04.01.14

24 1 0
                                    

Hi babe!

Di kita mahal. Akala mo ba mahal kita? Hindi kaya no.

April fools! Lol. Corny ko. Yuck. Haha.

Babe!

Nagdate tayo ngayon. Este kahapon pala.

Nanood po tayo ng Divergent sa MOA. :)

Pinag awayan pa natin to nung isang araw. Sorry babe. Alam ko nahihirapan ka na sakin. Minsan parang ang narrow ko lang. Pero babe nadidisappoint lang naman ako kasi di kita makakasama. Naiinis ako kapag wala akong magawa pag busy ka tapos kailangan ko na lang tanggapin yon. Pero babe naiintindihan naman kita. Kahit mahirap, kahit nakakasad minsan, pipilitin kong intindihin ka. Kahit ako lagi yung mag adjust at maghintay. Para sayo babe, gagawin ko.

Salamat sa araw na to babe. Kahit na medyo kabado ako kasi papagalitan ako pag uwi ko, nag enjoy ako babe ng sobra. Pag ikaw kasama ko, lagi naman akong nag eenjoy.

Sorry babe kung lagi kong inuungkat sina D, M, tsaka yung isa, i forgot her name. Selos na selos ako sa kanila babe. Ayoko na may ibang babaeng nakapaligid sayo. Kasi babe di ka mahirap mahalin. Merong kang kakaibang characteristic which makes me fall for you. At ayokong mafall sila sayo. Natatakot ako. Mamaya ipagpalit mo ko sa mga yon. Huhu. Mas sexy lang sila sakin babe! Kaya nako. Pag ako sumesexy, sige ka, baka maselective amnesia kita. Haha. Pero naniniwala naman ako kapag sinasabi mong wala lang kayo at ako lang ang mahal mo, kaso babe natatakot lang ako. Mamaya magising ka isang araw, gusto mo na pala yung isa sa kanila. Iiyak ako babe. Huhuhu. Sakit isipin baby :(

Anyway, tama na yun. Alam mo naman yun e.

Babe, sobrang saya ko ngayon. Natutuwa ako babe kapag sinasabi mong ako lang. Kapag inaassure mo na ikaw lang yung mahal ko. Kapag inaangkin mo. Sarap sa pakiramdam babe. Nawawala yung takot at selos ko.

Parang dati lang, asang asa ako sayo. Ngayon, love na love mo na ko. Dati umiiyak pa ko kapag feeling ko, mahal kita tapos ikaw, kalandian lang tingin mo sakin. Ngayon, level na tayo babe. Ramdam ko na. Totohanan na talaga to babe. Ngayon di na ko iiyak sa kakaisip kung mahal mo ba ko. Kasi ngayon sigurado na ko, baliw ka na sakin. Haha. Joke. Sigurado na kong mahal mo ko :)

Babe. Mahal kita. Mahal na mahal. Ang corny siguro kung iba magbabasa nito. Pero basta. Mahal kita babe. Gusto kong iparamdam sayo yan araw araw. Gusto ko malaman mo na makita pa lang kita kinikilig na ko. Kapag hawak ko yung kamay mo, parang ayoko na bitawan. Gusto ko lagi tayong magkadikit. Pangarap kong makita at makasama ka araw araw.

Babe hindi ko alam kung bakit kita mahal. Basta sigurado lang ako na mahal kita. Hindi ko alam kung pano maaalis yung takot mo. Ayoko mangako sayo babe. Ayoko ding mangako ka sakin. Gusto ko lang babe, mahalin ka. Mahalin at mahalin araw araw. Ayoko mag expect ng forever with you. Baka kasi makampante tayo. Gusto ko araw araw, susulitin natin na parang walang bukas. Ayokong isipin kung hanggang saan kaya tayo tatagal. Gusto ko lang mahalin ka. Ayoko na mag isip. Yun lang talaga plano ko babe. Ang mahalin ka. Mahalin ka ng mahalin.

Kaya babe wag ka magsasawa a. Natatakot akong mafall out of love tayo. Hindi pala madali magmahal babe. Nakakapraning. Pero kung sakin ka mababaliw, wag ka mag alala babe, susuportahan kita.

