I took a deep breath. At dahan-dahang lumabas ng kwarto ni Y/N. Muli kasi siyang nakatulog siguro dahil na rin sa mga gamot na iniinom niya at dahil sa dextrose na nakakabit sa kanya. Nilagyan na rin siya ng doctor ng oxygen dahil kailangan niya ng supporta dahil nagkaroon daw ng shock kaya nanghina ang puso ni Y/N. I just hope it's not a big deal.

"Tito..." buong lakas kong tinawag si Tito na kinakausap ang isang lalaking hindi ko naman kilala. Napagdesisyonan kong aminin na sq kanila ni Tita na engage na kami ng anak nila. Ayoko ng maghintay pa.

"Oh bakit, Hijo? Do you need something?" seryoso niyang tanong sa akin at saglit lang na itinuon ang attensyon sa gawi ko bago muling binalingan ang kausap. Tinanguan niya lang ito dahilan para umalis ito sa harap namin. Magtatanong sana ako kung sino iyon kaso mas importante ang sasabihin ko.

"May kailangan po akong sabihin at ipakiusap sa inyo." seryoso kong giit. Tiningnan niya ako ng maayos at tsaka sinabing sa rooftop ng ospital kami mag-usap. Sumunod na lamang ako para matapos na ito. I just hope this will go well.


Y/N POV'S

Wala sa sarili kong naimulat ang mga mata ko at tsaka nagpalinga-linga sa loob ng kwarto. Walang katao-tao at tanging ako lamang ang nandito. Nangingibabaw sa buong kwarto ang ingay ng isang monitor sa tabi ko. Gusto ko sanang makausap si Kib dahil nag-aalala rin ako sa lagay niya. Alam kong hirap din siya sa sitwasyon naming dalawa Lalo pa't alam na niya ang plano ni papa na ipakasal akong kay jhonas.

Sinibukan kong tumayo ngunit agad rin naman akong nabigo dahil hinang-hina parin ang katawan ko. "Y/N, wag ka munang tumayo." giit sa akin ni Kib. Kakapasok niya lang sa kwarto ko at sabay takbo para alalayan akong muling maupo sa kama.

"Bakit mo ba sinubukang tumayo? Alam mo namang mahina pa ang katawan mo." nag-aalala niyang tanong sa akin. Inabutan niya rin ako ng basong may lamang tubig na nakapatong sa bedside table ko.

"Love pakasal na tayo." giit niya dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Totoo ba ang narinig ko?

"Huh? I-I mean seryoso as in ngayon na?" kahit na gulat na gulat parin ako sa biglaan niyang pagbring-up tungkol sa kasal at nagawa ko pang matawa sa nagging ekspresyon ko.

"Ano ka ba? Bakit mo ako pinagtatawanan?" kunwaring malungkot niyang sambit sa akin at nakapout pa. Ang cute talaga ng taong 'to!

"Wala haha! Nabigla lang kasi ako sa sinabi mo. Hindi ba pwedeng masaya lang ako?" giit ko. Pinisil niya naman ang ilong ko at sabay kaming tumawa. Muling nanumbalik sa aking isipan ang araw kung kailan sinagot ko siya. Nanonood kami noon ng paborito kong movie na 'Spider Man'. Napakapriceless ng mukha niya noon at mukhang ginantihan niya ako ngayon.

"Payag ka ba?" bigla niyang tanong matapos naming matawa sa mga nagging reaksyon ng isa't-isa. Napangiti ako ng walang dahilan. I mean, napakadaming dahilan para ngumiti at hindi ko lang matukoy kung anong dahilan ba iyon dahil nag-u-umapaw ang kasiyahan sa puso ko.

"Ano ka ba,Love? Oo naman payag akong pakasalan ka. Alam mo bang napakasaya ko dahil naitanongmo iyan?" I held his hands and look him straight in the eyes.

"As soon as possible Love magpakasal na tayo. Pero hintayin muna nating makaalis ako sa ospital na'to noh?" biro ko sa kanya at natawa naman siya at tumango. NIyakap niya ako ng mahigpit. Umiiyak ba siya? I held him tightly and whispered the words 'I love you, always' in his ears.

Isang lingo na ang lumipas ng maconfine ako dito sa ospital at habang nandito kami at pinagpaplanuhan na namin ang kasal nang hindi manlang kinukunsulta sila Papa at Mama. Saka na siguro kapag nakalabas na ako sa ospital na'to.

"Oh, anong kulay ba ng theme ang gusto mo? Black na naman ba?" biro ko sa kanya at sinamaan niya lang ako ng tingin dahilan para halos mamatay ako sa kakatawa. Kanina ko pa kasi binibiro at mukhang walang patutunguhan 'tong plano naming. Ang cute niya kasing maasar sa mga biro ko! hahaha!

