iniisip nyang masama nga ang pakiramdam ko. Nag-text pa sya sa'kin ng good night baby, take care of yourself. I love you pero wala man lang akong nireply na kahit blangkong mensahe. Nag-text din sya kanina ng good morning my princess, hope you're fine now. Don't forget to take your breakfast and your vitamins, ok? I love you, take care! pero wala rin akong anumang reply. Kung hindi nya pa 'ko tinawagan, baka hanggang ngayon, pinag-aalala ko pa rin sya.

Anong klaseng girlfriend ba 'ko? Anong klaseng fiancee? Ni hindi ko inaalagaan ang future husband ko.

"Uffaahh~!" napabuntong-hininga na lang ako. Hindi pwede ito. Kailangang may gawin ako. Kailangang umamin na 'ko kay Third sa kasalanan ko. Tama. Magpapaliwanag ako. Natatakot ako pero sigurado akong maiintindihan nya 'ko. Alam kong maiintindihan nya.

Sana nga.

 

Kailangang sabihin ko sa kanya yung nangyari sa resort… pati yung nangyari kagabi pag-alis nya.

 

- flashback -

"Gusto mong pumasok muna?" alok ko kay Third pagkahatid nya sa'kin sa harap ng pinto.

"Hindi na. Mag pahinga ka na lang. Good night." Sabi nyang may magandang ngiti.

"Good night. Ingat ka pauwi." Yun lang at tinalikuran ko sya agad para pumasok ng bahay.

After ilang saglit, may narinig akong kumakatok. Sa pag-aakalang bumalik si Third sa di ko malamang kadahilanan, binuksan ko ang pinto. Nagulat na lang ako nang ibang tao ang makita ko.

"Seven? Ano na naman bang kailangan mo?"

"Hindi mo man lang ba 'ko papapasukin muna? I need to talk to you."

"Please, if this is about what happened between us the last time, forget it. Please lang, wag mo na 'kong guluhin. Kung ginantihan ko man yung halik mo, pagkakamali ko yon." Sasaraduhan ko na sana sya ng pinto pero pinigilan nya 'ko.

"Pagkakamali? So para sa'yo isang pagkakamali lang yun?"

"Yes. Isang malaking pagkakamali lang yon. We both know you're married and I guess you also know I'm already engaged with my fiance," I opened the door widely before raising my hand to show him my engagement ring.

Yumuko sya at makailang beses na tumango bago muling nagsalita. "Fine. But I need to tell you something. Huli na 'to, Annika." He looked me directly in the eyes. "Papasukin mo muna 'ko. May kailangan lang akong sabihin sa'yo. May kailangan kang malaman."

Hindi ko alam kung anong kalokohan ang iniisip nya but for my peace's sake, pinapasok ko na muna sya.

"So, anong gusto mong pag-usapan?" Tanong ko agad nang makaupo na ako matapos kong mai-serve ang dalawang tasa ng tinimpla kong instant coffee.

"Tungkol sa'tin."

"Lilinawin ko lang. Walang tayo."

I heard him breathed out a smirk, a bitter one. "Alam ko," sabi nya saka binaba ang tasa ng kape sa platito sa mesa tapos ay humarap sa'kin. "That's why I'm making a way to have you back," a pause. "Para magkaro'n ulit ng 'tayo'."

Tinignan ko lang sya ng masama.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi kasi nakakatawa," I stated matter-of-factly. "I told you, tigilan mo na 'ko." Tapos ay tumayo ako at namewang sa kaliwa, handa na syang ihatid palabas ng pinto. "Now if you're done you may go."

Tumayo rin sya. "I'm dead serious."

"Tama na, umalis ka na."

"Annika…"

"I said leave!" I threw my hand and pointed a finger towards the door's direction. Nakayuko kong ginawa yon. I hate to see his expression. I hate to see him. I hate him… for doing all of these.

 

 

 

 

 

 

And for leaving me in the first place.

 

 

This is too much.

— SUSUNDAN



Si Third yung pic sa side ^___^

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Where stories live. Discover now