" Mommy! " nagulat siya ng tumili ito. Paparating na pala ang ina nito.

" Baby, teka anak, ang dungis mo na. Saan mo kinuha ang Ice cream na yan? Paano ka nakabili niyan?" tinuro naman siya ng bata.

" Maui, let's go wash your face, sige na mauna kana." ng makalayo ng konti ang bata ay binalingan siya nito. " I told you to stay away from my daughter. Please Mr. Mondejo, kung ano man ang galit mo sa'kin' ako nalang, wag ang anak ko." saka siya iniwan nito.

Inis na sinundan niya ito ng tingin. Siya na nga itong nagmagandang loob doon sa bata, parang siya pa ang masama. Anong tingin sa kanya nito bampira na anytime sasakmalin ang anak niya.

Chloe Alexandria

" Mommy are you mad?" napansin siguro ng anak ang pagsimangot niya.

" Anak hindi ba bilin ni Mommy sayo huwag kang nakikipag usap kung kanikanino? Nagpabili kapa ng Ice cream." lumungkot ang mukha nito.

" I'm sorry Mommy. Tito Zaide is nice to me and he said he is your friend, diba the other day? Saka I want to eat Ice cream like my friends." napabutonghininga nalang siya.

Bata lang din ang anak niya at normal na gustuhin nitong kainin kung anong meron ang mga kaklase. Baka nag oovereact lang siya. Hindi naman siguro maatim na idamay ni Zaide sa galit nito sa kanya ang anak.

" Did you say thank you baby? " nagliwanag ang mukha nito.

" Yes Mommy. Tito Zaide is Kylie's Papa, Mommy. Buti pa siya Mommy.." naalarma siya sa huling sinabi nito.

" Nako anak, magsisimula na yata ang program ninyo, nasan na ang drawing mo?" pagiiba niya ng usapan.

" It's in my bag Mommy nasa room." inayos niya muna ang buhok nito saka sila lumabas ng washroom.

Kinuha ng anak ang drawing at nakihalo sa mga kaklase. Magsasalita ang mga ito sa gitna tungkol sa iginuhit.

Sa lahat naman ng magulang na naroon si Zaide pa ang katabi niya sa kanan niya.

" I'm sorry for being rude. Thank you sa ginawa mo para sa anak ko." humingi nalang siya ng paumanhin dito.

" Loosen up, wala akong anomang balak sa anak mo. " Saka seryosong tumingin sa mga bata. Hindi na niya ito muling inimikan. Pansin niya na wala itong kasama.

Nabaling kay Maui ang atensiyon niya ng ito na ang magsasalita. Tungkol sa pamilya ang iginuhit ng mga ito.

" This is my family." umpisa ng anak niya. " This is my two DaddyLo and two MommyLa. They love me very much. This is Tito Xhan, he likes to play with me. " si Xhan palang kasi ang nakikilala nito. " This is my Mommy, she takes care of me and love me so much, she's the best Mommy in the whole world. " napaluha siya sa sinabi ng anak. " And this is my Papa, he's in heaven with Jesus. I miss him so much." pinahid niya ang luha at nilapitan ito dahil nag umpisa na itong umiyak, mabuti nalang at tapos na ito. Pumalakpak naman ang mga naroon at kita niya ang mga mata ng ilang magulang na malungkot na nakatingin sa anak niya.

" Ssshhhh it's alright Baby, ang galing naman ng Baby ko. I love you anak." kinarga niya ito at bumalik sila sa upuan niya.

Nagtago ito sa leeg niya. Nahiya marahil sa pag iyak. " It's okay Baby, you did a very good job. Maui is very brave." Ilan lang yata silang maayos na nakapagsalita sa maliit na stage na naroon. At proud siya sa anak.

" Good job Maui." nagulat siya ng magsalita si Zaide sa tabi niya. Sinilip naman ito ng anak niya. " Here, stop crying na." Inabutan niya ito ng lollipop.

Himala namang umayos ng upo ang anak niya sa kandungan niya. " Thankyou Tito Zaide." pinahid nito ang sariling luha saka tinanggap ang lollipop. Maya maya ay bumaba narin ito sa lap niya at bumalik sa mga kaklase.

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Where stories live. Discover now