Hi, baby! Oo. Ikaw nga yon, Aira. 123 Days na pala simula nung iniwan kita na parang bula. Alam mo bang di ka nawawala sa isipan ko? Miss na miss na kita baby. Salamat dahil naging parte ka sa 2017 ko. Naalala ko pa non sa omegle kita una nakilala tapos sa viber na tayo nag kausap. Ang daming na nangyari sayo at sa akin. Pero yung pagmamahal ko sayo di pa rin nagbabago. Kahit na ang laki ng age gap natin aba di naman gaanong kalakihan hahah alam kong mahal kita. Mahal kita pero hindi ako gumagawa ng paraan para lang makausap kita. Simula nong di kita nakakausap, para na akong tanga. Lagi kang hinahanap. Sa year end na to, gusto ko lang sana mangyari na kalimutan mo na ako. Pero baka nga nakalimutan mo na ako. Sa dadating na new year sayo, 2018, at sa susunod pa. Sana may lalaking magmamahal sayo na kaya kang alagaan. Na kaya kang bigyan ng oras. Na susuportahan ka sa lahat ng bagay. Kasi yang mga yan ni hindi ko man lang nagawa sayo. Bakla ko no? Hays. Pero matagal tagal pa siguro yan. Gusto ko mag aral ka muna. Wag muna mag boyfriend. Hahaha. Kuya mo ko diba? Sundin mo mga sinasabi ko ha? Para rin sayo to. Kumain ka sa tamang oras. Ayaw na ayaw kitang nalilipasan ng gutom. Sorry dahil iniwan kita At tuluyan ng iiwanan. Nga pala, graduating na ako. Di naman sa pagmamayabang pero parang ganon na nga! Porebs hambog eno. Running for cumlaude pa ang koya mong kyot. Haha. Pero di pa sure yon hahah. Napag-isip isip ko na hindi mo ko deserve. Na baka iwan lang kita. Na nagawa ko na. Sorry ha? Alam kong di sapat ang sorry lang. Makikita at makakasalubong pa kita. Sa araw na yon, siguro may mahal ka na non. Haha yieee. Salamat sa lahat lahat. Ikaw ang naging inspirasyon ko. Mag iingat ka palagi ha? Pag aalis ka, kailangan may kasama ka. Mag enjoy ka sa life mo. Mag gawa ka ng masasayang alaala dyan sa high school life mo. Kasi pag college na, mahirap. Mag mumuka kang losyang. Pis hahaha. Pag pala nakahanap ka na ng iba, huwag baby tawagan niyo ha? Baka maalala mo lang si poging ako. Tandaan mo, You'll always be my baby. Ano ba to, habang nagttype ako, naiyak. Kalabo na tuloy. Baka puro typo na to. Di ko na binasa e. Basta lang ako type. Happy New Year! For the last time, I love you, Aira. I love you, goodbye. Eto yung masasabi kong hanggang dito na lang.