Babe alam mo ba. Ilang araw ko na ginagawa yung umpisa nito. Pero ewan ko. Lagi ko dinedelete. Pero ngayon bahala na babe. Basta ito na lahat ng iniisip at nararamdaman ko ngayon. Ayoko na pagandahin pa o lagyan ng plot, kasi magiging unreal lang. Mas okay ng pangit to basta totoo lahat. My only intention for writing this is to let you read my heart and mind. These are my unspoken words babe. This is me babe. This is my mind. This is my heart.

Babe. Kelan mo ba ko sasagutin ha? Joke. Kelan kaya magiging tayo babe. Gusto kong ituloy yung idea mo na sa 4.20. Naamaze lang ako sa naisip mo. Pero di ko pa din susuportahan yang bisyo mo babe. Nagseselos ako dyan! Pero gusto ko lang din yung date. Gusto ko maging ganon kasignificant sayo yung date natin. Yung never mong makakalimutan kahit na mawala ako. Gusto ko special. Pero babe sana romantic pag naging tayo. Sana yung nakakakilig talaga pag babalik balikan. Haha.

Baby. Sana din maging legal tayo. Gusto ko magustuhan ka ng pamilya ko. Gusto ko ipagkatiwala nila ako sayo. Gusto ko makilala ka nila. Babe. Ayoko na magsinungaling pag magdadate tayo. Sana pwede mo na kong ihatid hanggang sa bahay namin. Tapos magpapasalamat sila sayo sa paghatid sakin. Gusto ko din matry na dito ka magdinner sa bahay namin. Gusto ko babe ituring ka nila na parang family din. Tapos babe, sana ganon din sa inyo. Gusto ko makilala pamilya mo. Yung mama mo tska yung papa mo. Yung mga kapatid mo. Gusto ko makita yung bahay nyo. Gusto ko malaman kung sino talaga yung babe ko. Sana magustuhan nila ko para sayo. Pero di kita bibitawan babe, kung sakali man na gusto nila tayong paghiwalayin.

Babe ang dami ko pang gusto. Ang dami ko pang plano. Gusto ko sabay tayong magtratrabaho. Gusto ko makapasyal pa tayo sa malalayong lugar. Makapagfoodtrip ng marami. Gusto ko makita mo pa kong sumesexy. Babe. Magtatagal naman tayo di ba? Kung gugustuhin natin? Ayoko sana mag isip ng future kasama ka. Kasi baka sa sobrang pag iisip ko, mawala ka. Mawala tayo. Gusto ko surprise yung future natin. Ayoko magplano. Kasi di ba, lahat ng pinaplano, hindi natutuloy. Ayoko mangyari satin yun.

Babe antok na ko. Haha. Marami pa kong gustong sabihin. Gusto ko sana ikwento yung date natin. Sabihin lahat ng ginawa natin ngayon kaso babe baka may makakilala satin. Maganda na yung ganito. Safe muna. Haha.

Basta babe. Salamat sa lahat. Sobrang naaappreciate ko yung paghatid mo sakin. Yung paglalakad natin pauwi. Yung presence mo babe. Nako. Hindi ko lang naaappreciate, kinakaadikan ko pa. Haha. Hanggang sa bahay, feeling ko naaamoy pa din kita.

Sana babe. Hindi din tayo magkamali. Sana gabayan tayo ni God palagi. Wag nya sana hayaang magkamali tayo. Sana babe makapagsimba tayo ng magkasama. Tsaka sana may picture tayo. Marami sana babe. Haha.

Pag naging tayo, gagawa tayo ng group sa fb. Tayo lang dalawa tapos dun natin ipopost lahat ng pictures natin. Haha. Dami kong plano. Natatakot ako lalo.

Basta babe. Mahal na mahal kita. Ikaw lang at wala ng iba. Promise babe! Sana ako lang din a. Haha. Iloveyou baby ko :-* Mag iingat ka palagi a. Kasi matagal tagal pa kitang mamahalin. Okay baby? Iwavyu!

03:43 AM Tuesday

PS: Advance pala ng 30 mins tong orasan ko. Haha. Iloveyou :-*

ESKAजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें