Cliche 4
Polarisse’s POV
Agad nanamang nag react ang mga classmates ko. Ang iba ay galit at ang iba naman ay kinikilig. Bwiset talaga tong si Phoenix!
Nakita kong napatawa si Sir Perseuns. Naupo naman ulit si Phoenix sa tabi ko. Nandun pa rin ang nakakalokong ngiti sa mukha niya. Ang sarap lamutakin.
''Loko ka Phoenix.'' sabi ko sabay irap sa kanya. Pinagtitripan niya ako. Mahilig talaga mantrip ng tao ang Black Knights.
''Okay that's the last one so it's obvious na Ploarisse and Phoenix will be partners'' nakangiting sabi ni Sir. Arrgghh dapat pala hindi nalang yun ang nilagay ko sa panlima! nag-annouce pa si sir ng mga partners habang nakakunot at nakacross arms naman ako. Pasimple ulit akong tumingin kay crush ganun talaga dapat pasimple lang para hindi ka mahalata. I saw his expressionless face habang nakatingin lang sa unahan. He doesnt look happy omygadd nagseselos ba siya? may gusto si Lynx sakin? Okay assuming ulit.
''Hmmm so we're partners Ms. Starmobile.'' pang-aasar ni Phoenix. Inirapan ko lang siya. He's calling me Ms. Starmobile again! nakakainis talaga tong lalaking to. Makakahanap din ako ng itatawag ko sa kanya tiwala lang.Natapos na rin si Sir sa pagpe-pair up.
''Okay so sa mga susunod na oras also this afternoon, yung activity na iyon lang ang gagawin niyo. The report will be on Monday. Bukas na magpapakilala ang ibang subject teachers niyo.'' paliwanag muli ni Sir Perseuns. What?? kakausapin ko ang baliw na ito sa buong oras na nandito ako sa school? at sa buong weeek?? Sana lang makayanan kong kasama to ng hindi umiinit ang ulo ko.
''Nice.'' narinig kong sabi ni Phoenix. Hindi ko na siya nilingon dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. At ano namang nice dun? if I know, gusto lang talaga niya ako pagtripan.
*krrriiiiiiiiiinnnnggggg* tumunog ang bell which means recess na namin. Tumayo na ako at lumabas para magpunta sa canteen at para makita ang bestfriend ko. Bumili lang ako ng sandwich at minute maid bago pumunta doon sa table na lagi naming inuupuan ni Vela. Malayo palang ay natanaw ko na siyang kumakaway sakin. Lumapit naman ako agad at umupo sa tabi niya.
‘’Hey Risse! Musta bakasyon? Namiss kita.’’ Ngiting ngiting sabi niya sakin. Maganda rin ang bestfriend ko. Maikli ang buhok niya at medyo morena. All in all maganda talaga.
‘’Okay naman. Ikaw anong nangyari sa trip niyo?’’ pagtanong ko naman habang binubuksan yung sandwich ko. Pumunta kasi sila sa Palawan nung bakasyon kaya pala nadagdagan yung pagkamorena niya.
‘’Ayun medyo madaming tao pero ayos naman.’’ She answered habang kinakain niya yung macaroni spagetty niya. Tumango tango naman ako bago kumagat sa sandwich ko nang maalala ko yung nangyari kanina.
‘’Omygodd Vel you won’t believe it! Tumingin sakin si Lynx kanina and katabi ko lang siya!’’ kilig na kilig na sabi ko at nahawaan ko din si Vel.
‘’Gosh! Really?? Nako Risse baka yan na ang pagkakataon mo.’’ Kinikilig din na sabi niya. Well ganito talaga ang magbestfriend parehas kinikilig kapag napansin ni crush yung isa.
‘’Oo nga Vel eh feeling ko may crush sakin si Lynx!’’ I said and I can feel myself blushing. Her look became poker face.
‘’Wag assuming Risse. Tinignan ka lang naman.’’ Warning niya sakin. Nangangarap na nga lang yung tao ayaw pa pagbigyan! Nagpatuloy nalang kami sa pagkain nang may maalala ulit ako.
‘’Vel may activity kami at ang lokong si Phoenix ang partner ko.’’ Sumbong ko sa kanya at kinwento ko yung about sa activity namin pati na rin yung ibang nangyari.
‘’Ayiiieee he likes you pala ha.’’ She said teasing me with her playful smile. Inirapan ko lang siya at kumagat sa sandwich ko.
‘’Tumigil ka nga Vela nangtitrip lang yon.’’ Sabi ko nalang at nagkibit balikat siya na nakangiti pa din. Napailing nalang ako bago pinagpatuloy ang pagkain. Matapos ang 20 minutes recess namin ay sabay na kaming naglakad papunta sa room namin dahil same floor lang naman kami.
‘’Risse sabay na tayo mamaya ha.’’ Paalala sakin ni Vel nung nasa tapat na kami ng room niya. Tumango naman ako. Parehas lang kasi ng way yung bahay namin mas malayo lang yung kanila ng konti.
Naglakad pa ako ng kaunti bago makarating sa room namin. Pagpasok ko, nadatnan ko agad na nagchichismisan yung mga classmates ko.Rinig na rinig ko ang pagpapantasya nila sa Black Knights. Umalis kasi saglit si Sir Perseuns. Iginala ko ang mata sa room. Marami pa ang wala maging si Lynx. Napadako ang mata ko kay Phoenix na busy sa Iphone 5s niya. Hindi siya nilalapitan kasi naaalala ko dati na sinabi niya sa lahat na ayaw niyang nilalapitan siya kasi nakakairita daw. Ang arte!
Nacurious naman ako sa ginagawa ng lalaking to. Mukhang seryoso siya. Dumaan ako sa likod para hindi niya ako makita. Nang nasa likod na niya ako, pasimple kong tinignan ang ginagawa niya.
Nasa messages siya then pinindot niya yung home button. Omygad! Pinigilan kong wag tumawa sa nakita ko. I can’t believe it! The leader of Black Knights,ang kinakatakutan sa school, mayabang at matinik sa babae…
Hello kitty ang wallpaper??
Pinigilan ko muling wag tumawa kahit sobrang tawang tawa na ko. I cleared my throat.
‘’Hello kitty pala ha?’’ mapang-asar na sabi ko sa kanya at agad naman siyang tumingin sakin na nanlalaki ang mata. Then hindi ko na napigilang tumawa. Wahahaha ano ka ngayon
