Simula

274 13 0
                                        

Margaret:

"Ayan na lalabas na!"
"Wow mam ang ganda ganda ng bata"
Pagbati sakin ng mga nurse.
"Gusto ko siyang makita" nakangiti kong sinabi.
"Hon, napakagandang anghel" sabay lapit sakin ng asawa ko na bitbit ang baby namin.
Sobrang ganda niya. Sobra.
"Hon, anong ipapangalannatin sa kanya?" Pagtatanong ni Richie.
"Andrea, ang pangalan ng dad mo (Andres) at ang pangalan ni lola (Maria) , Mitch ang panglan nating dalawa na pinaghalo...Mitchie Andrea ang gusto ko" pagsagot ko.
Napangiti si Richie at halatang nagustuhan niya rin ang pangalan.
"Mitchie Andrea Suarrez, ang ganda. Bagay na bagay kay baby"


Cinda:

"Ayan na yung baby!"
"Mam, ang cute ng baby! Ang ganda!"
Pagpuri nung isang nurse.
Agad pinakita sakin ng nurse ang baby ko.
Ang ganda ganda mo naman anak. Naiiyak ako sa saya pero naiiyak rin ako sa takot dahil alam ko ang kapalaran na naghihintay sa'yo paglabas natin dito sa ospital.
Wag kang mag-alala dahil gagawa ng paraan ang mama para hindi ka maghirap at para hindi ka masaktan ni Ben. Mahal na mahal kita anak. Sobrang mahal kita.

*flashback*
"Cinda, sumama ka na sakin, mabibigyan kita ng magandang buhay doon sa America" pagpilit sakin ni Rex.
"Isang pagkakamali ang relasyon natin Rex. Ayoko nang gumawa ng isa pang pagkakamali kaya maghiwalay na tayo. Umalis ka na, magpakalayo ka na bago pa malaman ni Ben ang tungkol sa atin ang baka ano pang gawin niya sa'yo. Parang awa mo na, kalimutan mo na ako, kalimutan mo na ang nangyari sa atin" pag iyak ko.
"Cinda, mahal kita" pag iyak niya sabay hawak sa kamay ko.
"CINDA! HALIKA DITO MALANDING BABAE KA!" Biglang pagsigaw ni Ben.
Nagulat ako na nakita ko siya na may dalang bote ng beer.
"Rex, umalis ka na! Dali!" Sabay tulak ko sakanya.
"Cindi, hindi ako aalis dito dahil siguradong sasaktan ka lang niya! Sumama ka na kasi sakin!" Pagpipilit niya.
"Hindi nga pwede! Kasal ako kay Ben at may mga anak kami! Parang awa mo na, umalis ka na!" Pag iyak ko.
Agad na siyang sumakay sa kotse niya at umalis.
"Tinatraydor mo ako?! Akala mo hindi ko malalaman! Pwes halika dito!" Sabay hila sakin gamit ang buhok ko papunta sa bahay at doon ay hinagis niya ako.
Agad lumapit saakin ang mga anak ko habang umiiyak.
"Mga anak, okay lang ako, umakyat na muna kayo"
"HINDI! DITO LANG KAYO! GUSTO KONG *hiks* MALAMAN NIYO KUNG *hiks* GANNO KA LANDI ITONG NANAY NIYO!" Pagsigaw ni Ben sabay tapon sakin ng bote niya.
"Papa, tama na po! Wag niyo pong saktan si mama!" Pag iyak ni Fidel
"Umalis ka sa harapan ko!*hiks*" sabay tulak niya kay Fidel ng malakas.
"Fidel! Ben, ako nalang saktan mo, wag yung bata!" Pag iyak ko.
"Hindi lang kita sasaktan! Papatayin kita!"
"Ang sama mo papa! Ang sama mo!" Pagsigaw naman ni Ana.
"Masama? Gusto mong makakita ng masama?" Agad sinuntok si ana.
Agad akong tumayo at pinuntahan ko si Ana. "Ben, parang awa mo na!" Pagiyak ko.
Agad siyang pumunta sa kusina at kumuha ng kutsilyo.
"BEN, MAAWA KA! BUNTIS AKO!" Pag iyak ko. Agad niyang binitiwan ang kutsilyo at napaluhod.
"Dahil sa kalandian mo tignan mo ang nangyari!" Pagiyak niya.
"Patawarin mo ako Ben! Patawarin mo ako" pagiyak ko.
"Hindi ko matatanggap yang batang yan!" Agad siyang kumabas nga bahay at napayak ako sa mga anak ko.
Mabait na tao si Ben. Alam ko yun, pero natatakot parin ako sa kaya niyang gawin lalo na kapag lasing siya.
*end of flashback*

