UNDESTINED TO BE LOVERS

25 2 0
                                    

PROLOGUE

NP: WHY CAN'T IT BE by: Rannie Raymundo 

Masasabi mo nga bang GUSTO mo na ang isang tao kahit di naman kayo ganoong magkakilala? 

Masasabi mo bang iba talaga yung nararamdaman mo kahit di naman kayo nagkakausap pa? 

Masasabi mo bang MASAYA ka sa kanya kahit isang beses wala naman kayong pagkakataong magkasama? 

At maari mo bang sabihin sa sarili mo na MAHAL mo na talaga sya kahit di kayo nagkikita? 

Ang hirap magpaliwanag ng totoong nararamdaman ng tao lalo na kapag napaka-kumplikado para sa inyo. Para sayo. 

Ang hirap magbitiw ng mga salita lalo na kapag di ka talagang sigurado sa tinitibok ng puso mo. 

Pero... 

Lahat ng bagay ginagawa mo mapansin lang ng taong gusto at mahal mo. 

Kahit pagiging TANGA at MANHID nararanasan mo, masabi mo lang sa sarili mo na, 

"OK LANG KASI MASAYA NAMAN AKO DITO." 

Ano nga ba ang pinagkaiba ng GUSTO mo sa MAHAL mo?? 

UNDESTINED TO BE LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon