Itinulak ko siya ng malakas para makatakas pero di pa man ako nakakatakbo ng malayo ay nahagip nanaman niya yung bewang ko at saka ulit ako ibinalik sa pagkakasandal ko kani-kanina lamang. Tumabon na din sa muka ko yung ilang hibla ng buhok ko, which is good by the way.

“M-Matabungkil?” pareho pa ata kaming na shock sa sinabi niya at saka nanlaki yung mga mata niya at sa mas pagkagulat ko ay napatingin si loko sa dibdib ko na agad ko namang niyakap .

>///////////<

“A-ano bang pinagsasabi mo?!” totoong nagagalit na talaga ako dahil sa mga nalaman niya pero wala akong balak umamin kaya kung matigasan lang naman ang labanan ay panalob na ako.

“You little liar, kahit ipikit mo pa yang mga mata mo at itago mo yang muka mo diyan sa buhok mo ay makikilala at makikilala pa rin kita. Kaya naman pala sa tuwing nagkakasalubong ang mga landas natin ay palagi kang nakatungo o di kaya nagtatago. Alam nab a ni Blue ang tungkol dito?”

Umurong ata yung dila ko at nahihirapan na din akong huminga sa sobrang kaba.

Nanlalamig na din yung pakiramdam ko. Habang si Myco nakatitig pa rin ng taimtim sa akin.

I can’t utter any word my god!

Pero sabay pa kaming napalingon sa bandang likod ni Myco ng may marinig kaming tumikhim ng malakas. Pakiramdam ko bumalik nanaman yung masamang pakiramdam ko kanina ng makitang prenteng nakasandal sa pader si Blue habang nakatingin ng masama sa ayos namin ni  Myco.

Tinubuan na din ata ng ugat yung mga paa ko dahil di ko man lang maigalaw ang mga iyon. Imbes na umalis at bitwan ako ay hinarap lang ni Myco si Blue habang nasa likod niya ako.

“All this time ay alam mong babae siya hindi ba?” tanong iyon ni Myco.

“Yes, day one pa lang may hinala na ako. Bakit?” parang wala lang na sagot ni Blue na nakatingin lang din ng straight kay Myco.

“Why didn’t you tell us about this? May itinatago ka ba?”

“Wala, at bakit kailangan ko pang ikalat iyon? Hindi ako tsismosong tao Myco”

Hala! Ano ba naman itong dalawang ito, baka mag sapakan na iyang mga yan maya-maya lang…

“So that’s it! Kaya hinayaan mong isipin namin na kauri natin ang isang ito?” talagang pinatong pa ni Myco yung kamay niya sa ulo ko. Napapitlag nanaman ako dun at napapikit na lang ulit ng mariin.

TAKING MR.BLUE OUT OF HIS BLUE WORLD...Where stories live. Discover now