Agad akong nakaisip ng paraan kaya pumunta agad ako sa nursery room. Buti naman at walang nurse dito.
Labag man sa kalooban ko ang gagawin ko pero kailangan. 'Patawarin mo ako anak, mahal na mahal kita. Patawrin rin sana ako ng panginoon'
May isang bata kamukha ng baby ko kaya ipinakita ko sila ng posisyon. Tinignan ko rin ang information nung bata para kung sakaling mamimiss ko si Cassandra ay alam ko kung saan ko siya matatagpuan.
'Pasensya ka na mitchie andrea, kailangan ko kasin protektahan ang anak ko eh'
Bago pa magbago ang isip ko ay agad na akong bumalik sa ward. Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko. Alam ko isa itong malaking kasalanan pero gagawinko at titiisin ko para sa ikabubuti ni Cassandra.
"Anong iniiyak iyak mo diyan?" Biglang pagpasok ni Ben. "A-ah w-wala" pagsagot ko.
"Eto inumin mo, gastos nanaman" sabay bigay niya sakin ng gamot. "Aning ipinangalan mo sa bata?" Pagtatanong niya. "Cassandra" pagsagot ko naman. "Tss. Cassandra, Ang pangit ng pangalan pero bagay narin sakanya dahil gawa rin siya sa pangit at maling relasyon" sabay alis niya. 'Panginoon, bigyan niyo po ako ng sapat na lakas na malampasan ito,at sana po ay protektahan niyo ang bata na iuuwi namin ngayon, sana hindi siya makakaranas ng pananakit galing kay Ben at sana iparamdam niyo po sa anak ko na mahal na mahal ko siya kahit ibang ang nanay na mamahalin niya'

Margaret:

"Hon, bukas makakalabas ka na, maiuuwi na natin si baby!" Excited na sinabi ni Richie.
Biglang lumapit sakin si Xander, ang panganay kong anak. At ipinakita sakin ang kanyang white board. May sakit kasi si Xander at hindi namin alam bakit hindi siya nagsasalita. Pero ginagawa namin ang best namin para maging normal siya at para makakapagsalita siya.
'Mom, can I see my baby sister?'
"Ofcourse baby! Nurse, pwede na ba namin maitabi si baby dito?" Pagtatanong ko.
"Opo maam, kunin ko lang po siya" pagsagot ng Nurse sabay labas ng kwarto.
Nakikita ko sa mukha ni Xander na excited siya na makita ang kapatid niya, pati sina lola at papa ay parang mga bata dahil may pa talon talon pa.
"Eto na po si baby mam" sabay lagay ng nurse sa tabi ko si Mitchie.
"Teka, b-bat parang nag iba ang itsura niya? Sigurado ka ba na si Mitchie to?" Pagtatanong ko sa Nurse. Agad namang tinignan ni Richie yung bata.
"Hindi naman ah! Ganyan talaga yung itsura niya, pretty as an angel. Baka lang kasi nahihilo ka pa kanina" paliwanag ni Richie.
"Siguro nga" pag sang-ayon ko.
"Xander, halika dito, look at your baby sister" pagtawag ko kay Xander.
Agad siyang lumapit at sinilip niya si Mitchie, napangiti si Xander at hinawakan niya ang kamay ni Mitchie.
Ang cute cute tignan!
"Mom, I promise to love her and protect her" biglang pagsalita ni Xander na ikinagulat namin lahat. Napayakap kaming lahat kay Xander at syempre nag celebrate kami.
Ito ang isa sa mga hindi ko malilimutang araw, salamat Panginoon.

Pag-ibig ko'y sa'yo lamang (on-going)Stories to obsess over. Discover now