Kasalukuyan akong nakatayo sa gitna ng oval na nagsilbing training grounds ng CAT kaharap ko ang apat na babaeng privates. Nakakainis lang isipin na sa February pa ang parade pero todo practice na.
I commanded, "Humanda!" Agad naman silang tumayo ng maayos, breast out, stomach in, chin up, close fist at 45°. Magsisimula na sana ako sa pagtetraining ng lumapit ang pinsan kong si Rafaela, officer din siya ng CAT kasama ang dalawa pang privates na parang asong kumikinang ang mata habang nakatingin sakin.
Rafaela told me if pwede ko bang kunin ang isa sa mga dala niyang privates kase marami na daw siyang hold, kahit na tatlo lang naman. Agad namang ngumiti ng nakakaloko ang dalawang privates na hawak ni Rafaela, nagpupumilit na kunin ko kahit na inis, kinuha ko parin ang isa at agad na tinalikuran si Rafaela at ang natira sa kanyang private, na napagalaman kong si Pineda.
Pero ang sumunod ang hindi ko nagustuhan, bigla nalang akong sinigawan ni Pineda.
"Bakit ayaw mo kong kunin Ate!! Magaling naman ako a!"
I faced her at ngumiti lang ng malademonyo.
"Kung ayaw mo po edi huwag!"
At nagsimula na siyang maglakad papalayo, na hinabol naman ni Rafaela. I rolled my eyes, Brat (-_-)
Malapit ng maperfect ng hold ko lahat ng proper executions ng lumapit si Bry, ang battalion na isa rin sa mga barkada ko.
Gaya ng ibang officers na nangulit sakin kanina, lumapit siya sakin para lang ipagpilitan na ako ang manghold kay Pineda na kasalukuyang nakikipagsigawan kay Officer Najorda. Sa una, ayoko parin talaga dahil hitsura palang ni Pineda maarte na Pero ginamit ni Bry ang power ng Battalion na siyang mas mataas sa position ko, tinakot ako, eh sa hindi ko pa naranasang mapunish kahit noong kami pa ang nagtetraning, walang hiya 'to. Humanda sakin pagkatapos ng Training.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang kunin siya, inutusan ko muna ang Limang privates na hawak ko kanina para magtraining para matutukan ko 'tong si Pineda.
Hindi naging madali ang ang pagtuturo sa kanya dahil madali siyang nadidistract sa command ng ibang officers, kantyaw ng mga kaibigan sa kabila pati na rin sa mga nanonood. Minsan, nahuhuli ko din siyang namumula pero siguro dahil yun sa pawis niya. Ilang beses ko din siyang pinunish dahil sa binubulyawan nya ako, nagmumura at kung anu-anong ginagawa. Hanggang sa pansin kong naging determined siya lalo na matuto at kumonti ang nga mali niya, pansin ko din na pagod na ito sa malamang, kaya tinawag ko yung Lima at sinabing pwede silang umupo sa pathway para makapagpahinga sila bago ang announcement ng Battalion. Si Pineda naman pumunta sa malapit sa pinaglagyan ng bag at umupo, pansin ko ang pasimpleng paghimas niya sa paa kasabay ng pagpupunas niya sa sariling pawis.
Sakto naman na may lumapit saaking 4th year na babae na sa kabilang section na nangaalok sa akin ng tubig, with matching malagkit na tingin. Kinuha ko ang bottled of water at linapitan si Pineda. At first, hindi niya tinanggap ang tubig pero I opened it kaya kinuha niya din. Umupo ako sa harap niya at tinanggal ang sapatos niya, pinipilit niya pang huwag ko nalang daw gawin pero tinuloy ko lang at minassage ang paa.
I remember, last year ng sumali ako sa Pageant sa school Diary. Hindi pala ang pagsigaw niya sakin kanina ang unang beses na nakuha niya ang attensyon ko kundi noon ding Gown portion kung saan, natapilok siya at sumakit ang paa niya. Agad akong nagpanic ng malaman ko 'yun, I don't know why pero I did.
Love,
Jenice