"Love, serious na tayo please? ikaw ah! kanina ka pa, baka gusto mong..." pagbibitin niya sa kanyang sasabihin. Kumunot naman ang noo ko dahil nanunukso ang kanyang mga tingin. Ang dumi takaga ng utak ng taong 'to! kabwesit!

"Myghad! Love naman! Pwede ba? Ang bastos mo!" hinampas ko siya sa balikat pero gata ko kanina, pinagtawanan niya lang ako dahil bumenta ang hirit niya! Kahit kalian talaga may panabla tong lalaking 'to! May balak pa atang I-seduce ako! Well, call me assuming pero ganon talaga. Yung mga tinginan niya palang? Haynako! Kung hindi ko lang kayang pigilan-- Ewww! ghad!

"Oh, kumain na muna kayong dalawa." sabay kaming napalingon ni Kib sa pintuan ng marinig naminn si mamang magsalita. May bitbit itong eco bag na tantiya ko at naglalaman ng mga tupperwares niya na naglalaman ng mga niluto niya. May libre namang pagkain ditto sa ospital pero mas pinili na lamgn ni mama na ipagluto ako at kasabay na rin dun si Kib. Busy kasi silang dalawa ni papa sa business nilang sinimulan lang ni papa last month para daw may libangan si mama habng nandito kami sa Chicago.

"Si papa po, Ma?" tanong ko sa kanya. Ilang araw na kasi siyang hindi bumibisuta ditto sa akin at ang lagi namang sinasabi ni Mama at super busy lang daw sa trabaho.

"Anak, alam mo naman dibang busy siya sa trabaho niya? Hayaan mo na muna 'yun dahil masaya siya sa ginagawa niyang trabaho." paliwanag ni Mama sa akin. Napapout na lamang ako. Gustong-gusto ko kasing makausap si Papa recarding the fixed marriage. I hope na nagbago na ang desisyon niya. Napatingin naman ako bigla kay kib dahil bigla siyang nanahimik.

"Sige na kumain na muna kayo at bababa na muna ako para makausap ang doctor." paalam ni Mama. Kumain naman kami ng tahimik at mukhang wala ng balak na magsalita si kib. Nahihiya naman akong magtanong dahil baka malalim ang kanyang iniisip. Ano kaya ang problema ng lalaking 'to?

Ilang weeks pa ang itinagal ko sa ospital. Walang nagbabago. Paulit-ulit kong nararamdaman ang sakit na hindi ko maipaliwanag kung saan nangagaling. Kib? he's always beside me. Hindi niya ako iniiwan. Lagi niyang hinahawakan ang kamay ko sa tuwing iiyak ako dahil naghihina ako at nasusuka. He is somehow my strength.

"Welcome home." I whispered to myself. After ko kasing makalabas sa ospital at napagdesisyonan nila mama na ibalik ako dito sa pilipinas. Kakarating lang namin after ng flight na akala mo hindi na matatapo pa. Mananatili si Kib sa tabi ko. And I'm somehow glad that I'm not that alone while fighting this illness.

2017 ended up very fast and awful. The only good thing that happened to my 2017 was meeting Kib. We celebrated Christmas and new year inside that small hospital room. It was quite happier though.

"Okay ka lang ba?" napatitig ako sa mukha ni Kib na biglang sumulpot sa harapan ko. Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakakunot ang noo. Tumango ako at sabay buntong-hininga.

"Pwde ba tayong mamasyal mamayang gabi?" I suggested. I really want to walk at damhin ang sariwang hangin ng pilipinas. Kahit ilang months lang akong nawala feeling ko namiss ko ang lugar na'to ng sobra.

"P-pero baka mapagod ka?" nag-aalangan niyang sambit sa akin. I flashed a smile at naramdaman ko na lamang na may tumulong luha sa mga mata ko.

"Hanggan't nanjan ka hinding-hindi ako mapapagod." giit ko habang patuloy na lumuluha. "I am just really thankful to have you by my side." dagdag ko pa. Bigla akong natigilan ng marinig ko siyang tumawa ng mahina at kasabay niyon ay ang paggulo niya sa buhok ko.

"Ano ka ba? Pinapakaba mo ako,e. Akala ko kung ano ng nangyayari sayo dahil bigla-bigla ka nalang umiiyak jan." giit niya at sabay hila sa akin at niyakap ng mahigpit.

"I promise to never leave your side, okay?" napapikit ako at mas lalong napakakapit lalo sa kanya ng mahigpit. Tumango ako at mas lalo akong napaiyak dahil nag-uumapaw ang nararamdaman kong naghalo-halo na.

I love you so much. I really love you. Thank you for giving me a chance to be happy in this kind of life.

END OF CHAPTER 19

THANK YOU FOR READING!

PS. Sorry kung natagalan hehe. Busy talaga ang sched ko at super dami kong iniisip hahahaha char! Anyways thank you for supporting this tho ang... hayst yun lang hehe ^_^

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon