Prologue

8K 157 1
                                    


"Wow may transferee" namamanghang sabi ni carl habang pinagmamasdan ang bagong salta na halatang naliligaw pa

"chicks ba yan?" biglang sulpot na sabi ni shian

"Tanga! Puro nalang babae yang nasa utak mo" sabi ni carl sabay batok kay shian na ngayon ay nakakamot na sa ulo niya

"Wow naman ang ganda nong transferee ah" lahat kami napatingin kay ken na kararating lang

Napailing nalang ako at binalik ang paningin ko sa transferee. Sinundan ko lang siya ng tingin at pinagmasdan ang kabuo-an niya and based on her appearance, she's weak.

"She won't last long" I said and they all agreed

"Welcome to hell, Ms. Alvarez" I whispered to myself

I am now inside of my new campus and It's shocking to see that this is a big Academy. Well, I thought this is just a small school since I heard a lot of rebellious students are here

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko ngunit hahang naglalakad ako napapansin ko na panay tingin at bulong ang mga students na nadadaanan ko

"The fuck they looking at" I whispered to myself

Hindi ko nalang sila binigyan pansin at nagpatuloy sa paglalakad ko. I still don't know where to go and ayoko rin naman magtanong sa mga tao dito.

I searched the surroundings and someone just caught my attention. A black haired guy with dark brown eyes. Nasa rooftop siya with some other guys and they're looking at me. Nakipag eye contact ako and for the first time, I feel goosebumps.

"Required bang bigyan ng death stare kapag transferee?" I asked myself and I heard someone's laughing behind my back kaya nilingon ko ito

Napakunot noo ako ng makita ko siyang hawak hawak ang tiyan habang tumatawa. Problema nito?

Napansin niya atang nakatingin ako sakanya kaya tinigil niya ang pagtawa at hinarap ako ng maayos. Am i the only one who can see that everyone's been acting weird?

"Hello miss! Pasensya ka na ha hindi ko napigilan ang tawa ko. Narinig ko kasi ang sinabi mo pero sinasabi ko sayo ganyan lang talaga ang mga tao dito ngunit mamabait naman sila, ang iba" nakangiting saad niya.

Sa hindi malamang dahilan ay ngumiti nalang din ako at tinanguan siya. Tatalikuran ko na sana siya nang hawakan niya ang kamay ko

"Teka sandali. Hinahanap mo ba ang dean's office? sumama ka sa akin. Dadalhin kita dun" hindi na ako nakapagsalita dahil hinila niya na ako

Hindi ko siya kilala and I don't really trust her but I guess I have no choice. Tinignan ko ulit yung lalaking nasa rooftop kanina and to my surprise, he's still looking at me.

Bago pa siya mawala sa paningin ko ay nakita ko siyang may sinabi sa sarili. Matalas ang mga mata ko kaya kahit malayo siya kitang kita ko na may sinabi siya and the way he looks at me while saying something to himself, it felt like he just said "Welcome to hell"

Smith Academy Where stories live. Discover now