Secret 1

11K 147 2
                                    


CHAPTER ONE

" Haaay ! Ang gwapo gwapo talaga boyfriend ko !" animoy nangangarap na saad ni Jessa Mae Macuel habang nakatitig sa screen ng computer niya. Kung saan may picture si Jarren Kirk Vincent-napakagwapo nito doon kahit wala man lang kangiti-ngiti sa maamong mukha ng binata. Naka simpleng white button down shirt ito at ang dalawang kamay ay nakasuksok sa magkabilaang bulsa ng suot na pantalon habang nakasandal sa isang mamahaling sasakyan. Napaka-cool nitong tignan.Mistulan itong model ng bench sa simpleng get-up .This guy was just so downright gorgeous! Effortless ang kaguwapuhan taglay nito.
Sa loob ng dalawamput-tatlong taon niya sa mundo ay sa binata lamang niya naramdaman ang mga nababasa niya sa mga pocketbook.Yung kakaibang emosyon na mararamdaman mo pag nahanap muna ang taong mamahalin mo ng sobra. Yung taong pag-aalayan mo ng lahat-lahat.Yung tipong handa kang hamakin ang lahat, makamtan lang ang pinakanais-nais na pagmamahal
Napahagikgik siya. Kung anu-ano ng kakornihan ang pumapasok sa kanya dahil sa binata.
She remember the first time she met him. Gabi na noon ng makaramdam siya ng gutom.Napagpasiyahan niya na lumabas at bumili ng pagkain.Sa Mini Stop siya napadpad dahil wala na siyang makitang bukas na tindahan malapit sa apartment na tinutuluyan niya.Nagkabungguan sila sa Mini stop ,palabas siya niyon habang papasok naman ito. Natapunan niya pa ito ng ice cream kaya namura siya ng lalaki pero hindi niya nagawang magalit nang makita niya ang gwapong mukha nito. It was love at first sight, indeed. There's something about him that captured her heart. Mula noon ay inalam niya ang lahat sa lalaki, luckily, may friend siya na nakakakilala sa binata..At doon ay nalaman niya ang mga basic info tungkol sa binata.
Mula rin ng araw na iyon ay naging boyfriend niya ito.well secret boyfriend .
Sa katunayan ay hindi niya alam na ito pala ang anak ng may-ari ng kumpanyang in-applyan niya. Kaya laking tuwa niya ng malaman iyon. Pakiramdam niya ay ito ang nakatadhana para sa kanya, her destiny!
Noong unang mga taon niya sa trabaho ay ang Daddy nito na si Mr.Kendrick Cardarelli- na isang pure Italian pa ang pinagsisilbihan niya. May edad na rin ito noon at nalaman lang niya na anak nito ang destiny niya ng minsang dumalaw doon ang huli.
Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Pakiramdam niya ay kasama niya ang tadhana at tinutulungan siya nito.
At after ng ilang buwan matapos bumisita ng binata ay inabisuhan siya ng matanda na magre-retired na ito at ang anak nito ang papalit sa puwesto. Labis ang galak niya sa narinig. Mula noon ay mas lalong tumibay ang loob niya na para sila sa isa't-isa ni Jarren.Pinagtagpo sila sa hindi inaasahang pagkakataon.
Akmang hahalikan niya ang screen ng tumunog ang intercom niya. Nakangiting sinagot niya yon.Agad na narinig niya ang gwapong boses ng lalaki.
Yes.Ang destiny niya.Kinilig siya sa naisip.
" My coffee " napailing na lang siya ng ibaba agad nito ang tawag bago tumingin sa salamin. Ni hindi man lang siya hinintay sumagot. She's not fond of make-up ,pulbo at light pink lipstick lang ang ginagamit niya.May hitsura naman siya. Matapos tignan ang repleksiyon ay nagtungo na siya sa pantry ng kumpanya para igawa ng black coffee ang "hari '' note the sarcasm please.

Naabutan niya pa ang dalawang empleyado na nagchichismisan sa isang tabi. They we're talking about two people na natanggal sa trabaho at ang dahilan? Ang isa ay late ng three minutes ang pinasang report at ang ikalawa ay hindi nagustuhan ang trabaho. Such a hotheaded jerk !. Ngayon niya lang iyon narinig dahil busy rin siya kaya hindi siya makasagap ng chismis.At isa pa ,wala naman siyang kakuwentuhan.Natigilan siya ng marinig ang pangalan ng isang masipag na empleyado.
Okay lang si Cindy na matanggal dahil mayaman at talagang hindi naman ito maayos magtrabaho, sa pagkakaalam niya ay pumasok lang ito doon para magpapansin sa binata. Mag-iisang buwan palang ito at puro kaartehan any naririnig niya. Ngunit si Kuya Edward -na isa sa pinakamasipag na empleyado at may pamilyang binubuhay? Its unfair. Isa pa dahil lang sa nahuli ito ng tatlong minuto.
Nakadalawang katok siya bago narinig ang baritonong boses ng lalaki. Abala ito sa pagre-review ng mga papeles kaya hindi na ito nag-angat ng tingin sa kanya ngunit may gusto siyang sabihin. Hindi niya alam kung bakit parang mainit nga ang ulo nito.Ngunit kailangan niya talaga itong mapakiusapan. she have to try, at least.

My Secret Boyfriend (Complete) Where stories live. Discover now