Naawa ako sa batang lalaking nakikita ko , nagsisikap talaga siyang mamalimos para lang makakain siya. Pero hindi siya napapansin ng mga taong dumadaan sa harap niya. Napalunok ako at naghanap ng pwedeng bilhan ng pagkain.

Pumunta ako sa turo-turo , bumili ako ng menudo at kanin. Bumili din ako ng tubig , pagbalik ko nakita ko siyang umiiyak. Napansin ko din si Joshua na lumabas ng kotse , habang tinitignan ako.

" Bata , bakit ka umiiyak? " . Tanong ko

" K-kasi n-nagugutom na p-po a-ako , pe-pero wala a-akong pe-perang pambili " . Sagot niya saka umiyak lalo

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. " Wag ka ng mag-alala , bata. Eto oh , binilhan ka ni ate ng pagkain " . Nakangiting sabi ko

" Sakin po ba talaga to? " . Tanong niya kaya tumango ako

Pinunasan niya ang luha niya at niyakap ako. " Salamat po ate! Makakakain na po ako! " . Masaya niyang sabi

Tumawa naman ako at may kinuha sa wallet ko. May pera akong kinuha doon at nilagay ko sa palad niya iyon.

" Itago mo iyan ah? Pambili mo ng mga pagkain mo yan. Ingatan mo yan , mag-ingat ka rin dito ah? Babalikan kita dito " . Nakangiting sabi ko

Tumango ito at niyakap muli ako. Tumayo na rin ako at nagpaalam sa kaniya , pagkapasok ko pa lang ay sinalubong agad ako ni Joshua ng kurot sa pisngi.

" Bait ng girlfriend ko " . Proud niyang sabi

Natawa naman ako. " Ikr. Ay , Joss! Bakit hindi kaya tayo tumawag sa DSWD? Mas safe yung bata dun " . Suhestiyon ko

Tumango ito at ngumiti saakin. " We'll do that as soon as possible " . Sabi niya

Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay niya. " Thank you " . Sabi ko

Ngumiti din naman siya at pinasadahan ako ng tingin. " Anything for my babygirl " . Nakangiting sabi niya

Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig ko ang salitang ' Babygirl '. Talagang dinagdagan niya ng ' Girl ' ang tawag niya saakin.

" What's with that smile , baby? " . Tanong niya

Tumawa ako. " Nothing. May naalala lang ako " . Natatawang sagot ko

Naalala ko talaga yung noong college kami. Doon talaga nag-start yung tawag niya saakin ng ' Babygirl '. Noong una , inis na inis ako dahil hindi naman ako sanggol para tawagin niya ng ' Babygirl '. Pero nagmatigas talaga siya kahit ilang beses ko siyang sinaway , gustong-gusto niya talaga na tinatawag akong ganoon. Dahil iyon daw ang tingin niya saakin dati.

" Oy. Napapadalas ang pag-ngiti mo ah? Hindi ka rin naiinis saakin ngayon. Seriously? Are you crazy? " . Tanong niya

Hinampas ko siya. " Manahimik ka nga , Joss! Good mood lang ako , okay? " . Sagot ko

Napalingon muli ako sa bintanang katabi ko. Nagtaka na lamang ako ng makita ko ulit ang mga malalaking letra na nakasulat ay ' Dahilayan '.

Nilingon ko si Joshua. " Dito ulit tayo? " . Tanong ko

Tumango siya. " Yep. Hindi pa natin kasi nalilibot ito. Gusto kong makita natin kung gaano kaganda ang Dahilayan " . Sagot niya

Napatango naman ako sa sinabi niya. Mukhang hindi pa namin nalilibot ang Dahilayan. Nasakyan lang namin dito yung zipline nila dito.

***

Nakarating kami sa ' Dahilayan forest park '. Namangha na lamang ako dahil sobrang taas ng mga puno dito.

Kumunot ang noo ko ng ilabas niya ang phone niya saka may kung ano siyang pinindot doon. Napaawang ang aking bibig ng marealized ko na kinukuhanan niya ako ng litrato!

" Joshua! " . Saway ko

Humalakhak siya. " Sorry. Ang cute mo kasi , hindi ko mapigilan " . Sabi niya

Napasimangot ako. " Bwisit ka talaga , Joss! " . Sabi ko

Marahan niya kinurot ang labi ko. " Geez. Please , don't pout your lips. I'll kiss you if you do that again " . Sabi niya

" Why? "

" I find it cute. "

" Eh? What kind of reason is that? It's unacceptable! "

" Well , for you it's unacceptable. But for me? It's acceptable! HAHAHA. "

Napairap na lang ako saka tumingin sa ibang direksyon. Nakaramdam din ako ng pagka-ilang dahil itong kasama ko ay tumititig nanaman saakin. Well , hobby niya talaga iyan. Nakakaurat!

" Baby , wait a minute. May bibilhin lang ako , diyan ka lang " . Sabi niya saka umalis agad

Nag-kibit balikat na lamang ako at nag-selfie. Ilang weeks na lang , uuwi na kami ng Manila. Pagbalik namin doon , magtatrabaho nanaman at muling mase-stress. Hays!

Dati noong college pa ako gusto ko ng tulungan sila Kuya Charles sa business. Pero ngayon na nakatapos ako , parang gusto ko ulit bumalik sa college. Doon pwede akong gumala , anytime and anywhere. Pwede akong mag-cutting kahit kailan ko gusto. Charot , masyadong bad yun.

Napabuntong hininga ako. Namimiss ko na sila Cristina at Juliana , especially sina Brittany at Charles. I miss them both!

Napabalik ako saaking ulirat ng may pumitik sa noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

" Why did you do that? "

" Sorry. I can't stop it. "

Inilapag niya sa harap ko yung mga binili niyang pagkain. Napatingin ako sa kaniya , abala siya sa paga-ayos ng kakainin namin.

Nang matapos niya ito ay umupo siya sa harap ko na may ngiti sa kaniyang labi.

" Are you just going to stare at me? " . Nakangiting tanong niya

Wala sa sariling napailing ako at sinamaan ng tingin si Joshua.

Echoes of LoveDär berättelser lever. Upptäck nu