Jasmine's POV
*ding dong*
*ding dong*
*ding dong*
Ay may tao. Aba inabuso ang doorbell namin ah.
Sino kaya nilalang to.
Tatayo na sana si Tita Dan para tignan kung sino ang tao sa labas pero inunahan ko na siya
"Ako na po tita"
Sinilip ko muna sa bintana pero di ko siya makita. Labasin ko na nga.
Pagbukas ko ng gate..
"Jasmiiinee!!!"
Sumigaw siya at binigyan ako ng mahigpit na mahigpit na yakap.
"Ano ka ba naman Joey. Di mo man lang sinabi na dadalaw ka."
"Nako okay lang yan. Ako lang naman eh. Hahaha"
Babaeng 'to -__- Tsk
"Oh halika na. Pasok ka sa loob. Tamang tama kakasimula palang naming mananghalian"
Di na siya nagsalita at sumama na lang sakin at pumasok.
"Hi Tita! Hi Ate Cloe! Hi---Jas, sino siya?"
Tinuro niya si Terrence.
"Ah si Terrence yan. Kapatid ni Ate Cloe. Ang gwapo 'no?"
Tumango siya nang dahan dahan na para bang nagtataka pa kung tama ba ang sinabi ko.
Arrangement namin sa mesa
Joey Ako Terrence
|------------------------------|
|------------------------------|
Cloe Tita Dan
Ayan, ang ganda pala tignan pag marami kami!
![JASMINE [ONGOING]](https://img.wattpad.com/cover/16817025-64-k2900.jpg)