2nd Chapter

5K 175 17
                                    

PABAGSAK na binaba ni Colin ang baso ng alak sa barcounter. "That shitty old man! Talagang sineryoso niya ang pagtatakwil sa'kin!"

Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang magagawa sa kanya ng ama niya na bawiin ang lahat ng meron siya. Wala rin naman siyang maaasahan sa mga kaibigan niya dahil galit pa sa kanya ang best friend niyang si Strike. Ang tanging meron na lang siya ay ang cash sa bulsa niya at ang ipon niya sa bank account niya. Malaki pa ang sarili niyang pera sa bangko, pero sigurado siyang hindi iyon sasapat ng matagal, lalo na't maluho siya.

"Hindi mo naman kasi dapat ginalit ang daddy mo," naiiling na sermon ni Lou sa kanya, ang may-ari ng club na iyon at ex-girlfriend niya na ngayon ay kasal na sa ibang lalaki.

"Tuwing may bago siyang babae, kumukulo pa rin ang dugo ko," mapait na sabi niya.

"Colin, matagal nang wala ang mommy mo," paalala ni Lou sa kanya.

Tumungga lang uli siya ng alak. Limang taon na ring wala ang ina niya dahil sa colon cancer, pero hindi pa rin humuhupa ang galit niya sa ama niya. Ito kasi ang naging dahilan ng pagdurusa ng ina niya noong nabubuhay pa ito.

Bumuga siya ng hangin. "Ayoko nang pag-usapan si Daddy."

"Okay. So, saan ka na uuwi ngayon? As much as I wanted to, hindi naman kita puwedeng kupkupin. My husband will kill you."

"Lou, hindi ko rin naman maaatim na umasa sa babae. Masasaktan ang pride ko."

"Then, why don't you work for me?"

Muntik na siyang masamid. "Work for you as a gigolo? No way!"

"Excuse me. Host club ito at host ang tawag sa mga tauhan ko at hindi gigolo," nakasimangot na pagtatama ni Lou sa kanya.

Ang "LC" ay isang host club at ang trabaho ng mga lalaking "host" do'n ay ang i-entertain ang mga customer do'n na mga matrona, biyuda at matatandang dalaga. Though in LC, sexual intercourse between the host and the customer inside the club was prohibited.

"Wala akong makitang pagkakaiba ng host at gigolo."

Kinutusan siya ni Lou. "Malaki ang pagkakaiba. Ang mga gigolo, parang linta na pineperahan ang mga babae. Ang mga host, nagpapasaya sa malulungkot na dalaga."

Natawa siya. "Hey, I'm sorry. 'Wag ka nang mapikon."

"O, ano? Ayaw mo ba talagang magtrabaho para sa'kin?"

Umiling siya. "No, thanks. But don't worry. I'll somehow make it through."

"Or you can just apologize to your father."

Natawa siya. "That's never gonna happen, Lou. Anyway, I have to go."

"All right. Mag-iingat ka."

Pagtayo niya ay sakto namang dumako ang tingin niya sa entrance ng club. Natigilan siya nang makilala kung sino ang babaeng kapapasok lang na pinuputakte ng tatlong hosts. "Tyra?"

"Kilala mo si Miss Tyra?"

Nilingon niya si Lou. "Oo. We went to the same university. Paano mo siya nakilala?"

"Regular customer ng club ko si Tyra. She's a VIP."

Kumunot ang noo niya. "Regular customer? Paanong hindi ko siya nakikita noon?"

"Simula nang magpakasal ako three years ago, bihira ka na lang magpunta dito sa club ko. That was the time I met her. Medyo matagal ko nga rin siyang hindi nakita dahil galing siyang Europe," masayang kuwento nito habang naglalagay ng make-up. "Maiwan na muna kita, Colin. Aasikasuhin ko muna si Miss Tyra."

My Favorite BullyWhere stories live. Discover now