Battle ng mga pick up lines

1.8K 41 1
                                    

Yo! Name's Nadine Lustre.

Mahilig ako mag pick up lines.

16 lang ako.

Mahilig sa chocolate. XD

May rival ako sa pag pick up lines!

Si James Reid! Ggrrrr!

Tapos, siya parati nanalo. Nakakainis! Ggrrrr!

Nakakaistress talaga siya kase ganito talaga kami nag meet, bata pa kami dun.....

Flash back,

"Hi! Ako nga pala si Nadine, ikaw?" tanong ko.

"Ewan ko sa iyo. " sabi niya.

Aba!  Ang sakit yun ha!

"Sorry ha! Bawal pala mag tanong!  Hmph!  sungit!  Aalis na nga!" sabi ko.

Aray!  Sakit nun ha! Ang buhok ko! Huhuhu!

"Hoy!  Bakit mo ginawa yun sa buhok ko?" tanong ko.

"Sa gusto ko." sabi niya.

"Napaka sama mo!" sabi ko.

"Alam ko." sabi niya.

"Balang araw, hindi ka maging masama, gusto ko maging mabait ka!" sabi ko.

"Tingnan natin..."

"James! Naku bata ka-- Oh! Nadine!  Napakalaki mo na! Nakilala mo na si James, siya pala ang anak ko." sabi ni tita.

Hindi ko kaano ano si tita Daisy, siya ang bespren ng mommy ko.

"Tita, ang sama ng ugali ni James! pero di  bale, I will cure that!" sabi ko.

"Sana nga! Sana  magkatuluyan kayo paglaki niyo!" sabi ni tita.

"ha?" tanong ni James at ako.

"Wala, oh siya nga pala, Nadine, ang mommy mo, she's waiting. " sabi ni tita.

"Ay! Oo nga pala! sige! Bye!"

At yan ang nangyari sa amin.....

And look who's here! Nandyan na ang rival ko since kindergarten!

"Hey Nadine, long time no see!" aba! nag smirk pa!

"Whatever!  Alis!" sabi ko.

"Ang sungit naman! usap naman tayo!" Hmph! Hindi ako mahuhulog sa puppy eyes with matching pout na yan!

At kumain nalang ako ng chocolate.

"Nadine. " sabi niya. Hindi ko pinansin.

Bahala siya sa buhay niya.

"Ppst! Nadine, baboy ka ba?" tanong ni James.

Aba! Hinahamon ako ng pick up lines!

"Bakit?" tanong ko.

"Kase mataba ka, kailangan mo na mag diet." sabi niya.

"James, alam mo ba, para kang si Spongebob." sabi ko.

"Bakit naman? Kase cute ako? " tanong niya.

"Uuuuuyyyyyy!!!!" sabi ng lahat.

"Hindi! Kase abnormal ka eh! Parang si Spongebob! " sabi ko.

"Nadine, maniwala ka ba na maabot ko ang bituin?" tanong niya.

"Hindi." sabi ko.

"Kailangan mo maniwala kase aabutin ko kahit malayo man yan kase kukunin ko ang bituin para lang sayo." aba! at nag wink pa!

"uy! bumanat si James oh!"sabi ng lahat.

"James, alam mo ba, palagi ka sa panaginip ko." Sabi ko.

"Talaga? " tanong niya.

"Oo. Kaya parati akong bangungutin eh!" sabi ko.

"BOOM! PANES!" sabi ng lahat.

"Alam mo ba Nadine, para kang favorite music ko. " sabi niya.

"Oh, bakit naman?" tanong ko.

"Palagi kong pinakinggan ang magandang mong boses araw-araw, naka LSS." sabi ni James.

"Yun oh!" nag sigawan ang mga tao.

Aba! Hindi ako magpapatalo! Kailangan magpapasweet din ako!

"James, para kang teddy bear." sabi ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Kase,  ang sarap mong yakapin!" sabi ko.

"Ayyyiiieee!!!!! Yun oh! Bumanat si Nadine! " sabi nila.

Halatang namula si James! Hahahahaha! Hala? Anong sinabi ko? Namumula si James?

"Nadine, para kang si Edward Cullen," sabi ni James.

"Ba-bakit naman?" hala! Bakit ba ako nauutal?

"Kase, ang hirap mong mabasa." sabi niya.

"Talaga! ako naman, James, ikaw ba yun nagbigay sa akin na number 143?" tanong ko.

"H-ha?"

"Kase, 143 kita din!"  at nag smirk ako.

"Wooh! BOOM PANES!"

"Tama na Nadine,  sumusobra ka na...." lagot! Parang galit na yata siya.

"Tama na kase, ang corny mo! Hahahaha!" sabi niya.

"Sus! Gusto mo din!" sabi ko at nag pout ako.

"Wag kang mag pout." sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Hahalikan kita." sabi niya. Mukhang seryoso siya ha.

"Weeh! Dinga?! Ganito?" tanong ko at nag pout.

Nung nag pout ako, biglang may lips nag landing sa aking labi...

Te-teka! Kang James tong labi na to ha! A-ano?!

"Ba-bakit mo ako hinalikan?!" tanong ko.

"Kase, mahal kita. Inaaway lang kita palagi kase yan lang anf solution para malapit ako sa iyo. Kaya, nag hahamon ako palagi ng pick up lines battle para mapansin mo ako...." sabi niya.

"A-ano? Mahal mo a-ako?" tanong ko. Grabe! Nauutal ako!

"Oo. Sige, wag mo sabihin nalang, alam ko ang sasabihin mo...." sabi niya.

Kinuha ko ang cheeks niya at hinalikan ko siya.

Sa totoo lang, crush ko si James matagal na. Natatakot lang ako na ireject ako ni James eh.

"Oh? Akala ko alam mo ang sagot?" tanong ko.

"Ta-talaga? " tanong niya.

"Nauutal? " tanong ko.

"So, girlfriend na kita?" tanong niya.

"G*go! Ligawan muna ako!" sabi ko.

"Hoy! May yun may mga tao pa dito! Tuloy kami nilalanggam!"

At tumawa na lang kami ni James.

--------------------------------------------

Hey guys!

Update oh!

Hehe. Wag niyong kalimutan mag vote at comment!

Pwede kayong  magparequest ng genre sa next story ko, at idedicate ko sa iyo.

O sige! Kitakits nalang next time!

xoxo,
Cupid_princess16

JaDine One Shot Stories [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon