Not for you

15 0 0
                                        


Nagsimula ang istorya nating dalawa dahil sa isang event sa school. Naalala ko, intramurals namin noon at pwedeng-pwedeng pumasok ang mga outsiders sa school. Naisip ko, marami nanamang chika bebot ang mabibiktima ng charms ko.

Hindi naman sa mayabang ako pero kilala kasi ako sa school namin dahil sikat akong basketball player. Miyembro rin ako ng isang banda. At sa paningin ng lahat halos perpekto na ko. Hindi lang daw kasi ako gwapo kundi mayaman pa.

Mabait? Di siguro. Sa kabila ng lahat ng papuri nila, may iba paring mga tao na ayaw talaga saakin dahil babaero daw ako. Marami raw akong pinapaiyak na babae, na ikakama ko lang sila pag gusto ko. E ano bang masama sa ginagawa ko? I'm having fun at hindi ko problema kung nahuhulog sila saakin. Malinaw naman kasi na hanggang sex lang ang kaya kong ibigay. Fling lang ganon.

Kaso isang araw, may nakilala akong isang babae. Tanda ko pa non, championship game namin nung intramurals. Nanalo ang team namin at doon kita nakita. Tahimik kang nanonood sa bleachers katabi ang  kapatid kong si Magui. Malapit kayo sa isa't isa habang tayo naman, hindi. First time lang kasi kitang makita non kaya halos mapanganga ako sa kagandahan mong taglay.

Iba e. Ibang-iba ka sa lahat. Ikaw kasi yung tipo na maganda kahit ilang beses ko pang tignan. Yung kagandahang tama lang at hindi nakakasawa. Kwento pa nga ng kapatid ko, mabait ka raw at palatawa. Sobrang saya mo daw kasama at wala kang arte sa katawan. Dahil don, lalo akong naging interesado sayo.

Araw-araw kong iniisip kung paano kita kakausapin. Ako si Ian, kilala ako bilang isang babaero. Dapat magaling ako sa pag papa impress sa mga chix diba? Pero bakit pagdating sayo natotorpe at nabblanko ako? Ano bang meron sayo at hindi ka mawala sa isip ko?

Isang araw, dinala ka ng kapatid ko sa bahay namin. Halos magulat pa 'ko non dahil nakahiga ako sa sofa at todo nakalalak pa na kulang nalang pasukan ng langaw ang boxers ko. Sa sobrang gulat ko at taranta, nahulog ako sa sofa. Nakarinig ako ng malakas na tawa at pag-angat ko ng tingin, halos maihi ka na sa kakatawa mo habang nakatingin saakin.

Kahit may pagka makapal ang mukha ko at may pagkamayabang ako, may hiya padin naman ako sa katawan no. Lalo na nung araw na yon. Tangina talaga, sana nilamon nalang ako ng lupa nung mga sandaling yon para hindi mo ko makita sa ganong kalagayan.

"Magui, siya na ba yon? Yung kuya mo?"

Paakyat ako sa hagdan non ng marinig kita. Kasama mo ang kapatid ko at papasok kayo sa kusina dala-dala yung mga pagkain na pinamili niyo. Bago pa nga ako umakyat non, inoffer-an mo pa ko ng pagkain na dala niyo pero sinungitan kita dahil nainis padin ako sa ginawa mong pagtawa saakin nung nahulog ako sa sofa.

Simula non, kahit naiinis ako sayo. Hindi ka parin maalis sa isip ko. Minsan nga pinapanalangin ko na sana lamunin nalang ako ng pagkainis ko sayo para hindi kita naiisip ng ganito. Hindi kasi ako makatulog ng maayos sa kakaisip ko sayo, alam mo ba yon?

Naalala ko pa nung araw na nakita kita sa tapat ng school namin. Parang may hinihintay ka dahil todo silip ka pa sa main gate namin. Sakto naman na palabas ako kasama ang mga team mates ko. Nagsasaya pa kami pero dahil nga nakita kita, natigilan ako.

Lalapitan kaya kita o hinde? Yun lang ang tumatakbo sa isip ko nung mga sandaling yon. May parte kasi saakin na gusto kang lapitan at may parte naman saakin na ayaw dahil baka kung ano-ano lang masabi ko sayo.

"Dude, tignan mo yun oh. Chix!"

Sumigaw ang isa sa mga team mates ko at lahat sila napatangin sayo. Nakaramdam ako ng pagkainis dahil don kaya ginawa ko ang lahat para hindi ka nila lapitan.

"Ang ganda niya, dude. Walang-wala ang Ms. Intramurals natin sa ganda niyan. Lapitan natin kaya? Let's see kung kanino siya kakagat."

Nagsi apiran ang mga team mates ko sa naisip na plano ng isa sa amin. Lalong nanginig ang mga kamay ko at unti-unti kong naramdaman na para bang gusto kong manapak.

"Alam niyo, kain nalang tayo. Libre ko."

Yan pa ang sinabi ko sakanila pero ayaw talaga nilang paawat. Unang beses nilang tinanggihan ang libre ko kaya at that moment naisip ko na talagang type ka nila. Kinabahan ako dahil don hindi dahil gusto kita at nagseselos ako kundi dahil takot ako na baka magkagusto ka sa isa sakanila at masaktan ka. Pare-pareho lang naman kaming mga babaero kaya ganito nalamang ako kung matakot para sayo. Ewan ko ba kung bakit pero yung thought palang na sinaktan ka nila, parang kutsilyong sumaksak ng paulit-ulit saakin.

"Ian, bat di nalang ikaw ang lumapit don? Tutal ikaw naman ang pinaka magaling sa pambobola."

"I'll give you 10k. Do it."

Kahit na sayang ang sampung libo na yon, mas pinili ko nalang na wag ka ng lapitan pero talagang mapang-asar ang tadhana. Hindi nga kita nilapitan pero ikaw naman 'tong lumapit saakin.

"Uy, Ian!"

Kumaway ka muna bago mo ko nilapitan. Narinig ko pa ang mga bulong-bulungan ng mga team mates ko sa likod habang papalapit ka saakin.

"Pre, kilala mo?"

"Damn, she's so hot."

"Lakad mo naman ako."

"Baka syota niya, back off na tayo."

Tinignan kita at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Papalapit ka palang pero bakit ganito na ang epekto mo saakin? Sobra na to at hindi ko na ata makakayanan pa.

"Bakit ka ba nandito?"

Tulad ng dati, susungitan kita. Eto lang kasi ang alam kong way para hindi kita magustuhan. Kung dati gustong-gusto kitang makaclose, ngayon mas okay na yung ganito. Natatakot ako na baka magkagusto nga ako sayo. Ayoko kasing magmahal, nakakatakot. Lalo na kung bawal. Kung mali.

"Hinihintay ko si Magui. May lakad kasi kami, ayaw mo bang sumama?"

Mabilis akong umiling at nakita ko ang biglaan mong pagkalungkot. Sa puntong yon, nakaramdam din ako ng lungkot at pagkainis sa sarili.

"Sayang naman."

Sayang nga. Sayang at hindi tayo pwede. Oo na, aaminin ko na. Gusto kita. Gustong-gusto kita, Kei. Pero hindi ako pwedeng magkagusto sa pinsan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not For You (one-shot story)Stories to obsess over. Discover now