Relo (Poem)

103 5 1
                                    

Oras ang isa sa mga importante bagay dito sa mundo.
Bawat segundo na tumatakbo ay mahalaga.
Ang oras ay mabagal pagdating sa mga taong naghihitay.
Ang oras ay minsan naman mabilis para sa mga taong nagsasaya.
Ang oras ay mahaba sa mga taong pinagdadaan na mabigat sa buhay.
Ang oras din kadalasan ay mapaglaro sa mga taong natatakot.

Kanya kanya tayo ng diskarte sa buhay kung gaano natin papahalagahan, gagamitin at susulitin ang oras na binigay sa atin.
Minsan, nakakalimutan natin pahalagahan ang oras at hinahayaan lumipas ito at masayang.
At pagdumating sa punto na bilang na lamang ito, dun mo lang mapagtatanto kung gaano ito kahalaga sa buhay natin.
Alam natin na limatado ang oras natin, pero ang iba satin ay binabalewala eto.
Tumatakbo ang oras, hindi natin to hawak, mahahabol mo minsan, pero hindi mo madadaya.

Swerte ng taong pinaglalaan mo ng oras, dahil kung gaano kaimportante ang oras, ganun din siya ka'espesyal sayo.
At ang swerte ko, dahil kadalasan ng oras mo ay napupunta sa akin.
Pasensya ka na kung nakukuha ko na ang mga oras na nakalaan para sa iba, konting panahon nalang naman na, ibabalik ko din sakanila.
Wag kang mag'alala, dahil sisiguraduhin ko din na maglalaan ako ng oras para sayo, kahit gaano man kalaki ang pagitan ng oras natin, kahit na may mga bagay na aasikasuhin, gagawan ko ng paraan para madama mo padin kung gaano ka kahalaga sa akin, tulad ng kung gaano kaimportante ang oras sa akin.

--------/

Kinopya ko na dito. Haha! Para naman andto na lahat tula ko for yow. 😂 pero nka'publish din sa malaya. Hehe!

Para sa'yo Mahal ❤️Where stories live. Discover now