" She's very smart. " muli niyang nilingon ang nagsalitang katabi.

" Thank you." sagot niya dito. Masaya siya na pinuri nito ang anak, kung pwede niya lang sabihin dito ang totoo.

Pagkatapos ng program ay nag award ang Teacher ng mga ito at si Maui ang nakakuha ng unang pwesto. Siya ang nagdikit ng Gold Star sa damit ng anak. Pinalakpakan naman sila ng mga bata at magulang na naroon.

Si Kylie naman ay nakakuha ng pangatlong pwesto saka naman dumating ang ina nito at tama ang hula niya. Si Olivia ang ina ng bata.

Mabilis silang umalis ng anak pagkatapos ng program. Kitang kita niya kung paano binuhat ni Zaide si Kylie habang nakasunod sa mga ito si Olivia. Larawan ang mga ito ng masayang pamilya. Pumatak ang luha niya. Masakit makitang masaya na ito pero anong iniiyak niya, yon din naman ang gusto niya noon, ibinilin niya pa nga si Zaide kay Olivia. At isa pa siya naman ang umalis.

" Mommy are you crying? " napansin ng anak niya ang pagpahid niya ng luha.

" Mommy is happy and so proud of you baby." isinantabi niya ang nararamdaman. Magiging masaya sila ng anak kahit sila lang.

Ibinida ng anak ang Gold Star sa mga magulang. Tuwang tuwa naman dito ang Mommy at Daddy niya pati narin si Xhan. Pagkatapos nilang magdinner ay nilinisan at binihisan na niya ito saka hinayaang maglaro. Naglinis narin siya ng katawan at nagpalit ng pantulog. Palabas na siya ng banyo ng marinig na kinakausap nito ang picture ni Ethan.

" Papa look I got the Gold Star today, are you happy for me Papa? I miss you so much." malungkot na naman ito.

" Anak..dadalawin natin bukas sina Ninang Elle at Ninang Sab, diba namimiss mo sila. " nagkunwari siyang palabas palang ng banyo.

" Talaga Mommy? " inakay niya ito sa bed at tinabihan.

" Oo Baby, ang galing galing ng Baby ko today, sigurado akong proud din ang Papa mo sayo at nakangiti siya ngayon sa heaven." Pagkatapos nito magdasal ay kung ano ano pa ang pinag usapan nila hanggang sa nakatulog nalang ito.

" I'm sorry anak. Patawarin mo si Mommy dahil nasasaktan ka sa mga desisyon na ginawa ko noon. Sana ay maging sapat ang pagmamahal ko para kahit papaano ay hindi kana maging malungkot." niyakap niya na ito.

Hinatid niya kinabukasan ang anak sa mga kaibigan, ipapasyal daw ng mga ito si Maui.

" Ingatan n'yo ang anak ko, sasaglit lang naman ako sa opisina. Hindi naman siya makulit kaya hindi kayo mahihirapan." bilin niya sa mga ito. Minsan na siyang nawala noong bata siya at ayaw niyang mangyari iyon sa anak. Pero mabuti nalang na nawala siya noon, nahanap naman niya ang Mommy Trisha niya.

" Don't worry Claw, kami na ang bahala kay Maui." sagot ni Sab sa kanya.

" Anak wag kang malikot ha, huwag kang lalayo sa mga Ninang mo. I love you Baby." hinalikan niya ang pisngi nito.

" Yes Mommy. I love you too." kumaway pa ito sa kanya.

Ipinasyal naman ng dalawa si Maui sa Mall. Pinakain muna nila ito sa ultimate favorite fast food ng mga bata. Saka sila nanood ng sine. Hindi pa nangangalahati ang palabas ay nagyaya itong magbanyo kaya lumabas nalang silang tatlo.

" Come Maui, Ninang will buy dress for you." hinila ito ni Sab papasok sa isang shop pambata. Sumunod naman sa kanila si Elle.

Tuwang namili sila ng mga damit para sa inaanak.

" Gabrielle? Ma. Ysabella?" pareho silang napatingin sa tumawag sa kanila.

" Nicole? " nakilala ito ni Elle, kaklase nila ito noong college at madalas nitong paginitan si Chloe.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now