“It’s none of your business.” Hinila naman ako ni Kuya Thunder paupo. “Open your phone.” Iniabot niya sa akin ang phone ko.

“Why would I?” I asked him. May phone lock kasi talaga ang phone ko. Why? Because I have two pakelamerong kuya. Nakikibasa ng message ng may message. Pero seriously? Ano bang babasahin nila sa phone ko maliban sa schedules ko? Wala namang text from Mikael e. nakalimutan na ata nun kung paano magtext e.

Kinuha ko ang cellphone ko sakanya. “Aalis na ako.” Tumayo na ako pero hinila ni Kuya ‘yung damit ko paupo. “Kuya!” I yelled.

“Break up with him, baby… or your Porsche will be gone for good?” he smiled at me.

I smiled to him. “Sa’yo na ‘yung Porsche.” Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Kuya Hunter at pagmumura sakanya ni Kuya Thunder bago ako makalayo sa kwarto ko. Nakakainis kasi! Duh? Sasakyan lang ‘yan. Mas mahal ko si Mikael kesa sa Porsche!

“Saan ka pupunta, Mika?” tanong sa akin ni Yaya Lourdes pagbaba ko ng hagdan.

“Mamamasyal lang po.” I smiled to her. Humalik muna ako sa pisngi niya bago lumabas. Nagpahatid ako sa studio ni Mikael. As much as possible, hindi ako nagpapahatid sa bahay niya. Why? Ayoko lang malaman nila Kuya ang bahay niya although alam ko namang they have their ways.

“Hi!” bati ko kay Mikael ng makapasok ako sa loob. Kumunot naman ang noo niya at tinignan ako mula ulo pababa. Na-conscious naman ako bigla! Sana pala mas matinong damit ang sinuot ko… pero hindi e! matino naman ang suot ko.

“Bat ganyan suot mo?” tanong ni Mikael. I shrugged. Lumapit ako sakanya. “Tara na?” I smiled to him. “Saan ba tayo pupunta?” tanong niya sa akin.

“Kahit saan…” umupo ako sa sofa at nag-indian sit. “Umayos ka nga ng upo!” he hissed. Ang init ng ulo niya na naman. I rolled my eyes at umayos nalang ako. “Seriously, hindi ko nga alam kung saan ko gustong magpunta.”

“Wala ka na naman bang magawang matino, Mika?”

“Grabe ka ah? Ayoko kasing magplano! Unexpected moments are the sweetest.” I smiled to him.

“Fine. Let’s take my car…” tumayo na siya at nagpunta sa pinto.

“Wait!” pigil ko sakanya. “What?”

“I’d like to commute.” Napahawak ako sa dulo ng suot kong shirt at napayuko. Naghihintay na sigawan niya ako.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon