Matapang ko siyang tiningnan. "Yes Matt. This is fake, right? You married me for your money—"


"Fuck it!" sigaw niya, binagsak iyong mug ng kape na hawak niya. Naihilamos niya iyong palad niya sa kanyang mukha bago ako tiningnan.


"This is fake. Our marriage has a deadline Matthew. Huwag kang magalit sa akin dahil sinasabi ko lang ang totoo. We have an expiration," anas ko. His eyes threw daggers at me before he shook his head. Nakita ko iyong pagngisi niya bago ako nilingon.


"You just can't wait to go back to your boys, huh?" he said. Every word has an acid in it and I flinched.


"Anong—"


Tumalikod siya sa akin bago napailing. His eyes were ablaze with fire while looking at me. Mabilis siyang umikot sa kitchen island at lumapit sa akin. Pilit kong pinatapang ang aking mukha at tiningnan siya.


"Matthew, hindi kasama sa usapan natin ito. You're going to help me find Ashton and I'm going to help you with your inheritance. That's our deal. Bakit kailangang makilala ako ng magulang mo?" katwiran ko. Nangalit ang panga niya bago ako pinakatitigan.


"Paano maniniwala si Papa na kasal na ako kung hindi ka niya makikilala?"


"Gumawa ka ng kwento! Sabihin mo nasa malayo ako o kaya ay busy ako. Kahit ano, wag mo lang akong ipakilala sa kanila," anas ko. Napatayo ako mula sa stool at lumayo sa kanya. His presence makes me insane. His arrogance and rudeness just makes it hard for me focus. Idagdag pang sa bawat pagtalim ng mata niya ay nanginginig na ako.


Niyakap ko ang sarili ko habang siya ay masama lamang ang tingin sa akin.


"Ayoko lang madamay ang magulang mo sa kasinungalingan na ito Matthew. I don't want them to be attached. Masasaktan sila kapag kailangan ko ng umalis," I said. Matthew sighed before shaking his head. He raked his hair with his fingers before closing his eyes tightly.


"Alex please. Just this moment, just this once, stop thinking that this is not real," halos paos na niyang sabi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. The mere touch of his hand immediately sent shivers on my body. I was instantly reminded of those moments we shared, stark naked and sweaty—ah shit! Alex! Focus!


Binitiwan niya ako at inayos ang sarili.


"We're going to meet my parents Alex, sa ayaw at sa gusto mo," pinal niyang sabi bago pumasok sa aming kwarto. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig sa banyo at ang pagligo ni Matthew.


I went to our closet and took his blue and white striped v-neck shirt at itim na biker jeans. Inilagay ko iyon sa kama at ako naman ang kumuha ng maisusuot. I opted for a baby blue dress and a white cardigan. Pinagtabi ko ang mga damit namin ni Matthew at napangiti na lamang.


This is real. Alexia Marie, totoo ito. Kahit ngayon lang ay pagbibigyan ko ang sarili ko. Isa pa, sinabi ni Matthew na isipin kong hindi kami nagsisinungaling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Waltz LEGACY # 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon