Prologue

207 1 0
                                        

Malakas na malakas ang tugtog ng musika dito sa loob ng Bar. Lahat ng tao sa loob ay nagsisigawan sa saya. Nakikisabay sa music at nag iinuman.

Nakaupo lang ako ditong mag isa habang umiinom.

"Another one!" Sigaw ko sa waiter. Tsaka binigyan ako ng isa pang bote ng drink.

Hindi pa naman ako lasing dahil konting konti palang ang na inom ko. Kaya dinagdagan ko pa.

Mag isa lang ako dito dahil ayokong may kasama gusto ko yung walang kausap. May narinig naman akong boses galing sa kabilang table.

"Pre! Ang hot oh! Lapitan natin!"

"Wag na pre! mukhang hindi siya pumapatol sa mga ganyan!"

"Sayang pre! Ang sexy pa naman niya at ang ganda! Hindi basta basta!"

Buti at alam niyo.

Inom lang ako ng inom dito. At mas lalong umiingay ang mga tao sa loob. I look at my wrist watch.

11: 20 p.m

Habang inom ako ng inom dito, napalingon ako sa mga taong nagsasayaw. ibat ibang mga ginagawa. May nag inuman, nagsayawan, nagtawanan, naghahalikan at ang last na nakita ko ay isang....mag shota ata? Pero parang hindi naman. Somethings wrong with them. And I can feel it.

"Can you give me your number miss?"

malanding sabi ng lalake.

"Ohhh...sure"

sagot naman nung babae sabay dial ng number niya sa phone ng lalake.

"So...can we enjoy tonight"

Sabi nung lalake habang ang kamay niya ay dahan dahang papunta sa waist ng babae.

Nakatayo lang ang babae at nakasandal sa counter habang umiinom. Hinawakan ng lalake ang waist ng babae at tsaka ito hinila palapit sakanya. Nagulat naman yung babae pero parang nakisabay nalang din siya. Akmang hahalikan na sana niya yung babae kaso umatras yung babae. Napatawa naman ng mahina yung lalake.

"Is something wrong?"

Tanong nung lalake. Pero umiling iling lang yung babae.

"Come on...lets enjoy this night"

Malanding sabi ng lalake.

Tsaka niya sinunggaban ng halik yung babae. Di hamak namang pinatulan niya yung lalake.

Yuckk! Manonood nalang ba ako ng ganitong scene dito?..

Umiwas na ako ng tingin sakanila at tsaka nagpatuloy na sa inumin ko. Nang mapansin kong gusto ko pang dagdagan ang drinks ko, sumigaw ako sa waiter para dagdagan ng isa pa kaso parang hindi niya ako narinig.

Aish! humanda ka sakin waiter ka!

Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa counter.

"Excuse me!" Nang marinig nila yun, agad na napaayos sila sa sarili at halatang takot na takot yung waiter na tinawag ko kanina.

Puro daldal kasi inaatupag eh!

"One" agad naman siyang kumuha ng isa pa at binigay sakin. Kapag kasi sinabi kong one, alam na nila ang ibig sabihin nun. Lagi na kasi akong pumupunta dito.

Pasalamat nga sila at hindi ako na highblood sa kanila.

Pagkakuha ko sa inumin ko, ngayon ko lang napansin na nandito pala sa tabi yung naghahalikan kanina.

Napatitig ako sa lalake at hindi ko alam kung bakit biglang may nakita nalang akong tattoo sa braso niya.

Nag iba ang kutob ko nang makita ko ang tattoong yun. nakasulat dun ang "BG". Parang may mali eh.

Remington University (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon