"Love doesn't offer any guarantee you may end up happy or with broken heart. But that's basically what it is all about. Love is not a give and take situation. It's  always giving and giving.."💕💕💕

Present time

Anak naman, kailan ba titigil ang puso mo para kay Lyonelle?
Aba'y trenta ka na sa susunod na buwan lumagay ka na sa tahimik...sapat na ang naitulong mo amin ng Papa at sa mga kapatid mo...pwede bang sarili mo naman ang intindihin mo?...ito ang pasalubong na litanya ni Mama kada uwi ko, kahit sa kada video call namin palagi itong naisisingit.

Kadarating ko lang galing sa abroad pangalawang beses palang ako umuwi mula sa bansang Canada. Parang kailan lang ang walong taon...isang dakilang pa tambay tambay at pa extra extra lang ako sa talyer. Yun lang kasi ang alam kung trabaho...bata pa ako sa talyer na ang tambayan ko, hanggang sa mag college ako, pero mas pinili ko sa isang vocational na eskwelahan ako mag enrol, kumuha ng Automotive dun kasi ako kumportable.

Minsan sa buhay natin, talagang sinusubok tayo ng panahon, at tanging sa ating mga desisyon nakasalalay ang kinabukasan ng bawat isa. May mga pangarap na sadyang natutupad at meron din namang hindi o di kaya subrang ilap. At isa na dun ang true love kung si Lyonelle.

Ma,..heto nanaman tayo...sa tanong niyo kung kailan titigil, ang sagot ay di ko alam...at ung kalimutan siya,...matagal ko nang trina'try...pero nandito pa rin siya...sabay turo sa dibdib...at ung tumingin tingin sa iba... ginagawa ko yun pero wala pa akong makita.

Ang sa amin lang naman Anak ay ung para sa sarili mo naman. Sino naman ang pag lalaanan mo sa mga napundar mo, kung di mo iisipin ang mag pamilya?

Aba'y nakasalubong ko sa grocery  ung anak ni Engr. Montes si Ericka na ngungumusta sayo. Aba eh, tinanong pa nga niya ako kung kailan daw uwi mo...eh di ko naman nasagot sa eksaktong petsa kasi ung huli mong tawag sabi mo this month... yun pala eh pasakay kana ng eroplano.

Darating din tayo dyan Ma...sabay yakap sa ina...antay antay lang tayo baka na tratraffic lang...ay baka sabik na siguro itong si Mama kumarga ng apo...sinabayan na lang ni Benedict ng biro ang kanyang mga magulang.

Ganun lambingin ni Benedict ang kanyang Mama. Pag nagsimula na itong manermon sa kanya, agad na nyang itong dinadaan sa yakap at halik sa pisngi.

Talyer

Ito ang isa sa negosyong napundar ko sa pag aabroad, ang talyer. Mag aapat na taon na rin itong talyer at si Papa  ang namamahala nito habang wala ako. Katulong niya ang kababata kung si Jaime na siyang chief mechanic dito sa shop, at apat na binatilyong katulong nila sa shop.

May naipundar na rin akong six door apartment mula sa kita ng talyer at ung three hectare na lupa sa ilaya na nabili noong unang dalawang taon ko sa Canada, pwedeng pagtayuan ng aking dreamhouse may niyugan din ito at pwedeng taniman ng palay.

Kung tutuusin ay pwede na akong di bumalik sa abroad at manatili dito. At ito ay isa sa mga plano ko. Kaya nag paalam muna ako sa aking employer ng six months break mabuti nalang at pinayagan din naman ako. Ayaw kasi ng mga magulang kung sumubok man lang na mag bakasyon duon. Mga matatanda na daw sila at di kaya ang klima duon.

Kinabukasan medyo napa alas syete ako ng gising, napasarap ang tulog. Iba talaga pag sa sariling pamamahay at sariling silid ka natutulog. Medyo naririnig ko na ang tunog ng tools at busina ng inaayos na auto sa shop. Agad akong bumangon at konting exercise at bago bumaba naligo na muna.

Naka ready na ang agahan at parang nauna nang mag almusal ang aking kapatid na si Brice at Cathy. Si Brice ay graduate ng civil engineering na nag rereview para sa board exam at si Cathy naman ay practice teacher at pa graduate na rin sa marso.

Morning kuya...bati ni Cathy at Brice.

Nauna na kaming mag almusal kasi maaga pa ako sa school kuya...at thank you so much sa bag na pasalubong...sabay alsa ng bag na nasa center table...sabi ni Cathy.

Ako din kuya maaga ako ngayon sa review center, palapit na kasi ang exam...at thank you din kuya sa sapatos...tingnan mo kuya oh..bagay na bagay...sabay tapik sa balikat ng kuya Benedict niya.

Ok ingat kayo...hatid mo na rin si Cathy sa eskwelahan...dahan dahan sa pag drive Brice.

Wow kuya huli sa balita...may sundo yan si Cathy...nakatawang sabi ni Brice

Kuya Brice!!!???...pasigaw na sabi ni Cathy.

Cathy!!!?...ani ni Benedict

Ma, Pa..alis na kami...Kuya were going...

Hay nag asaran na naman kayong magkapatid...hala sige alis na kayo at tanghali na...ingat kayo sa daan.

O anak, tara na sa hapag at nang maka pag almusal na...aba'y lalamig ang pagkain.

Pero bago dumulog si Benedict sa hapag ay lumabas muna ito at dumiritso sa talyer na nasa gilid lang nang kanilang bahay. Pagbalik nito ay kasama na ang matalik na kaibigang si Jaime.

Dalawang tasa nang kape ang sumalubong sa dalawa...Masayang nag agahan ang mag kaibigan..
Dating gawi...sabay bigay nang mga pasalubong sa kaibigan at kumpare...at pati na rin sa inaanak nito.

Swenerte lang ako sa buhay pero ganun pa rin ako sa kaibigan, sa pamilya at sa mga kakilala ko. Minalas lang sa pag ibig...hangang ngayon ay wala akong balita kung nasaan man siya...at wala din akong alam kung anung dahilan ng kanyang pag alis.

==============CBIB=============

Read
Vote
Comment
Respect...

Just a Dare to express myself...through writing stories. I'm not a pro-writer so don't expect to much...but I'll try my best to finish my stories.

Xoxo

INCOMPLETE   Benedict the MechanicStories to obsess over. Discover now