Mahal ko, pwede bang itigil mo na to?
Gulong-gulo na ako!
Di ko alam kung ano ang itatatak ko sa isip ko.
Kung...
MAHAL MO BA AKO o NILOLOKO MO LANG AKO?
Sawang-sawa na ako sa mga matatamis mong salita.
Mga salitang nagpapagising sa akin upang harapin ang bagong umaga.
Mga salitang ginamit mo upang ako'y utuin mo lang.
At mga salitang puro kasinungalingan lang pala.
Napaka-tanga kong tao!
Kahit na alam kong ako'y niloloko mo.
Heto ako't nagmamahal pa rin sa iyo.
Kailan mo ba balak itigil toh?
NASASAKTAN NA AKO!
Nakita kita sa may parke, may kasamang babae.
Nasaktan ako ngunit wala akong sinabe.
Habang kayo ay aking sinusundan.
Nagulat ako sa aking natuklasan.
Yinakap mo sya at hinalikan.
Alam kong ako'y may karapatan, ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko mahal?
Kung sa piling niya'y ika'y masaya na.
Handa akong pakawalan ka.
Ngunit mahal, bakit parang di ko yata kaya?
Na makita ko na sa iba ka masaya.
Patawad, patawad sa aking pagkukulang na ni minsa'y di mo binigyan ng pagkakataong mapunan.
Patawad, patawad dahil saking piling ika'y hindi lumigaya.
Patawad, patawad dahil mula ngayo'y pakakawalan na kita.
Alam kong mahirap.
Mahirap dahil lalayo na ako sa taong aking mahal
Mahirap dahil nawala na ang taong aki'y pinagkukunan ng lakas at pag-asa.
Mahirap dahil alam kong hanggang dito na lang ang matamis at mapait nating istorya.
Paalam aking mahal.
Nawa'y maging masaya ka sa piling ng iba.
Ngunit bago kita tuluyang ibigay sa kanya.
Iku-kwento ko muna ang istorya nating dalawa.
Bago ang lahat kaibigan kita.
Malapit tayo sa isa't isa.
Ngunit isang araw ako'y iyong tinanong.
"May pag-asa ba ako upang iyong maging sinisinta?"
Napailing ako, at nakita kong ika'y dismayado.
"Tuloy-tuloy ka lang at sanay hindi magsawa."
Ikaw ay muling nagkaroon ng sigla.
At ako'y natuwa na ang isang katulad mo ay nagpasyang ligawan ang isang tulad ko.
Sa paglipas ng mga taon.
Ika'y akin nang sinagot.
Ang iyong puso'y tumatalon sa tuwa.
At ako'y napangiti dahil sa hawa.
Akala ko habang buhay na akong magiging masaya.
Hanggang sa makita ko kayong dalawa na magkasama.
Ang sabi mo ay kaibigan mo lang sya.
At ako naman tong tanga na naniwala.
Habang tumatagal lalo akong nasasaktan.
Ngunit di kita kayang pakawalan.
Dahil ikaw ay ang aking mahal.
Pasensya na kung hindi ko man masabi sa iyo ng harapan.
Dahil ayokong humarap sa iyo ng nasasaktan.
Nagsasawa na rin ako sa mga pananakit mo.
Minsan ay gusto ko nang isuko ang buhay ko.
Nagpasya akong wag nang itikom ang bibig ko.
Upang masabi ko sayo kung ano ba ang mga hinanakit ko.
At hindi habang buhay ay uutuin mo ako sa mga kasinungalingan mo.
Dahil sawang-sawa na ko!
Dapat nalang pala umpisa pa nalaman ko na ang baho mo.
Para sa huli hindi ako nagsisisi ng ganito.
Oo tanga ako.
Pero ikaw, napaka gago mo!
Gago ka para saktan ako ng ganito.
Wag ka nang mabahala.
Dahil papakawalan na kita.
Alam ko namang sya ang dahilan ng mga ngiti sa iyong mukha.
Pero eto ang tatandaan mo.
"Hindi tanga ang taong nagmahal ng sobra-sobra. Mas tanga ang taong naghanap ng iba..."
ESTÁS LEYENDO
Unsaid Poetry(One Shot Story)
Historia CortaHabang buhay nalang ba akong mananahinik? Habang buhay nalang ba akong masasaktan? Habang buhay ko nalang bang sasabihin sa aking isipan na hindi nya ako mahal? At patuloy pa ring aasa sa kawalan?
