Sinabuyan niya ang mga ito ng tubig. Maging si Maui ay gumanti.

" Papa No, don't wet my face." sabay takip ni Kylie sa mukha nito.

" Princess ayan kana naman, saan ka ba nakakita ng nagsuswimming na hindi nabasa ang mukha?" natatawa pati si Maui dito.

Nilipat na niya ang mga ito sa pool na pang bata at hinayaang maglaro.

" Bawal sa malalim, okay." bilin niya sa mga ito. Sa bandang dulo kasi ay para sa mas may edad sa mga ito. Tiwala naman siya dahil nakasuot sa mga ito ng floating life vest.

Nilibot niya ng tingin ang lugar. RGC did a great job sa Isabelle Royal. Napakaganda maging ang landscape sa paligid.

" Papa we're hungry." hindi niya namalayan nakalapit na sa kanya ang mga bata.

" So my babies are hungry?" sabay na tumango ang mga ito.

" Let's go to the restaurant then." sinuotan niya ng robe ang mga ito para hindi lamigin.

Saktong pag upo nila ng tumawag ang Tito Tristan niya. Tinawag niya ang waiter para kunin ang order ng mga bata.

" Please paki assist nalang sila. I need to take this call." bilin niya sa waitress.

" Hello Tito, napatawag po kayo?" weekend naman kaya alam niyang hindi tungkol sa kompanya ang itinawag nito.

" Chase told me, you have a daughter. Naekwento daw sa kanya ni Jarred. Kailan mo balak ipakilala sa amin ang apo ko? " kelan pa naging tsismoso ang kaibigan at pinsan niya?

" I'm planning to bring her sa death anniversary ni Dad, para makilala din siya nila Grandma at Grandpa. " darating ang mga kamag anak nila at gusto niyang makilala ng mga ito si Maui.

" Siguradong matutuwa ang Mama at Papa' Zaide dahil makikilala nila ang apo nila sa tuhod. Excited na akong makita ang anak mo. " nagpaalam narin ang Tito niya. Babalik na sana siya sa mga bata ng matanaw niya na naroon na si Olivia. Tinawagan nalang niya si Jarred.

" Kelan kapa naging tsismoso Atty. Jarred Villamar? Inunahan mo pa ako sa pagbabalita kina Chase." sermon niya sa kaibigan.

" Pare, alam mo namang ang mga balitang ganyan ay dapat ipagyabang! Sa tropa ikaw palang ang may anak at take note malaki na. " natawa nalang din siya sa kaibigan. Wala pa yatang balak mag asawa ang mga kaibigan niya.

Nagpaalam na siya dito at bumalik kina Olivia at mga bata.

" Mukhang nagutom ang mga Prinsesa ko ah. Anong inorder n'yong food?" halos ubos na ng mga ito ang pagkain sa plato. Pinupunasan naman ni Olivia ang mukha ng dalawa.

" I ordered pasta Papa pareho kami ni Maui, yong kinain natin last time dito." nasarapan nga ito doon noong una silang pumunta kamakailan.

" Kylie let's go play with them." tinuro ng anak niya ang ilang batang naroon sa may gilid ng pool.

" I want to eat Ice cream pa, Maui. Ikaw?" matakaw talaga ang prinsesa niya.

" No, I'm full. " saka ito naglakad papunta sa ibang bata pero hindi pa ito nakakalayo ay bumalik ito at yumakap sa kanya.

Natatawang niyakap niya din ito. Likas na malambing ang anak niya.
" Malambing ang anak mo, halatang hindi nagmana sayo." komento ni Olivia.

" Malambing kaya ako, come here, I'll
hug you." pero inikutan lang siya nito ng mata.

Bumulong dito si Kylie. " Gusto niya daw magbanyo, paano kasi ang takaw, sinimot ba naman ang pasta, pati ang kay Maui siya na ang umubos. Tapos inaantay pa yong order niyang ice cream." iling iling na inakay nito ang anak papuntang banyo.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now